TGOA 18 - Spectris

9.5K 249 11
                                    


Haynes


Natanggal na yung nace at bracelet at pakiramdam ko ang luwag sa pakiramdam at parang ang bilis ko ng kumilos.

Mag aalas kwatro palang ng umaga kaya mag jo-jogging muna ako.Tapos na akong maligo at ang isusuot ko ay sports bra na kulay blue at leggings.Nag jacket ako pero hindi naka zipper.Tapos nag suot ako ng rubber shoes.

Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay kinuha ko yung headset ko at lalabas na sana ako ng kwarto pero bumalik ako.Kinuha ko yung bagong collection ko.May tatlong charbutes na ito.

Pagkababa ko ng hagdan nakita ko si Quilla na naka pang jogging rin.Lumapit ako sa kanya.

"Mag jo-jogging ka rin diba? Sabay na tayo? " sabi ko sakanya tumango lang siya habang nag sisintas ng sapatos.

Nilagay ko na sa taenga ko yung headset at inaya na niya akong lumabas kaya lumabas na kami.

Iikutin lang namin ito hanggang sa government house pabalik dito.

Tinanggal ko muna yung isang headset at kinalabit siya.

"Pa ikot lang tayo.Medyo malayo yung government house pero keri na yan iikot tayo doon papunta ng park" sabi ko.

"Susunod na lang ako sayo.Atsaka ayaw ko munang mag gagala sa ibang parte dito sa white D. " inaantok na sabi niya kaya ngumiti na lang ako.

Nag simula na kaming mag jogging at madilim pa yung mga dinadaanan namin pero may mga onting ilaw naman.

Pagkaikot namin sa government house may napansin akong mga bounty hunters ang may mga hawak na palaso at may huli na mga lalaki.

Tumigil muna ako kaya napatigil din si Quilla at takang tumingin sakin.

"Problema? " tanong niya.Imbis na sagutin ko ay tinignan ko yung mga bounty hunters.Napasinghap siya at dalidali akong hinila papunta sa park.

"Bakit nila hinuhuli yung Dark Hell gang? " takang tanong niya sakin nag kibit balikat naman ako.

"Sino BA---NYEMAS! YUNG PINAKAMALAKAS NA GANG DITO SA AYESHIB? " gulat kong tanong sakanya na nanlalaki pa ang mata ko.

"Oo.Pero bakit sila hinuhuli? Eh pag naka pasok sa top 5 sa pinaka malalakas na gang hindi hinuhuli ng mga bounty hunters yon.At bakit mukhang wala sa sarili yung Dark Hell Gang? " tanong niya.

Oo nga mukhang wala sila sa sarili nila.Hindi manlang sila nanlaban.Tapos lahat sila tulala.

"Ay hayaan na muna natin yan.Bumili muna tayo ng tubig" sabi ko sakanya kaya ako naman ang nanghila sakanya.

Pagkarating namin sa grocery store ay kumuha kami agad ng tubig.

Pagkatapos naming bayaran ay lumabas na kami.

Pinag patuloy namin yung jogging hanggang sa mapagod kami.

"Woooh! Gra-grabe! Nga-ngayon HuHu! Lang ako nakatakbo ng ga-ganito wooh! " hingal na hingal na sabi ni Quilla.Kaya tinapik ko siya sa balikat at tumango.

Grabe! Pa ulit-ulit kami nadaanan na nga namin yung bahay pero umikot ulit kami.

"Wooh! Oo nga" sabi ko at uminom ng tubig.

Napatingin naman ako sa paligid.

Huh? Gubat?

Binatukan ko si Quilla sabay peace sign ko.

"Gubat na pala tong na puntahan natin" sabi ko.Tumingin naman siya sa paligid at parang may inaalala siya.

Nanlaki ang mga mata niya ng tumingin siya sa isang direction kaya tumingin rin ako.

The Goddess of AllWhere stories live. Discover now