[TGOA2] Q57:The Necklace

3.7K 117 5
                                    

•[Ang muling pagkikita]•

HAYNES


Umiwas ako sa paparating na dagger.Tinignan ko kung saan iyon galing ngunit walang tao ang lumalabas.

"Magpakita ka kung sino ka man.Huwag kang takot!" Sigaw ko at may paparating ulit na dagger kaya naman ay iniwasan ko ito.

"Hindi ka talaga magpapakita? Pwes ikaw ang hahanap sa akin!" Pagkasabi   ko ay naging invisible ako.Umakyat ako sa puno para mas kita ko ang lahat.

Maya-maya ay may isang lalaking bumaba ng puno at palinga-linga sa paligid.Napangisi ako dahil napalabas ko siya sa lungga niya.

Binuksan ko ang bag na dala ko at kinuha ko ang isang shuriken.

"Nasaan ka na magandang binibini?"

Ay sabay ganon? Magandang binibini? Aba alam ko na iyan.Gago pala ang isang ito eh.Pagkatapos akong hagisan ng dagger tatawagin ako ng ganyan.Aba'y malandi ang isang ito ah.

Hinagis ko ang shuriken papunta sakanya.Nadaplisan naman siya sa may hita.

"A-arg! Nasaan ka? Lumabas ka!" Sabi niya habang hawak-hawak niya ang kanyang hita.

Bumaba naman ako ng puno at pumunta ng harap niya.Medyo malapit naman ako sakanya.

Ngumisi ako at lumapit pa.

"Nasaan ka!" Sigaw niya.

Sinampal ko naman siya ng pagkalakas-lakas kaya naman ay medyo natumba siya.

Dumistansya ulit ako at tinignan ang kanyang reaction.

"Paano mo nagagawa iyon? Nasaan ka huwag kang duwag!"

Aba ang lakas naman ng apog nitong lalaking to para sabihan ako ng duwag.Ano naman ang tawag niya sa ginawa niya kanina? Aba'y babayagan ko ito.

Tumayo naman siya at panay linga.Ngumisi ako at pumunta sa kanyang likod.

"Im here!" Sigaw ko sakanyang taenga.Sabay teleport ko papunta sakanyang harapan.Nakita ko naman siyang lumingon.

"Ginagalit mo ba ako? Lumaban ka ng patas!"

"Wow so ako na pala yung madaya.Ano naman yung ginawa mo kanina? Paulanin kita ng dagger diyan makita mo!" Inis kong sabi at nagpakita na.

"P-paano mo na---"

"Shut up! Let's start the battle!" Pagkasabi ko ay sumugod agad ako.

Nagpalitan kami ng suntok at ng susuntukin ko siya sa kanyang tiyan ay nahuli niya ang aking kamao at inikot ako.

"PUT--ARG!! PAG AKO NAKAWALA--"

"Ano?"

Bigla akong may na amoy na pabango at parang hinahanap-hanap ko pa.Pilit ko siyang tinignan at napakagwapo pala.

"Nabighani ka na ba akin binibini?" Malambing niyang tanong.Dahan-dahan akong tumango.Binitawan naman niya ako at hinarap ko siya.

Gumising ka Haynes.Hindi mo siya gusto.Ginamitan ka niya ng love smell potion! Kaya gumising ka! Si Chester ang iyong minamahal!

The Goddess of AllWo Geschichten leben. Entdecke jetzt