[TGOA2]Q52:Ceremony

4.9K 112 2
                                    



👑HAYNES POV 👑

Pagkabukas ng pintuan ay naramdaman ko na ang tensyon.Ang lalakas ng mga aura ng mga charbute users na naririto.

Lahat naman ng nasa labas ay napatingin sa amin.

Unang bumaba sina Quincy hanggang kami na lang ni Chester ang naiwan dito sa loob ng portal.Tumango siya kaya ngumisi lang ako at nauna ng lumabas.

Kung kanina ay ang iingay nila ngayon naman ay sobrang tahimik nila habang nakatingin sa amin.

"Guy's doon tayo sa royal room" sabi ni Dad at lumakad na.Kaya naman ay sumunod na lang kami sakanya.

"Nakita niyo yung mga tinginan nila sa'tin kanina? Akala mo kung sino ang sasarap paltukan!" sabi ni Lyndon.Napatango naman kami dahil doon.Kung makatingin kasi sila sa amin parang papatayin na nila kami.

Well ako muna ang papatay sa kanila.

Huminto naman si Dad kaya napahinto kami.Tumingin siya sa harap niya at ganoon rin ang ginawa namin.

Inilapat ni Dad ang kanyang palad sa kulay asul na pader at ganoon na lang ang gulat namin ng bumukas ito ng parang elevator.

"Come in" sabi ni Dad at nagbigay ng daan sa amin.Una naman akong pumasok at tinignan ang paligid.Mukhang mansion namin ang style nitong silid.Napakalawak at sa gitna ng kisame ay may malaking chandelier na may kasamang lumilipad na dust fairies.

May malawak na sala at sa taas ng pader ay may nakalutang na t.v.

WAIT WHAT? NAKALUTANG? Wow!

May mga kwarto rin ito at ng buksan ko ang isa sa mga kwarto ay napa awang ang aking bibig.

"Woah! Ang ganda!" Nasabi ko na lang dahil sa sobrang lawak at linis nito.Kumikinang pa sa linis ang sahig.May malaking kama naman sa gilid at kulay itim ang kulay nito.May mga kabinet namang naglalakihan ngunit ang gagara ng desenyo.

Napaupo na lamang ako sa kama dahil hindi ko na kayang libutin ang ganitong kalaking silid.Mas malaki pa pala ito sa inaasahan ko.

"OH GOSH! ANG GAGANDA NG MGA KWARTO!" Biglang litaw ni Shine dito sa harap ko.Tss muntik na akong malaglag sa kama dahil sa gulat.

"May pintuan diba? Bakit kailangan mo pang magteleport.Gigil mo si ako ah!" inis kong sabi sakanya at ang tanging nagawa niya lamang ay ngumiti sabay peace sign.

"Eh kasi na excite lang ako.Pero hindi naman tayo magtatagal dito dahil mamayang gabi na ang seremonya.At doon na tayo maghihiwalay-hiwalay" malungkot niyang saad na nagpatulala sa akin.

Magkikita-kita pa ba kami? Alam kong malalakas sila pero nagaalala parin ako sakanila.

"Oh? Bakit natahimik ka diyan?" tanong niya at umupo rin sa tabi ko.Napailing na lang ako at nagbuntong hininga.

*knock knock*

Napatingin kaming dalawa ni Shine sa pintuan ng may kumatok.

"Come in!" sigaw ni Shine at bumukas na ang pintuan.

The Goddess of AllWhere stories live. Discover now