[TGOA2]G48:I'll miss you

5.1K 142 8
                                    

👑HAYNES POV 👑

Kakagising ko lang at narito na pala ako sa aking sariling silid.Umupo ako at sumandal sa head board ng kama ko.

Napayuko ako ng maalala ko ang nangyari kahapon.

Ang anak namin.....

Kamusta na kaya siya? Hindi ba binuksan yung capsule? Sana naman hindi nila buksan.

"Haynes?"

Napaangat ang tingin ko at tinignan ang tumawag sa akin.May dala siyang tray na may lamang pagkain.
Itinabi niya ang tray sa gilid ng kama ko.

"Sina Lyndon ang nag hatid sayo rito.Nakita ka kasi ni Lyndon at Clark na naka higa malapit sa veranda kahapon." Sabi ni Quilla.Tumango na lang ako at pumikit.Naramdaman ko naman na napabuntong hininga siya.

"Haynes,Kaya mo 'yan.Alam kong makakaya mo ang mga problema." sabi niya.

"Paano kung pagod na ako.Paano kung di ko kaya.Paano ko makakaya ang lahat? Hindi ko na alam Quilla.Parang gusto ko ng sumuko" sabi ko at doon na tumulo ang mga luha ko.

"Huwag mong sasabihin 'yan.Lahat ng bagay o problema ay may solusiyon kaya 'wag kang susuko.Narito pa kami Haynes lumalaban kami.Kinakaya namin para sayo,Sa lahat kaya huwag kang sumuko.Isusuko mo ba ang alaala ng mga magulang mo? Ng angkan mo? Ng pamilya namin? Pamilya natin? Isusuko mo rin ba ang sarili mong pamilya?"

Napadilat ako at tinignan siya.Umiling ako bilang sagot.

"H-hindi naman sa gusto kong sumuko.Napapagod lang ako parang gusto ng bumigay ng katawan ko pero hindi puwede.May pamilya pa ako at may mga kaibigan ako at lalo na ang buong Ayeshib pati charbute world.Hindi ko basta-bastang isusuko ang lahat.Na simulan ko na kaya tatapusin ko.Gulong-gulo na ako.Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko Quilla" sabi ko.Niyakap naman niya ako.

"Basta naririto lang kami para sayo.Best friends tayo eh" sabi niya at kumalas na ng yakap.May mga luha na rin sa kanyang mga mata.Napangiti na lang ako ng pilit.

Tama naririto sila sa tabi ko.Lagi silang sumosuporta sa akin kaya dapat magpakatatag ako.

Napakasuwerte ko dahil may mga kaibigan akong tulad nila.Kahit na minsan ay napapagalitan ko sila sa mga ginagawa nila ay nandiyaan parin sila para sa akin.Para sumoporta.Kaya nagpapasalamat ako sa lahat.

Kailangan kong magpakatatag para sa kanila,Sa pamilya ko at sa buong Charbute World.Hindi ko hahayaan mawala sila.Hindi ko hahayaan na magdusa kami sa kamay ng mga Spectris at Dark Families.Lalaban ako hanggang sa aking kamatayan.

"Kumain ka na" sabi niya pero umiling ako."Wala akong gana" sabi ko sakanya.Nagbuntong hininga siya at kinuha ang tray.

"Kahit ubusin mo lang itong lugaw" sabi niya kaya naman ay tumango na lang ako at kumain.

Nang matapos ay kukunin ko na sana yung chocolate coffee ng maalala ko si Chester.Kinuha ko na lang ang tubig at ininom ito.

"Salamat sa lahat" sabi ko kay Quilla.Ngumiti lang siya at nag bow sa akin.Kinuha na niya yung pinagkainan ko at lumabas na sa silid ko.

The Goddess of AllWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu