MALDITA 27

892K 20.6K 4.3K
                                    

Maldita 27

Napangiti ako noong pumunta ako sa School the next day, napakatahimik. Wala akong naabutang kumpulan ng mga babaeng natitilian. Wala din akong nakitang babaeng maharot at feeling great. Naabutan ko si Neo na busy sa pag-susupervise sa ginagawang renovation. I think he got the memo from my father. Hindi kasi ako nakatiis kagabi at nag-e-mail ako kay Daddy na Neo is not doing he's work. Good, I guess everything is back to normal.

Dumiretsyo ako sa opisina ni Mikee. Busy sya na nakatingin sa laptop nya at sa tabi nya ay tambak na papel. Sa sobrang pagkabusy nya, hindi nya napansin ang pagpasok ko. I wandered around his office, pangatlong beses ko pa lang atang nakapasok sa opisina nya. Hanggang ngayon, hindi pa din ako sanay sa itsura nito. Masyadong panlalake at malayo sa gender nya. Wala akong makitang feminine sa opisina nya, bukod sa presensya nya.

"Yes, Miss Chen?" Finally napansin nya din ako.

"I'm just wondering are you really gay?" Natigilan naman sya sa tanong ko at napakunot ang noo.

"No. I'm a girl! Nakakainsulto ha." I rolled my eyes at his reaction.

"What I mean is, look at your office. Masyadong manly, hindi ka din palaging nag-gagay linggo, hindi ka din naman pala make-up beside sa paglalagay ng lipgloss, hindi ka din cross-dresser...hindi ka nga lang gwapo pero mukha ka pa ding lalaki. Kung hindi lang kita kilala, hindi ko maiisip na bakla ka." I did not say that to offend him. I'm just saying what I think about him.

Itinigil nya ang ginagawa nya at nakangiting tumingin sa akin.

"Hindi ko naman ikinahihiya ang pagiging bakla ko, pero hindi ko na kailangan pang ipagsigawan sa buong mundo na bakla ako. Tama nang alam nilang bakla ako, I don't need to act one. Ang tawag doon, self-respect. Avah, teacher ako. I'm a professor. Kung hindi ko kayang respetuhin ang sarili ko, paano pa ako rerespetuhin ng mga estudyante ko at ng ibang tao? Hindi masamang maging bakla, hindi din masamang magpaka-bakla, ilugar lang. I don't know if I am making sense but did you get my point Miss Chen?"

"Oh." Ang tanging naging sagot ko. Minsan talaga hindi ko mapigilang ma-amaze kapag sya ang kausap ko. Madalas kasi, may sense sya. Hindi ko man sinasabi sa kanya, but I admire him, not romantically though but as a person. Si Mikee yung taong kahit pagalitan ka o pagsabihan ka, hindi mo magagawang mainis sa kanya dahil you will end up agreeing to whatever he is saying. Ganoon sya kagaling magsalita, bago nya buksan ang bibig nya, binubuksan muna nya ang isip nya. My School is lucky to have him around.

"Anyway, what brings you here?" Nakangiti nyang tanong sa akin.

"Let's have coffee." Pinagtaasan naman nya ako ng kilay.

"Nagpapatawa ka ba Miss Chen? Are you asking me on a date?" Now it's my turn to raised an eyebrow on him. Mukhang babawiin ko na ata ang lahat ng papuri na ibinigay ko sa kanya kanina lang.

"Niyaya lang kitang mag-kape hindi mag-date. Ang dirty mo ha! My treat, oh? Aarte pa?"

"Anong meron?"

"Bakit kung makapagtanong ka parang wala sa kapasidad ko ang mag-aya na magkape?"

"Next to miracle kasi." Natatawa pa nyang sagot.

"Miracles do happen. So ano? Tara na."

"Nagmamadali? Sandali lang." Ang dami pa nyang arte papayag din naman pala. Pinatay nya ang laptop nya at inayos ang gulo-gulong mga papel sa tabi bago nag-retouch at tumayo na para umalis.

-

Isinet-up ko sina Avy at Mikee para magka-usap sila. Kahapon kasi, ni hindi man lang nagtinginan ang dalawa. Todo iwas, akala mo parehong may malubhang sakit. Pagka-uwi namin, hindi maipinta ang mukha ni Avy. Wala din syang ganang kumain at nagmukmok lang sa kwarto nya. When I asked her why, halos mangiyak-ngiyak nya akong sinagot.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon