MALDITA 33

853K 20.6K 2.8K
                                    

Maldita 33

Pababa pa lang ako galing sa kwarto ko, rinig na rinig ko na ang makabasag eardrums na boses ng ever frustrated singer kong kapatid! Wala na ba akong maririnig kung hindi ang boses nya? Araw-araw ganito, sya na nga ang pumalit sa alarm clock ko. Pinuntahan ko kung nasaan sya para patigilin sa pagkanta. Wala sa sala, wala din sa graden, wala din sa garage, wala din sa dining room...masama 'to, ayoko ng iniisip ko kung nasaan sya.Mabilis akong nagpunta sa kitchen.

Nakatalikod sya sa akin; naka-apron, may hawak na sandok sa kanang kamay, at pot holder sa kaliwa. Nakapony tail yung mahaba nyang buhok at may pa sway-sway pa si Ate habang kumakanta. Hindi muna ako pumasok at pinakinggan yung kanta nya. In fairness, nakakaaliw syang panoorin. Hindi dahil sa magaling sya kung hindi dahil mukha syang tanga.

"Baby it's you. You're the one I love. You're the one I need. You're the only one I see. Come on baby It's you. You're the one that gives your all. You're the one I can always call. When I need you make everything stop. Finally you put my love on top."

Sige birit pa, kapag naputol ang litid mo pagtatawanan talaga kita. Hindi ko mapigilan pagtawanan ang pagpipilit nyang lagyan ng kulot ang kanta nya. Nakakaloka! Maubo-ubo na nga sya dahil sa sobrang taas ng kanta. Kantahin ba naman nya ang 'Love on Top ' ni Beyonce eh. Bago pa maputol ang litid nya, nagparamdam na ako.

"Kailan ka pa natutong magluto?" Mapanghusgang tanong ko. Judgemental na kung judgemental pero wala akong tiwala sa ginagawa nya.Napatigil sya sa pagkanta at nakangiting humarap sa akin bago ako sinagot.

"Ngayon lang." Proud pa talaga nyang sabi. Ito ang tinatawag na literal na jaw-dropping-plus-face-palm-moment.

"At proud ka pa talaga! Ano 'yan, additional for your 'frustrating-ambition-in-life' list? Please lang, stop whatever you're doing Avy, ayokong mamatay nang tustado dahil nasunog ang bahay ko o bumubula ang bibig dahil sa pagkain ng niluto mo. Pwede ba that's not so pangmayamang death!" Inis kong sabi sa kanya. At ano pa nga pang isasagot nya sakin kung hindi ang kanyang Avy's famous childish pout. Magsama talaga sila ni Frances.

"Ano ba 'yang niluluto mo?" Lumapit pa ako sa kanya at sinilip 'yung nasa frying pan.

"Pancakes!" Masayang sagot nya. Another jaw-dropping-plus-face-palm-moment.

"Are you sure na pancakes ang niluluto mo? Nasaan na ba kasi si Daldalita?" Nagpipigil na tawa kong tanong.

"Bakit? Mukha naman pancake ahh?" Inosenteng tanong nya at tinusok-tusok nya pa ang pancake daw gamit ang hawak nyang sandok bago nya binaliktad. Napansin ko naman ang iba pang pancakes daw na nakalagay sa plato. Nagkalat din yung pancake mixture at egg shells sa sink.

"Oo, mukha naman silang pancakes...bilog naman silang lahat. Hindi nga lang kulay pancakes." Hirap na hirap na ako sa pagpigil ng tawa ko lalo pa noong makita ko yung itsura nya. Kinuha nya 'yong empty box ng pancake mixtures.

"Sinunod ko naman yung instructions dito eh." Binasa nya 'yung instructions sa gilid ng box. Kinuha ko ang empty box sa kamay nya at pinakita sa kanya ang picture noong pancakes na may butter and maple syrup sa ibabaw na katabi noong mukha kuneho sa karton na naka-toque at nakangiti. Pinalipat-lipat ko ang tingin ko sa picture ng pancake at sa pancake na gawa ni Avy. Saka ako umiling.

"Hindi ko malaman kung toasted, overcooked o roasted pancakes ang ginawa mo eh. Tignan mo naman ang picture sa gawa mo...ang layo!"

"Nako Avah, huwag ka ngang naniniwala sa mga pictures na nakikita mo...in-edit lang yan! Thank you Adobe Photoshop yan Avah. Itong gawa ko, this is real." Pagdepensa nya. Saka hinablot sakin yung box at tinapon sa trash can. Kinuha ko naman ang niluto nya at saka itinapon din sa basurahan.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon