MALDITA 11

968K 23.1K 6.9K
                                    

MALDITA 11

Masaya akong gumising at mabilis na bumaba para hanapin si Avy. Masaya talaga ako na nandito na sya sa Pilipinas. Mas exciting pala kapag nakikita mo na 'yong taong sa imagination mo lang pinapahirapan, sinasaktan at sinasabihan ng masasakit na salita. Kung literal lang na napupunit ang mukha, siguro kanina pa napunit ang mukha ko dahil sa lapad ng mga ngiti ko.

"Good morning!" Masaya kong bati sa lahat. Nagulat naman ang mga hampaslupa. Ikaw ba naman batiin ng dyosang katulad ko, ewan ko na lang kung hindi ka magulat.

Hindi ko nakita si Avy sa buong first floor. Kaya tinanong ko 'yong katulong at sinabi nya na nasa kwarto pa daw. Pinakuha ko sa kanya ang susi ng kwarto ni Avy at mabilis akong umakyat saka ko binuksan 'yon nang walang paalam.

Tulog na tulog pa sya noong nakita ko. This is so perfect! Nagpakuha ako sa maid ng isang pitsel na malamig na tubig. Dahan-dahan akong nagpunta sa bedside ni Avy at saka ko sya binuhusan ng malamig na tubig mula sa pitsel na dahilan kung bakit sya nagising at nagsisisigaw.

"Good Morning!" Masaya kong bati sa kanya habang hawak pa ang pitsel.

"I hate you!" Sigaw nya.

"I hate you more." Nakangiti ko namang sabi.Taas noo akong lumabas ng kwarto nya while she's still screaming.

Sa mga sumunod na araw ay puro pambwibwisit lang ang ginawa ko sa kanya. Nabibigla sya sa mga ginagawa ko kaya naman hindi sya makaganti agad. Puro sigaw lang ang sinasabi nya sa akin. While me? I keep on pestering her things and even her food. Last night nga, I put salt in her coffee. I even replaced her shampoo with feminine wash.And now, naabutan nya akong kumakain ng lunch sa dining area. Masama ang tingin nya sa akin.

"What monster are you?" Bigla nyang tanong.

"A beautiful one." Nakangiti kong sagot sa kanya. Napatulala naman sya.

"Nagiging hobby mo na ata ang matulala sa kagandahan ko. I can't blame you but please don't droll over me, incest na nga, lesbianism pa." Pandidiri ko.

"Where did you get all your guts?"

"Secret walang clue." Bumalik ako sa pagkain noong napansin kong nakatayo pa din sya.

"Tatayo ka na lang ba habangbuhay? We're rich Avy, have a sit. Don't worry hindi 'yan masisira kapag umupo ka. Sabagay, magaan ka nga lang pala."

"Of course, because I'm sexy."

"No, that's not what I mean. Magaan ka lang kasi plastic ka."

"Anong sabi mo? Ako? Plastic? How dare you to tell me that!"

"Ang galing, buti hindi ka natutunaw? Nag-aapoy ka kasi sa galit dyan, 'diba plastic ka? So dapat ngayon pa lang, tunaw ka na. Oh my, sorry ha...corny ba? Medyo off kasi 'yong humor ko ngayon e." Natatawa kong sabi.

She looks stunned. After a moment nakabawi na din sya.

"You're talking nonsense Avah. 'Yan ba ang natutunan mo dito sa Pilipinas? Tama lang pala ang naging desisyon nina Daddy na iwan ka dito...nakakahiya kasi kung ganyan ang iaasal mo sa China."

"Mabuti na din at umalis ka ng Pilipinas. Ingat ka ha, unti-unti na kasing ipinagbabawal ang plastic dito."

"Ang sama ng ugali mo."

"Hiyang-hiya naman ako sa ganda ng ugali mo. I feel sorry for our parents; they are blinded by your lies."

"At least I'm loved."

"Love that you don't deserve."

"Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa mga nangyari? Hindi ko na kasalanan kung hindi ka nila pinaniwalaan at kung hindi mo nagawang ipagtanggol ang sarili mo."

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon