[TGOA2]Q45:The two princess are traitors

5.6K 146 4
                                    


(Again,All images or videos are not mine.Credits to respectively owners)

Tama na ang introduction here's the update 😘

[TGOA2]Q45:The two princess are traitors


👑👑👑

👑QUINCY's POV 👑

Ngina-ngat-ngat ko yung cookie at hindi ko na mabilang kung na kailan na ako.Ang dami ng ginawang cookies ng yaya para sa akin at sobrang puno at ang plato ay malaki rin.

Kinuha ko yung chocolate coffee at ininom ito.Yumuko na lang ako at niyakap ang aking mga hita.P-pa-paano ko sa-sabihin?

Aish! Ilang linggo na lang battle na at ang mahalagang bagay ay wala sa akin! Oo tama wala sa akin!

Lahat sila nag-aalala sa akin.Tina-tanong nila kung ano yung problema ko pero ang tanging sagot ko ay gutom lang.Hindi naman sila na niniwala dahil na huli nila akong umiiyak noong nakaraang linggo.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto namin ni Calvin.Hindi na ako nag abalang tignan kung sino ang pumasok.Alam ko kasing siya na naman iyan.Nilapitan niya ako at niyakap.

"Nag-aalala na ako sayo.Sabihin mo naman ano ba ang problema? Hindi ko na alam ang gagawin ko sa tuwing nakikita kitang ganyan."

Napabitaw siya ng yakap kaya naman ay umayos ako ng upo habang nakayuko parin."Tell me.Kahit sa akin lang" sabi niya pero umiling ako.

"I won't tell you" sabi ko at aakmang kukuha ako ng cookie ay inilayo niya ang malaking plato at chocolate coffee.Napatingin ako sakanya ng masama."Please" saad niya na may pag-aalala,lungkot,at awa sa kanyang mga mukha habang nakatingin sa akin.Napaiwas naman ako ng tingin.Ayokong makita siya ng ganyan ang itsura.

"Hindi ko sasabihin sa iba.Promise sabihin mo lang ang problema mo.Kung nahihirapan silang makita ka,Lalo naman ako.Please"

Napa-angat ako ng tingin sa kanya."R-really? You won't tell them?" tanong ko na kina tango niya.Napabuntong hininga ako at tinignan siya ng seryoso.Hinawakan naman niya ang kamay ko.

"Na.. Na--"

"Na?" tanong niya.

"--Na c-cr ako mukhang lalabas na.Mamaya na lang" sabi ko at dali-daling pumunta sa cr.




👑CALVIN's POV 👑

Napa-facepalm ako at inis na tumayo habang dala-dala ko ang plato na puno parin ng cookies at ang chocolate coffee niya.Lumabas na lang ako ng kwarto namin papunta sa kusina.

Inilagay ko ito sa counter kitchen at agad naman ito inasikaso ng yaya.Napa-teleport ako papunta sa palasyo nila Earl.Nakita ko siyang natutulog habang naka-upo sa trono niya.Napailing na lang ako.

"Anong ginagawa mo dito?" biglaang sulpot ni Shine sa gilid ni Earl.May hawak itong strawberry."Gusto mo?" alok niya pero umiling lang ako.Umupo naman siya sa trono niya at ginising si Earl.Napamulat naman siya ng subuan siya ni Shine ng strawberry.Nginuya niya muna ito bago napatingin sa akin si Earl na nakakunot ang noo.

"Oh? Ano na?" tanong niya at pumitik lang at nagkaroon na ng upuan sa harap ko kaya naman ay umupo ako roon.Napailing ako.Sabay naman silang napabuntong hininga.

"Ano ba ang nangyari noong kaarawan ni Haynes?" tanong ni Earl."Hindi ko alam.Magkasama tayo eh" sabi ni Shine kay Earl.Napatingin naman sila sa akin.

The Goddess of AllWhere stories live. Discover now