[TGOA2]Q36:Confirmed

5.4K 183 4
                                    

[TGOA2]Q36:Confirmed


👑👑👑

HAYNES


Bakit nandito yung apat na mga babae na iyon? Aish!

Lumapit ako sakanila at umupo.Tinignan ko naman silang apat na nakayuko.

"Chin up!" sabi ko kaya naman ay ginawa nila.Kita ko ang kamay nina Shine at Quincy na nanginginig.

"Relax" sabi ko kaya naman ay natigil na yung panginginig ng dalawa.

"Ano ang ipinunta niyo rito?" tanong ko sakanila."A-ahm..Paano ang goddess castle kung wala ka" tanong ni Quincy kaya bumaling ako sakanya.

"Babalik ako pero di tulad ng dati" mapait kong sabi.Ramdam ko naman na may namumuong luha sa mata ko kaya tumingala ako at pumikit-pikit.Tumingin ako kay Shia.

"Ano yung totoo at naparito kayong mga reyna?" pormal kong tanong sakanila."Napakapormal ayoko ng ganyan Haynes.Ang totoo ay nagbigay ng mensahe si Lucifer.Ginamit niya pa ang Morse code." sabi niya kaya napatango ako.

Ano namang mensahe iyon? Dapat ba akong matakot?  Tss.

"Ano ang mensahe?" tanong ko."Death 666.Ayan ang nakalagay.Alam ko na alam niyo ang ibig sabihin niyan pero may iba pa ang pinapahiwatig ng mensaheng iyon." seryosong sabi ni Shine.

"Bukas,Bukas ang balik ko.Kailangan ko lang ng oras sa mga nangyayari." sabi ko at yumuko.Hindi ko na kinaya kaya umiyak na ako.Nagsitabihan naman silang apat sa akin at niyakap ako.

"K-kaya mo yan Haynes.Nandito lang kami" sabi ni Quincy kaya lalo akong umiyak.

"H-haynes? May i ask you a question about the breakup..D-diba mahal niyo ang isa't-isa at alam mo ang nangyari kay c-chester? Bakit mo parin siya hiniwalayan? " Tanong ni Quincy kaya napatigil ako sa pag-iyak.Hindi ako makasagot.

"H-Haynes?" sabi ni Shia.Halatang gusto nilang malaman kung bakit.

"N-natatakot ako..Natatakot ako sa maaaring mangyari k-kapag pinagpatuloy pa namin ang pagmamahalan.T-tama si Kuya Lam... Hindi pa talaga ako handa.Hindi ko pa kaya" sabi ko at umiyak ulit.

Hinagod naman nila yung likod ko at pinapatahan ako.

"Shhh,Haynes wag kang magagalit sa sasabihin ko pero opinyon ko lang ah" sabi ni Quilla kaya naman ay tumango ako.

"Alam mo napakaduwag mo!Kung sa pakikipaglaban ay ang tapang-tapang mo pagdating naman sa 'love' taob ka!Mahal niyo ang isa't-isa eh! Dapat lumaban kayo! Hindi yung susuko na lang kayo dahil sa nangyari.Darating talaga ang ganoong sitwasyon.Walang relasyong perpekto.Darating ang mga problema para subukan kung gaano kayo katatag.Dapat hindi kayo nagpadala sa emosyon dahil makakagawa iyon ng maling desisyon na maaari niyong pagsisihan sa bandang huli" sabi niya.

Napahagulgol tuloy ako.Pakshet! Sapul!

Duwag!

Duwag!

Duwag!

Arg! Oo na ako na ang duwag! Ako na yung tanga! Dahil pinakawalan ko pa yung taong nagparamdam sa akin ng Saya,Lungkot,at pagmamahal.Ang tanga at sobrang duwag ko!

The Goddess of AllWhere stories live. Discover now