Thank You Note

295K 7.7K 2K
                                    

Hi!

Una sa lahat, salamat ng marami sa pagbabasa ng Avah Maldita, since 2012 hanggang ngayon 2018 na binabasa/binasa nyo pa din.

Salamat sa walang sawang pagsuporta mula wattpad version at book version. Kahit ang karamihan sa inyo ay nainip kakahintay ng update at yung iba naman ay nasungitan ko. Hahaha.

Lubos din akong nagpapasalamat sa lahat ng bumili at sumuporta sa libro ni Avah, 2014 up to now. I know, mahirap na makahanap ng copy.

Salamat din sa mga nanood at naki-tweet noong Feb. 2016 nung maging Telemovie ang Avah Maldita sa TV5. Uyy, nagtrending tayo dun, #1 spot. Oha! Gagaling nyo e.

Pangalawa, gusto ko i-welcome ang mga new Maldita Readers!

Pasensya na kung naguluhan kayo. Bigla na lang may book version. Ano ba tong book version. Di nyo pa tapos yung original version. Anong meron sa original. Sorry na. Pero kailangan ko ipost ang book version para tumugma sa ginagawa at balak kong gawin sa book 2.

Saka maawa naman kayo, ang jeje pa nung orig version. 2012 pa yun. Tapusin na natin yun. Kahiya e, hinahanap ng mga kakilala ko. Hahaha.

Pangatlo. Alam kong nabitin kayo sa kwento ni Avah at Neo. Na parang, ang bilis naman, yun na yun. Ano nang nangyari sa kanilang dalawa? Bakit ganon lang? Yung ibang characters anong update sa buhay nila?

I hear you.

Kaya nga may Avah Forever Maldita (ito yung book 2)

Kung mapapansin nyo naman, ang book 1 umikot lang sa family problems, sister rivalry, at self ni Avah. Walang masyadong ganap sa love life nya kasi nga sa book 2 ko sya ilalagay.

Well, fun read and light lang ang gusto ko mangyari sa book 2. Wala masyadong drama, because Avah is my stress reliever. I love her and sometimes i want to kill her. (Sama kasi talaga ng ugali nya hahaha. Pero wala e, si Avah na mismo yung gumagawa ng sarili nyang kwento. Isulat ko na lang daw. Feeling ko kasi may sarili na syang buhay dahil kabisadong kabisado at kilalang kilala ko na sya)

Osya, ang haba na.

Salamat ulit.

Avah Chen will be back on Avah Forever Maldita.

PS. Di ko alam kung kelan ang update.  I will update on my own time and will. Okay?

Oh? Aarte pa?

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionWhere stories live. Discover now