MALDITA 13

988K 34.5K 9.6K
                                    

MALDITA 13

Dumiretsyo kami sa Bar na pagmamay-ari nina Aira para mag-celebrate.Tuwang-tuwa sila habang pinagkwe-kwentuhan ang mga nangyari kanina.Nirequest pa nga nila na i-play ang 'Applause by Lady Gaga' para daw sa success ko. Sa ngayon masaya ako, nagantihan ko na sya, napahiya at nasaktan tulad ng ginawa nya sa akin noon. Alam kong hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Hindi din dapat ako makampante dahil alam kong gaganti at gaganti sya sa akin. I know my sister very well, hindi sya papayag na maging talunan.

Habang nagsasayawan ang mga kaibigan kosa dance floor, pinapaulit-ulit ko sa utak ko ang mga nangyari kanina. 'Yong tensyon, hindi maipintang mukha ni Avy, pagkapahiya nya sa lahat, pag-iyak nya, ang pagkuyom ng mga palad ni Ian, mga mapanghusgang tingin ng guests kay Avy na minsan din nilang ibinigay sa akin, ang malalakas na tawanan, at ang mga malalakas na bulungan na kulang na lang banggitin ang pangalan mo para malaman mong ikaw ang tinutukoy nila. Ganoon magbulungan ang mga taong mapanghusga, nakakabingi.

Gusto kong ulitin at damahin ulit ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa sobrang galit, excitement, saya, lungkot at kung ano-ano pang emosyon na naramdaman ko kanina. Pero mas nangibabaw sa akin ang galit. Galit na dinala ko nang dalawang taon. Galit na hindi ko alam kung paano nagsimula at kung kailan matatapos. Galit na naging dahilan kung bakit ako naging masama sa paningin ng iba. At ang galit na dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Nasasaktan ako dahil alam ko na kahit na ilang ulit kong gantihan si Avy, hindi na mababago ang katotohanang hindi ako pinaniwalaan ng sarili kong mga magulang at iniwan nila akong mag-isa.

Hindi ba dapat masaya ako ngayon?Nakaganti na ako. Napatunayan ko na sa lahat na mali sila nang pagkakakilala sa akin. Pero heto ako ngayon, nagpipigil ng luha na kanina pa gustong pumatak. Hindi sumasang-ayon ang katawan ko sa gustong maging reaksyon ng utak ko. Sinasabi ng utak ko na 'Mag-enjoy ka. Mag-saya ka.'

Umiling-iling ako sa pag-aakalang mawawala lahat ng iniisip ko, pero hindi din nakatulong. Huminga ako nang malalim saka ko inubos ang laman ng baso ko. Malakas kong 'yong ibinagsak sa lamesa, mahigpit ko pang hinawakan at saka buong pwersang inihagis sa may salamin dahilan para mabasag ito at mapunta sa akin ang atensyon ng lahat.

"What the?" Rinig kong sabi ni Aira kasabay ng mahinang paghatak nya sa balikat ko paharap sa kanya.

"I'll pay for that." Walang ganang sagot ko.

"I got that mirror from Italy tapos babasagin mo lang? What's your freaking problem?" Galit na sabi pa nya.

"Hindi ba sinabi ko na babayaran ko? Are you some kind of deaf?" Iritadong tanong ko.

"Guys, kalma lang." Pag-awat ni Mikee sa amin.

"Hayaan mo sila. Let us see how many views we can get after uploading their petty fight on YouTube."

After hearing those words from Dhonna sabay kaming napatingin ni Aira sa kanya. Nakangiti sya habang hawak ang cellphone nya na nakatutok sa amin.

"This is fun...Maldita vs. Isnabera." Sabi pa ni Frances while peeking on Dhonna's phone. Mabilis naman na hinablot ni Aira ang cellphone ni Dhonna.

"Awww. KJ." Frances pouted.

"Nagawa nyo pa talaga kaming kuhanan ng video imbis na awatin?" Hindi makapaniwalang tanong ko. What a friend!

"Look at this." Aira nudged me at ipinakita sa akin ang naging sagutan namin. Lumapit din sina Nerd at Mikee sa amin para makinood.

Pagkatapos naming mapanood ang naging away namin ni Aira, ilang segundo din kaming natahimik at noong nagkatinginan kaming lahat ay bigla na lang kaming nagtawanan na para bang nag-usap-usap kami. Hindi ko din maipaliwanag kung paano kami nagkaintindihan sa isang tinginan lang. Siguro ganoon lang talaga kapag tunay kayong magka-kaibigan. Magkatinginan lang kayo bigla, kahit hindi kayo magsalita alam nyo na ang iniisip ng bawat isa. Nakakatawang isipin na kanina lang muntik na kaming magkasakitan tapos ngayon sabay na ulit kaming nagatatawanan.

At 'yon ang lamang ko kay Avy. Nakuha man nya halos lahat ng mga taong malalapit sa akin noon, kampante naman akong hinding-hindi nya makukuha ang limang taong kasama ko ngayon. Bilang man sila sa isang kamay ko pero alam kong hinding-hindi nila ako iiwan sa ere tulad ng ginawa ng karamihan sa mga naging kaibigan ko noon.

Nangingilid ang mga luha ko habang pinagmamasdan ko silang lima. Kung tutuusin pala mas maswerte pa ako kaysa kay Avy. Hindi ko na kailangan pang magpanggap para lang may tumanggap sa akin. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng pagiging maldita ko, may mga tao pa ring gusto akong makasama at handang dumamay sa akin. Magkaka-iba man kami ng ugali, madalas man mag-clash ang mga personality namin at may kanya-kanya man kaming ka-weirduhan...but still, here we are enjoying each other's imperfections.

Ngayon ko lang na-realize na hindi ko pala kailangan ng maraming tao sa buhay ko para tuluyang maging masaya, sila lang sapat na. Sa loob ng dalawang taon kong hindi nakasama ang mga magulang ko, noong mga panahong hindi ko alam kung paano at saan ako mag-uumpisa, pinaramdam nila sa akin na hindi ako nag-iisa. Puro kalokohan man ang mga ipinapayo nila sa akin, hindi man ako madalas makarinig ng mga magagandang salita mula sa kanila at hindi man sila makarinig ng kahit na anong papuri mula sa akin pero alam namin na kahit anong mangyari at kung sino man ang gagawan namin ng pangmayamang revenge hinding-hindi namin pababayaang lumaban mag-isa.

Hindi ko na napigilan pa ang kusang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.

"Salamat." Sabi ko sa kanilang lahat.

"Anytime." Sagot nila.

Isang salita lang ang binitawan ko sa kanila pero sapat na 'yon para malaman nila kung gaano ako nagpapasalamat na dumating sila sa buhay ko. At sapat na ang isang salita nila para iparamdam sa akin na hindi nila ako iiwan.

"Awww. Group hug." Biglang sabi ni Frances at niyakap ako.

"Group hug pero si Avah lang 'yong niyakap? Weird!" Sabat ni Nerdy. And Frances wears her famous pout.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionWhere stories live. Discover now