[TGOA2] Q59:Loy

3.2K 104 0
                                    

HAYNES

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at ako na ang unang sumugod.Pumunta ako sa harap ni Hell at sinapak ng pagkalakas-lakas.Nagulat naman silang triplets at sinugod ako.

Nagbackflip ako ng mataas at ang kaliwang kamay ko ay nakataas na para bang pinapatigil sila.

"Girl's,Alam ko namang gusto niyo rin'g magsaya kaya papaubaya ko na yung dalawa.Hell ^_^ Tayo ang magtuos" Nakangisi kong sabi at muling sumugod.

Tumalon ako at sinapa siya ng malakas at ng matumba siya ay kinuha ko ang buhok niya at iniharap ko siya sa akin.

"Akala mo ba hindi ko alam ang mga pinaggagawa mo?" makahulugan kong sabi na kinakunot niya.Hindi ko naman inaasahan na sapakin niya ako sa mukha kaya nabitawan ko siya.Agad akong nag backflip ng maramdaman kong may paparating na shuriken sa akin.

"Anong alam mo?" seryoso niyang saad.Ngumisi ako at ipinakita ko ang kanyang litrato kasama ang isang mortal.Nanlaki ang mata niya at kumuyom ang kanyang kamao.

"Oopps! Paano kaya kapag nalaman ni Lucia na ang kanyang kapatid ay nagkaroon ng sala sa kanilang angkan? Diba kamatayan ang kaparusahan sa inyo kapag nalaman nilang may karelasyon kayong mortal?" Ngisi kong saad.

Bigla naman niya akong sinugod at pinaulanan ng suntok.Ngunit hindi niya ako matamaan.Ngumisi ako at sinapak siya sa mukha ng malakas at sinipa.

"P-paano mo nalaman?" hirap na hirap niyang saad.Lumapit ako sa kanya at tinapakan ang kanyang tiyan kaya napadaing ito.

"Sabihin na natin na kakilala ko ang iyong kasintahan" sabi ko na kinalaki niya ng mata.

"H-hindi! HINDI MO SIYA KILALA!" sigaw niya at umitim ang aura niya kasabay ng iyon ay ang pagtira niya sa akin ng black fire ball.Hindi naman ako nakaiwas dahil sa bilis ng kanyang kilos.Napalipad ako ng mataas at bumagsak.

Rinig kong parang may nabali na daliri sa kaliwang kamay ko.Hirap na hirap akong tumayo at pilit ginagamot ang sarili.Nang magamot ko ay naging invisible ako.Lumapit ako kay Hell at sinapak siya ng dalawang beses.

"Hindi ako papayag na may humalong spectris sa aming angkan kaya layuan mo siya!" galit kong sabi at nagpakita na ako.Inikot ko ang kanyang braso patalikod at sinabunutan siya.

"A-anong ibig mong sabihin?" utal-utal niyang tanong.

"Isn't obvious? Pinsan ko lang naman ang kasintahan mo! Layuan mo ang pinsan ko!" Malamig kong sabi sakanya.

"No! No! Hindi kayo magpinsan! Hindi puwedeng mangyari iyon!Hindi!" Naguguluhan niyang saad.

"Oh sorry not sorry but it's true.So back off to my cousin!" Sabi ko at mas diniinan ko pa ang braso niyang nasa likod na nakapalipit.

"I can't! I love him!" sabi niya at umiyak na.Napatawa ako ng malakas at binitawan siya.Sinipa ko ang mukha niya kaya napahiga siya.

"Hindi kayo puwede! At alam mo yan! Mortal siya at Immortal ka.Bawal sa inyong spectris ang magkaroon ng relasyon sa isang mortal.Kaya nga namatay ang inyong ina dahil nagkaroon siya ng kabit at ang mas malala pa ay mortal pa.Gusto mo bang mamatay ang pinsan ko? Kung mahal mo siya ay dapat mo na siyang iwasan!" sabi ko.

"N-no! Ayokong mamatay si Loy! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag namatay siya." sabi niya.

Ngumisi ako at inilabas ko ang aking kunai.

"Ayaw mong mamatay si Loy diba? So patayin mo ang iyong sarili" nakangisi kong saad.

Umiling naman siya kaya napahigpit ang hawak ko sa kunai.Hindi puwede ito.Kailangan isa sa kanila ang mamatay.Hindi puwede ang pinsan ko kaya siya na lang ang puwedeng magsakripisyo.Siya ang may kasalanan kaya siya dapat ang magbayad.

"Well hindi mo nga mahal ang pinsan ko.Hindi mo kayang magsakripisyo para sakanya" ngisi kong saad.Malapit na at mahuhulog karin sa patibong ko.

Lalo siyang naguluhan at humagulgol na siya.

Naramdaman ko ang papalapit na dagger sa aking pwesto kaya umiwas ako.Napatingin ako kay Lucifa.

"Sis! Huwag kang maniwala sakanya!" sabi niya habang nakikipaglaban kay Quincy.Napatingin ako kay Hell.

"Paano kaya sabihin ko sa mga kapatid mo ang nalalaman ko? Malamang magagalit sila hindi ba? Paano kapag patayin ng sarili mong pamilya ang pinakamamahal mo? Anong gagawin mo?" Ngisi kong saad kaya nakitaan ko na siya ng takot.

"Huwag! Parang awa mo na! Gagawin ko para sakanya" takot na takot niyang saad kaya ibinigay ko sakanya ang kunai.

"Kapag hindi mo pinatay ang sarili mo mamatay si Loy.Tandaan mo 'yan" seryoso kong saad.Napatango siya at pumikit habang may mga luhang umaagos mula sa kanyang mga mata.

Bakit ganito? Bakit wala akong nararamdaman na awa? Dahil ba'y isa siyang spectris? AISH! siguro nga.

Ang totoo niyan ay hindi ko pinsan si Loy.Ang nanay ni Loy ay si Yaya Lemi at pamilya na rin ang turing ko sa pamilya ni yaya Lemi.Kaya ganito na lang ang pagtatanggol ko kay Loy dahil ayokong mawalan ng anak si yaya Lemi.

Huminga siya ng malalim at inihanda ang kunai.Dahan-dahan niyang itinaas ang kunai para isaksak na sakanyang sarili.

"No!! Hell! Do not listen to her!" sabay na sigaw ng mga kapatid niya.Ngunit huli na sila dahil nasaksak na ni Hell ang kanyang sarili.Lumapit ako kay Hell at biglang kinuha ang kunai sakanya.

"You fooled bitch!" ngisi kong sabi at sinaksak siya.

Marami rin siyang kasalanan sa akin na dapat pagbayaran niya.Silang triplets kasi ang nagpahirap kay Mom bago patayin ni Lucia si Mom.

Umilaw naman ang katawan ni Hell at lumutang ang nasa 100 na nace kaya kinuha ko na ito.

Napatingin naman ako sa dalawang magkapatid.Parehas silang tulala kaya naman ay hindi na nagsayang ng oras sina Quincy at Shine na paslangin sila.Nagulat na lang sila ng masaksak sila sa puso at sa ulo.Parehas silang natumba ng magkasama at sabay rin'g umilaw ang kanilang katawan.May lumitaw naman na isang dosenang life beans at isang death potion.Kinuha naman ni Quincy ang life beans at si Shine naman ang kumuha ng death potion.

"Anong naramdaman niyo ng mapatay ang triplets na iyon?" Tanong ni Shia.Tumingin kaming tatlo at iisa lang ang nasabi.

"Galit"

➖✳️➖

A/N:
Sorry sa wrong grammar.Hindi kasi ako magaling sa wikang Ingles kaya pagpasensiyahan.


The Goddess of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon