[TGOA2] Q62:Day 07

3.5K 110 3
                                    

HAYNES


Tinitignan ko ang mga kaibigan ko na natutulog hanggang ngayon.Kita ko ang mga pagbabago sa mukha nilang apat at ang kanilang katawan.Kung dati ay tama lang ang kanilang katawan at ang blooming nilang mukha.Ngayon ang kanilang katawan ay napaka payat at ang mukha nilang pagod na pagod.Napabuntong hininga na lang ako.Sana talaga matapos na ang lahat.

Day 05 na pala ngayon pero mukhang mapapaaga kami sa Day 07 dahil sa sing-sing.

Lumabas naman ako sa tree house at umupo sa may sanga.

"My Queen? Gising ka na ba?"

Tila nakaramdam naman ako ng tuwa ng marinig ko ang boses ng mahal ko.

"Oo,My King.Bakit nga pala?" tanong ko.

"Nakuha niyo na ba ang diamond ring?" nag-aalala niyang tanong.Napangiti naman ako.

"Oo,Kayo nakuha niyo na?" tanong ko.

Narinig ko naman na nagtatawanan yung mga itlog kaya napangiti pa ako lalo.Mukhang okay lang sila.

"Oo,Kanina lang at itong apat na 'to pinagt-tripan yung sing-sing.My Queen? Okay lang ba kayo diyan?" tanong niya.

"Okay naman kami.Magiingat kayo diyan ha? Oh siya sisimulan na namin para mapunta na sa day 07" saad ko at nagpaalam na.

"O sige,I love you my Queen" saad niya.Namula naman ako dahil doon.

"I love you too" nakangiti kong saad.

Tumayo naman ako at bumalik na sa tree house.Nakita ko yung apat na naglilinis ng mukha.

"Kainis ka Quilla! Bakit yung paa mo nasa bibig ko na? Kainis!" inis na saad ni Shine.Tumawa naman yung tatlo.

"Aba! Buti nga paa eh! Eh yang puwet mo nga halos nasa mukha ko na!" inis namang sabi ni Quilla.

"Aba! Tumigil nga kayo!" saway naman ni Shia habang nagbibihis.

"Hindi mo mapapatigil 'yan jusko" saad naman ni Quincy.

"Tse! Pangit mo!" -Shine

"Aba! Nagsalita ang hindi bakekang!" -Quilla

"Hoy! Impaktita to! Ikaw yon kasi pangit ka!" -Shine

"Impakta,Boba,Pangit,Bakekang!" -Quilla

The Goddess of AllWhere stories live. Discover now