[TGOA2]Q53:Day 01

3.9K 117 5
                                    

👑HAYNES POV👑

Napamulat ako ng mata ng may marinig akong kaluskos.

"Aish! Ano ba naman! Bakit sobrang lamig ata ng hinihigaan ko?--- Ay"  Tss -_- Nakalimutan 'kong nandito pala ako sa ginawa 'kong kwarto.Bumangon naman ako at humikab.

Lumabas naman ako at doon ko nakita ang isang kulay puti na pusa na may asul na mata.

"O MY GOSH! ANG CUTE!" Sabi ko at pinuntahan ang pusa.Binuhat ko naman ito.

"Waaah! Ang cute" sabi ko.

"Meow"

Dinilaan naman niya yung daliri ko.Ibinaba ko ito at hinawakan ko ang ulo niya.

"Paano ka napunta rito?" nakangiti kong tanong.

Bigla namang umilaw ang nace ko.

*Ang pusang 'yan ang tutulong sa iyo kung paano ka makakaligtas rito sa maze*

Napatango na lang ako.

"Sooooo! Kailangan na nating lumakad--- Teka ano ba itatawag ko sayo? Hmmm"

"Eh kung hetty na lang? Pinaiksing Hello Kitty hihihi ^_^ .Hetty let's gooo!!" Nakangiti kong sabi.Sumunod naman si Hetty sa akin.

Tumingin ako sa paligid at may naramdaman naman akong presensya.Kaya nagtago ako sa itaas ng puno kasama si Hetty.

"Meow! "

"Hetty shhh.Huwag kang maingay" saway ko rito.Tumingin ako sa ibaba at nakita ko ang isang babaeng may kulay pula na damit at may hawak na dagger.

Woah! Buti pa siya may weapon na.

Teka! Bakit puro dugo yung kamay niya? E-eh? Ah! Oo nga pala!

Tumingin naman yung babae sa direksiyon ko kaya napayuko ako.

"Sino ang nandiyan? Magpakita ka!" sigaw naman niya ngunit nanatili akong nakayuko para hindi niya ako makita.

"Meow!"

Napapikit na lang ako sa inis dahil kay Hetty.

"At may kasama ka pang pangit na pusa.I can see you bitch!" sabi niya habang nakatingin sa direksiyon ko.Napailing na lang ako at tumalon para bumaba.

"Tss" inis kong sabi.Mukhang ang breakfast ko ay labanan ah.Aga naman ata.

Ngumisi siya sa'kin at biglang naging light red yung mata niya.Napabuntong hininga ako.

"Paano mo nalaman?" malamig 'kong sabi rito na kinawala ng ngisi niya ngunit ibinalik niya rin ang ngisi niya sa kanyang mukha.

"Simple lang.... Kaya kong makadama ng kalaban kahit gaano ka pa kalayo at malinaw rin ang aking pandinig at paningin" sabi niya.

Tinignan ko siya ng malamig na expression.

"Wala akong paki kung ano mang kapangyarihan mo.Mabuti pang ibigay mo sa akin ang iyong nace at maaari ka ng umalis" sabi ko na ikinatawa niya.

Mukhang bata pa ang isang ito ah.

"Nagpapatawa ka ba? Hindi ako tanga para ibigay ko sa'yo ang aking nace.Magkakamatayan muna tayo bago mo makuha sa akin ang nace ko" sabi niya.

"Okay" sabi ko at humikab pa ako.Umayos na siya at inihanda ang kanyang pagsugod sa akin.

Tinignan ko siya sa mata ng matagal.

"Humanda ka at hanggang rito na lang ang iyong buhay MAHAL NA REYNA! AHAHAHA---"

"Hindi mo ba alam na kaya kitang patayin kahit tinititigan lang kita" sabi ko at pumikit.

The Goddess of AllWhere stories live. Discover now