[TGOA2] Q60:Black Bloods

3.5K 121 1
                                    

HAYNES



Napangisi ako dahil sa reaction nina Shia at Quilla.Medyo gumaan ang aking pakiramdam dahil napatay ko ang isa sa mga spectris na nakapatay kay Mom.Napatingin ako sa ulap at kitang-kita ko na malapit ng lumubog ang araw.

Huminga ako ng malalim at tinignan sila isa-isa.

"Kailangan na nating magmadali." sabi ko kaya lumisan na kami sa lugar na iyon.Naghawak-hawak kami ng kamay at sabay na nagteleport patungo sa kung saan.

Nakarating kami rito sa mga nagsisilakihang puno.May nakita naman akong anino kaya tinignan ko ng maigi.

"Haynes" seryosong sabi ni Quilla habang nagmamasid.

Alam kong alam din nilang apat na hindi lang kami ang tao rito.Marami sila.

Pinasok ko ang isip nilang apat at ngumisi ako sa plano ko.

"Girls,Invisible muna tayo para mahanap natin sila" Nakangisi kong sabi.

"Sige" sabay-sabay nilang sabi.

Pumikit naman ako at ramdam kong naging invisible na kaming apat.

"Let's go" pabulong kong sabi sakanilang apat.

Lumutang naman kaming lima at lalong nagmatyag sa paligid.

Lalong lumawak ang aking ngisi ng makita ko ang mga nagtatago na anino.

(A/N:Play niyo yung video habang nagbabasa or kung meron kayong "Sucker for pain"patugtugin niyo para mas feel sa scene.)


Dark families *smirk*


Kumuha naman ako ng maliliit na shuriken na halos kasing liit na ng hinliliit ko.May death poison rin ito kaya wala silang kawala sa kamatayan.

Tinignan ko sina Quilla at tumango.Ngumisi sila at inilabas na nila ang maliliit na shuriken na tulad ng akin.

Kumuha ako ng puwersa at mabilis kong itinira sakanila ang mga shuriken.Kitang-kita ko sa mga mata ko ang paghihirap nila ng matamaan sila ng shuriken.Nagsimula na rin kaming sumugod.Una kong pinuntahan ay ang malaking lalaki.Nagpakita ako sakanya at ngumisi.Nagulat naman siya dahil nasa harap niya ako.Wala akong sinayang na oras at sinaksak ko siya ng dagger.Inikot ko ang dagger habang nasa loob pa ng dibdib niya.Nagsuka siya ng dugo sa harap ko kaya natalsikan ako.

Lalo akong natuwa dahil sa nakikita ko.Nang tanggalin ko ng biglaan ang dagger ay lumabas ang kanyang itim na puso.

Tss,Dark families nga.

"I want more blood!" nakakatakot kong sabi at sumugod uli.Sinipa ko naman ang isang lalaking may hawak na katana.Pumunta ako sa likod niya at binatukan siya ng pagkalakas-lakas.Kinuha ko ang kanyang katana at sinaksak siya ng parang walang bukas.

Brutal akong pumatay kapag gugustuhin kong brutal.Ginanahan lang naman ako dahil spectris at dark families na ang mga kalaban namin ngayon.

Nanging kulay pula naman ang aking mata at lalo akong natutuwa ng makita kong natatakot ang dalawang babaeng isa sa dark families.

Nilapitan ko sila at bigla silang sumugod sa akin ngunit nginisi-an ko lang sila.Humaba ang aking mga kuko at naging matulis.Mas matulis pa sa katana.Kaya naman ay sinalubong ko sila at ibinaon ko ang dalawang kamay ko sa loob ng dibdib nila.Habang hinahanap ko ang bagay na iyon ay napasuka sila ng dugo.

Nang mahanap ko na ay nilagpasan ko sila habang hawak-hawak ko ang dalawang itim na puso na tumitibok-tibok pa.Tuwang-tuwa naman ako dahil sa ginawa ko.Naramdaman ko na lang ang pagbagsak nilang dalawa.

Ang dalawang itim na puso na hawak ko ay sinira ko sa pamamagitan ng aking mga kamay.Sumabog naman ang itim na dugo nito sa aking mukha at katawan.

"I-I.... want more more black bloods" ngisi kong sabi.Tila hindi ko makontrol ang aking sarili.Nagiging ganito talaga ako kapag sila na ang nakakalaban ko.Lalo akong lumalakas at mas determinado akong paslangin sila...in brutal way.

Tumingin ako sa paligid at nakikipaglaban parin sina Quilla.Lumakad ako ng onti at may paparating na limang lalaki sa akin.Hinagisan nila ako ng dagger at shuriken ngunit lahat ng iyon ay nailagan ko.

"Tapos na kayong tumira? kung oo ako naman" nakangisi kong sabi at mabilis ko silang nilapitan isa-isa at kinuha ko ang kanilang organs.Kasama na roon ang kanilang utak at puso.Tumawa ako ng malakas dahil sa itsura ng limang lalaking nakahandusay na.

Lahat ng organs na hawak ko ay binitawan ko at pinagtatapak-tapakan ko.






QUINCY


Halos lahat kami napatigil sa pakikipaglaban nang tumawa si Haynes.Nagsi-taasan lahat ng balahibo ko habang nanlaki ang aking mata.

"S-si Haynes b-ba talaga 'yan?" tanong ni Shine habang nakatingin kay Haynes na ngayo'y tinatapak-tapakan yung mga itim na organs niyang hawak.Tumatalsik sakanya ang itim na dugo habang ginagawa niya iyon.Tinignan ko ang mga kalaban namin at halos lahat sila ay takot na takot habang nakatingin kay Haynes na tuwang-tuwa sa pinaggagawa.

Huminto si Haynes at napatingin sa direksiyon namin.Bigla itong ngumisi.Lalo akong kinabahan dahil sa kinikilos niya.

"Nako! Nagising na naman ang reyna" sambit ko na kinatingin nila sa akin.My gosh! Mukhang mauulit yong nangyari sa mga spectris at ang pinagkaiba nga lang ay sa mga dark families na mangyayari.

"Mukhang kailangan na nating tapusin ito bago pa lamunin si Haynes" seryosong saad ni Quilla.Tumango naman ako at ang kaharap ko na kalaban ay nakatingin parin kay Haynes na nang bali ng ulo.

Kinalabit ko siya.

"Boy! Ako kalaban mo.Huwag mo ng panuorin 'yan dahil ngayon kana mamamatay" sabi ko pero hindi ako pinansin kaya ang ginawa ko ay sinapak ko ng malakas sabay saksak sakanya.

"Ayan! Ang tanga kasi.Hindi dapat inuugali ang pagiging tanga dahil masasaktan ka lang" sabi ko at sumugod na muli sa ibang kalaban.Habang hawak ko ang katana ay hindi maalis sa isip ko ang naging ugali ngayon ni Haynes.Is she okay? Mukhang may sumanib na demonya sakanya.Napaka brutal! Kaloka!

Bigla akong napa back flip ng wala sa oras dahil muntikan na ako mahiwa sa dalawa.Kaloka tong lalaki na ito.

"Boy! Mang inform ka naman.Bigwasan kita eh" Inis kong sabi.Muli ay sinugod niya ako kaya panay iwas ko sakanyang tira.Inantok naman ako dahil sobrang bagal niyang kumilos.Umiling ako at sinalubong ang kanyang katana.

"Iyan lang ba ang kaya mo? Napaka bagal mong kumilos boy" sabi ko at mabilisan siyang hiniwa ng paulit-ulit.

Nag back flip ako at tinignan ang kanyang itsura.Napatawa ako ng mahina dahil sakanya.

"Ayan!-Oopppss" sabi ko at nagulat dahil napa luhod siya habang hawak ang kanyang oh-so-eggy-you-know ^_^ Nahubad ang kanyang suot at puro hiwa ang kanyang katawan and HINDI ko sinasadya na makaputol he-he-he.

"My gosh Quincy!" gulat na saad ni Shia.Napatawa na lang ako at sumugod.

➖✳️➖

The Goddess of AllWhere stories live. Discover now