TGOA 13 - King?

13.5K 340 12
                                    


Haynes



Bigla na lang tumulo ang mga luha ko na kanina pa gustong lumabas nang bumukas yung pintuan papunta sa underground ng bahay na ito.

"Woa--Haynes? O my god! Bakit ka umiiyak?" tanong sakin ni Quincy.Pinunasan ko naman agad yung luha ko pero patuloy parin itong tumutulo.

Nagsitinginan naman silang lahat sakin.

"Anong nakakaiyak? Nakakaiyak bang bumukas yung pintuan?" tanong ni chester.Napairap na naman ako.Tss.Nag mo-moment eh! Panira -_-

*Boink*



"Aray! Makabatok tong si Tanda!" inis na sabi niya kay Calvin.

"Hindi naman niya iniiyakan yan" sabi naman ni Earl.

Pumasok naman si Papu kaya sumunod yung mga kaibigan ni Papu.

Pero sila hinuhulaan parin kung bakit ako umiyak kanina.

Pumasok na lang ako at hindi na sila pinansin.Madilim dito sa hagdan pero umiilaw siya kapag may na censor siya na tao.

"Haynes? Asan na kayo? WAAAAAH! BALIK NA TAYO SA TAAS.WALA SILA DITO OH!" rinig kong sabi ni Shine.Tss -_-

Bumalik ako at nanlaki naman ang mga mata nila.

"WAAAAAH! MULTO!" Sigaw ni Chester at kumapit kay Earl.

"Edi wow!" cold kong sabi.

"Tara na nag kokumpulan pa kayo diyan.Eh umiilaw na nga yung dinadaanan niyo -_- " Naiinis kong sabi kaya tumuloy na akong bumaba.

"Waaah! Wait lang---Hehehehe" Sabi ni chester at umakbay pa sakin.Bumilis na naman yung tibok ng puso ko.Hindi ko pa nakakalimutan yung aksidente kanina.

"Ta-Tanggalin mo nga yan.May kasalanan ka pa sakin." bulong pero may diin kong sabi.

"Sorry na.Hindi ko naman sinasadya eh.Tuturuan na lang kita kung paano bumuo ng rubics cube ng walang kondisyon." sabi niya.Tila nagdiwang naman ako sa narinig.

"TALAGA? YES! OKAY! WALA KA NG KASALANAN SAKIN BASTA TURUAN MO AKO KUNG PAANO BUO-IN YON" Masaya kong sabi.

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami.

Nakakainis! Tumulo na naman yung luha ko.Kahit anong pigil ko sa sarili ko na wag balikan ang alaala ni Mom ay bumabalik pa rin.

Kahit saan ako tumingin dito sa buong traning room ay nakikita ko si Mom.Na mi-miss ko na si Mom.

"Shhh.Wag ka ngang umiyak.Ano ba ang nakakaiyak dito?" tanong niya at pinunasan niya yung luha ko.

"Wala.Na alala ko lang si Mom." Sabi ko sakanya at umupo sa sofa.

Dito sa underground o traning room ay sobrang malawak.

Sa pinakagitna ay may malawak na stage para sa pag ta traning mas malawak pa sa stage ng mga pinag coconcertan ng mga international or K-pop groups.

Ang mansion namin kapag triniple mong laki ay ganun kalawak.Kaya malaki talaga.

Yung mga collections ko ay nandito rin.Ang ibig kong sabihin ay may mga att-- este charbute.

Ay! Shemay! Hindi pa pala alam ni Papu at Dad na may Water attr--charbute pala ako.Ano ba yan nalilito ako.

Lumapit ako kay Papu at hinayaan ko ang mga kaibigan ko na pumuri na naman.

The Goddess of AllWhere stories live. Discover now