[TGOA 2]Q46:The Prophecy

4.7K 141 6
                                    


👑HAYNES POV👑

Aalis na sana sila ng pigilan ko sila.

"Chester,Dito ka lang.Hindi pa okay ang tagiliran mo.Hayaan mo muna kami." sabi ko pero umiling siya.Lumapit ako sa kanya.

"Kahit ngayon lang.Gusto mo bang lumaban sa battle na ganyan ang kalagayan mo? Paano kung sumama ka sa amin at may mangyari? Edi lalong la-lala ang saksak mo.Dito ka lang at mag pahinga" sabi ko.

"Pero paano kayo? Hindi puwede na kayo lang ang lumaban.Ayoko namang tumunganga dito habang kayo ay nakikipaglaban." sabi niya.Umiling ako.

"Kaya namin ang mga sarili namin.Para saan pa na reyna at hari kami? Alam kong hari ka rin pero malala yang saksak mo.Sana maintindihan mo" sabi ko.Wala na siyang nagawa at tumango na lang.Muli siyang humiga sa kama at tumalikod sa amin.Humarap naman ako sa kanila na umiiling.I guess nag tatampo siya.Lumabas na lang kami ng kwarto at pupunta sa government house.

Hindi ko ma-isip kung BAKIT sa government house pa.Nag traydor ba uli sila? Kung nag traydor sila uli ay mamamatay sila dahil alam kong e-epekto ang potion na ginawa ko.

Nang medyo malapit na kami ay pinahinto ko sila.

"Let's be invisible.Baka makita tayo ng mga bampira" sabi ko kaya halos lahat kami ay naging invisible.Nakikita ko pa rin sila kahit na invisible kami.

"Let's go" sabi ko at kinuha ko ang spada ko sa tagiliran ko.May mga nag babantay na spectris at mga bampira sa gate ng government house.Buti naka bukas ito kaya makakapasok kami ng hindi na kina-kailangang buksan pa.

Nang makapasok na kami sa loob ng gate ay lalong mas marami ang bantay dito sa malaking double door.Puro mga dark families ito.

"Paano tayo makakapasok?" tanong ni Shine.

"Teleportation" sabi ko.Kaya lahat sila ay napa-ngisi.Sa gate kasi nitong government house kapag sinubukan mong pumasok rito ng diretso ng hindi dumadaan sa gate ay hindi ka makakapasok.Ginawa ang gate na iyon noong unang panahon dito sa Ayeshib.May mga demon angels at iba pang nilalang ang sumugod dito.Gumamit sila ng teleportation para pasukin ito.Halos ma-wasak itong government house dahil sa lakas nila.Kung hindi pa dumating ang mga Hari't Reyna malamang ay wala na itong government house.Kaya ginawa ng presidente dito sa government house ang gate para hindi maka-pasok ang mga nag t-teleport papunta rito.

Nang makapasok na kami ng tuluyan dito ay tinignan ko ang buong paligid.Puro mga paintings ng dating mga Hari't Reyna.Narito ang mga magulang nila Quilla.Napahinto kami ng makita namin ang apelyido na kaparehas ng kay Chester.Sila kaya ang magulang ni Chester?

Clarence Kingry Buren
The King of All in Mynx Land

Melanie Queen Buren
The Queen of All in Mynx Land

Mukhang sila nga ang mga magulang ni Chester.Ang labi ng kanyang ama ay nakuha niya.Napangiti ako dahil na aalala ko ang ngiti ni Chester na hugis parisukat.

Napatingin ako kay Quilla ng kalabitin niya ako.Itinuro niya ang mga bounty hunters na palakad-lakad.

Pinatitigan ko ito ng maigi.Medyo nagulat ako dahil ang kulay ng kanilang mata ay parang dugo at may mga ugat pa sa paligid ng kanilang mata.

The Goddess of AllWhere stories live. Discover now