[TGOA2]Q50:Teamwork makes the dream work

4.5K 117 6
                                    


👑HAYNES POV👑

Tatlong araw na lang at battle na.Kasalukuyang nagpapahinga kami rito sa training room.

"May mga sugat na naman tuloy ako" maktol ni Quincy.

napatingin ako sa kanya.May mga sugat nga siya pero hindi naman malalim.

"Huwag ka ngang maginarte diyan.Mag inarte ka kapag laban na." malamig na sabi ni Shine.

Napabuntong hininga na lamang ako.Naging malamig na sa amin si Shine simula ng mamatay si Quilla.Si Kuya leo naman ay hindi na ngumingiti.Kahit sabihin nilang wala akong kasalanan ay na g-guilty parin ako.

"Ayan ka na naman" biglang sulpot ni Chester sa tabi ko.May inabot siya sa aking candy kaya naman ay kinuha ko iyon at sinubo.

"After one minute mawawala na yung mga sugat sa katawan mo" sabi niya na kinakunot ko ng noo.

Maya-maya ay napatingin ako sa braso ko.Yung sugat ko ay onti-unting nawawala.Tumingin ako kay Chester at napaatras ng wala sa oras dahil sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin.

"Ginulat mo ako roon Chester" sabi ko sakanya ng kinatawa lamang niya.Nang hingi naman sila Quincy ng candy kay Chester.

"Anong candy yan?" tanong ni Shia habang binibigyan siya ni Chester.

"Heal Candy.Ako ang gumawa niyan ah" sabi niya kaya napatango kami.

Hindi naman masama ang lasa ng heal candy.Matamis na maalat ito at may pagka-mentol.

[A/N:Imagine niyo yung lasa 😂 AHAHAHA]

Dumating naman si Papu at may ibinigay sa amin na armas.

"That is the real royal weapons" sabi ni papu na kinakunot ko ng noo.Real royal weapons?

"W-wait what do you mean by that?" hindi mapigilang tanong ni Shine.

"Yung mga ibinigay ba sa amin noon ni Haynes ay hindi totoong royal weapons?" tanong ni Lyndon.Tumango naman si Papu.

"Ako ang nangangalaga sa mga royal weapons at yung mga ibinigay sainyo ni Haynes ay ordinaryo lamang.Kaya ko ibinigay ang totoong royal weapons ay dahil sa nalalapit ng laban.Gusto kong masanay kayo sa armas niyo" sabi niya sa amin at umalis na.

Napatingin ako sa spada at dalawang baril na hawak ko.

Gold ito na may halong blue ang kulay.Bigla namang lumiwanag ito at kasabay ng iyon ay pagliwanag rin ng mga armas nila Chester.

Nang mawala ang liwanag ay parang may mga nakapaligid na enerhiya sa aking spada ganoon rin sa mga armas nila.Ang akin at kay Chester ay apoy na kulay puti na nakapaligid sa talas ng spada at may onting yelo sa pisnge sa spada.Napangiti ako dahil sa ganda nito.

[A/N:Just imagine it 😂]

"Sa tingin niyo matatalo kaya natin sila"

Sabay-sabay kaming napatingin kay kuya leo na nakaupo sa tabi ni Earl.Napakalamig ng kanyang boses at wala na talaga ang masayahin niyang aura.

"Oo naman" sabi ni Chester at ngumiti ng malaki.Nakita ko na naman ang square smile niya.Sabay-sabay rin kaming napabuntong hininga.

*CLAP* CLAP* CLAP*

"Ang da-drama niyo.Cheer up guys kaya nating manalo.Para na rin sa ating mga minamahal at sa buong ayeshib" sabi ni Jen habang nasa tabi niya si kuya Lam na nakaakbay sakanya.

Napataas ang kaliwang kilay ko dahil doon.

"Explain" sabi ko na kinatingin nilang lahat sa akin.

"What's with that" sabi ko sabay turo sa nakaakbay na braso ni kuya kay Jen.Inalis naman niya yung braso niya at napakamot sa batok.

"Kuya lam?" tanong rin ni Chester.

Napatawa si kuya ng nahihiya sabay hawak sa kamay ni Jen.

"Kami na" sabi niya.

Bigla namang nailuwa ni Quincy yung chocolate  na kinakain niya.

"Seryoso?" sabay-sabay naming sabi at pati rin si kuya leo.Tumango lang si kuya sa amin.Napa-palakpak naman ako dahil doon.Pati sila ay napa-palakpak rin.

"Wow! Wow talaga! Binata ka na kuya" sabi ko habang pumapalakpak.Nabatukan naman ako ni kuya dahil doon.Napanguso tuloy ako.

"Tss,Hindi porket mas nauna ka sa akin magkaroon ng love life ganyan ka na." sabi niya.Napairap naman dahil.

"Ang sabihin mo torpe ka lang at mabagal" naiiling kong sabi sakanya.Ngumisi naman siya.

"Eh kayo ni Chester kamusta naman? Kayo na ba ulit?" nakangisi niyang sabi sa akin.Napalunok naman ako.Bwisit 'tong si kuya.Inakbayan naman ako ni Chester na kinagulat ko.

"Oo"

Nanlaki ang mata ko at inalis yung braso niyang nakaakbay sa akin.

"Bakit mo sinabi? Secret lang natin yun diba?" bulong ko sakanya.Nagsi-ubuhan naman sila ng peke kaya napatingin kaming dalawa ni Chester sa kanila.

"Explain" sabi ni Kuya.Kinurot ko tuloy si Chester sa tagiliran.

"A-aray! Sorry naman.Kahapon lang kuya." sabi ni Chester.Nagulat ako ng pumalakpak silang lahat.

"YEHEY!!! MATAGAL NA NAMING HINIHINTAY YAN!" Sabi ni Shine at Kuya Leo kaya napatingin ako sa kanila.

"Totoo ba itong nakikita ko?" sabi ko dahil si Shine at kuya Leo ay nakangiti.Tumango silang dalawa.

"Uma-acting lang kami AHAHAHAHAHA.Napaniwala namin kayo ahahahahaha---aray" sabi ni Shine sabay hawak sa ulo niya dahil binatukan siya ni Quincy.

"Akala namin sinaniban na kayong dalawa" sabi ni Earl.

"So okay na ang lahat? Ang problema na lang natin ay kung paano natin matatalo ang spectris at ang dark families." Sabi ni Kuya Lam.Napatango naman kami.

"Teamwork make the dream work" sabi ni Kuya Lam sa amin.Napangiti ako dahil doon.

Teamwork make the dream work.Pagtutulungan talaga ang kailangan para matupad ang mithiin naming lahat.

Alam kong makakaya namin ito.Hinding-hindi na kami magpapatalo sa emosyon at sa masasama.

Sigurado akong kami ang magwawagi sa laban.Ipaglalaban ko kung ano ang tama.Ipaglalaban ko ang mga magulang at kaibigan naming nasawi.Ipaglalaban namin ang Ayeshib at ang Charbute World.

At ipaglalaban ko ang aking anak.

👑👑👑


Se next chapter ay ang paghahanda nila sa arena.How many chapters left? Secret.

And sa book 2? Hindi ko pa alam.Ang TGOA2 Ay point 2 nitong story.Hindi ko lang sure kung lalagyan ko pa ng book 2 ito o hindi.Depende sainyo kung gusto niyo pa o hindi.

But! Thankyou talaga sainyo.

Saranghamnida Kamsahamnida 😘

👑APPLE_V👑

The Goddess of AllWhere stories live. Discover now