TGOA 2 - Meet The Girls

29.6K 597 10
                                    


"You have a Fire Attribute?"

Napalingon ako sa nagsalita.

Isang nakahood na babae na may hawak na pana at palaso na nagliliyab.Parehas sa dagger ko na nagliliyab rin.

"Ah? Oo bakit?" tanong ko sakanya.Lumapit naman siya sa'kin at tinanggal niya yung hood niya at tumingin sakin.

Ay infairness ang ganda niya.

"Diba galing ka sa white D?" pabalik niyang tanong.Tumango naman ako.

"So hindi iisa ang charm mo.Am I right?"

"Yes"

Nilahad niya yung isang kamay niya sakin at tinanggap ko naman iyon.Pag katapos namin mag shake hands ay naging seryoso na yung mukha niya.

"Ibig sabihin apat ang charm mo."

Huh? Apat? Hala dalawa lang kaya."Ay hindi apat yung charm ko.Dalawa lang." Nagulat naman siya sa sinabi ko.May sinabi ba ako na mali?

"Binibiro mo ba ako?" tanong niya

"Sa tingin mo?" balik kong tanong.Saglit siyang natahimik.

"A-ah..teka! Paano nangyari yun?"

Nagkibit balikat ako sa kanya at bigla namang tumunog yung tiyan ko.Nagugutom nga pala ako.

"Miss may pagkain ka ba? Pwedeng humingi?" Hehe kakapalan ko na to.Wala eh gutom na ako!

"Wala akong dala pero sa bahay mayroon"

Nag diwang naman yung tiyan ko sa narinig ko.

"Ah..Hehehe...Pwede sumama sayo?" tanong ko sakanya.Um-oo naman siya at nag lakad kaya nag lakad na rin ako.Sinusundan ko lang kung saan siya dumadaan.Huminto siya ng lakad kaya na bangga ako sa likod niya."Ouch!" yung dibdib ko.Grabe yung pana niya parang mabigat na bakal.

Naka sabit kasi sa likod niya yung pana.Hehehe!Nag-iisip kasi ako kung ano yung ka-kainin ko kaya na bangga ako sa likod niya.

"Sorry" sabay peace sign ko sakanya.Tumingin naman siya sa gilid niya at tumingin na rin ako at nakita ko yung bahay na kulay itim at Malaki ito.Pagkapasok namin sa loob ay puno ng alikabok at may mga puting tela sa mga gamit.

Hala! Parang ganito yung napapanuod ko sa tv na horror.Baka mamaya may multo dito.

Kinalabit ko naman si--sino nga ba siya? Hehe sorry naman hindi ko na tanong.

"Ah miss ano nga pala pangalan mo?"tanong ko.Humarap naman siya sa'kin at ngumiti.

Ang ganda niya pero mas maganda ako hihihi.

"Lyshia.Shia (Sha) for short.Eh ikaw?" Pabalik na tanong niya at nilahad yung kamay niya.Ngumiti rin naman ako pero malaking ngiti yung pinakita ko.

"Queeni Haynes.Haynes for short"sabay tanggap ko ng kamay niya.

Ay oo nga pala may itatanong ako kasi nakakatakot dito.

"A-ah..Hehe..Ma-may mult---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang may lumabas na tatlong babae.Nag tago agad ako sa likod ni Shia at nag darasal na sana hindi mga multo yung nakita ko na naka dress na puti.

Tatlo sila dalawa lang kami...WAAAAAH!

"WAAAAAAH! MAY MGA MULTO SHIA!" Hysterical kong sabi kay Shia habang nakahawak sa damit niya na halos magusot.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

?

The Goddess of AllWhere stories live. Discover now