SPECIAL CHAPTER .6 - HALSEY & CHELSY

6.2K 105 4
                                    

HALSEY

"Chelsy!! Pakitawag nga yung kakambal mo at kakain na tayo"

Narinig ko naman yung boses ni Mommy at inutusan yung kakambal ko.Arg! Ingay nilang dalawa.

Kumatok naman si Chelsy sa pinto sabay bukas niya.

"Let's eat na twiny" sabi niya at umupo sa kama ko.

"Go away!" inis kong sabi sa'kaniya.

"No! I don't bleh!"

Tss! Ang ingay niya talaga.

"Tss" umiling ako sabay teleport na papunta rito sa dining area.Umupo ako ng tahimik at tumingin sa plato.

"Oh? Halsey? Na saan na si Chelsy?" tanong ni Daddy habang naglalaro ng Rubik's cube.

"My room" saad ko at kumuha na ng pagkain.

"YAAAAH! Ang bad mo talaga twiny!"

Napa irap naman ako ng sumulpot siya sa tabi ko.Ingay talaga.

"Shut up" saad ko at kumain na.

Kita ko pa sa peripheral vision ko na ngumuso ito.

"Halsey?Baby bear? Huwag mo namang ganyanin si Chelsy" malambing na sabi ni Mommy.

"Im sorry" sabi ko at uminom na ng tubig sabay tayo.

"Im done" sabi ko at nag teleport na.

CHELSY

Napa iling na lang sina Mommy and Daddy sa ginawang walk out moment ni Twiny Halsey ko.

Hmmp! Bad niya talaga! Buti pa ako good girl hihi.

"Mommy and Daddy hayaan niyo na po siya" sabi ko.Nag buntong hininga lang silang dalawa.

Nako! Twiny bakit ka ba kasi ganiyan?

Kaya wala siyang friends dahil ang sungit at ang lamig niya sa iba.Pero kahit ganun siya love namin siya!

Nang matapos na akong kumain ay nagpaalam ako na pupuntahan ko si twiny.

Nag teleport ako papunta sa playground namin ay doon ko siyang nakita na nakasakay sa swing habang nakayuko.Lumapit naman ako at sumakay rin sa swing.

"Hello twiny!" masigla kong sabi.

"Tss"

Napa pout na lang ako ng marinig ko ang famous 'Tss' niya :3.

"Bakit ba twiny ganiyan ka?" seryoso kong tanong sa'kaniya.

"You don't care" malamig niyang sabi.

Tinignan ko siya at huminto ako sa pagi-swing.

"I always care twiny.I am your twin sister so I care" sabi ko sakaniya.

"Can you please leave me alone?"

Nagbuntong hininga ako at tumayo.

"I don't get you,Halsey" sabi ko at umalis na.


HALSEY

Napa tigil ako sa pagi-swing at tinignan ko siyang papalayong naglalakad.

"I'm sorry" bulong ko at tumayo.

Napa irap ako ng dumating yung anak ng mga tito at tita ko.

"Tss,Iingay na naman" sabi ko at kinuha ko ang teddy bear ko sabay yakap rito.

Tumingin naman sila sa akin at lumapit sakin.

"Hello Halsey!" bati ni Shaira sa akin.Siya yung anak nina Tita Shine at Tito Earl.Tinignan ko lang siya at hindi nagsalita.

"Magsalita ka naman diyan Halsey" sabi ni Quina pero hindi ko siya pinansin.

Tumayo naman ako at iniwan ko sila doon.

I don't like them.Such annoying persons.

➖♦️➖

The Goddess of AllWhere stories live. Discover now