[TGOA2]K35:Let go

5.9K 178 4
                                    

[TGOA2]K35:Let go

👑👑👑

LYNDON

Masyadong magulo ang lahat.

Masaya na sana ako kasi kami na ni Quilla my labs pero dumating naman yung malaking problema.

Aish!

Nilapitan ko si Quilla my labs ko at niyakap sa likod.

"Maaayos pa kaya ang lahat? " tanong niya sa akin at hinawakan ang kamay ko na nakayakap sa kanya.

"Sa totoo lang hindi ko alam.Masyadong magulo.Naguguluhan ako sa sinabi ni Shia kahapon." sabi ko.Kumalas naman siya ng yakap at tumingin sa akin.

"Ano ang mga katotohanan?..By the way gusto kong punthan si Haynes." sabi niya sakin na pinagtaka ko."Bakit?" tanong ko.

"Gusto ko siyang makausap" sabi niya pero umiling ako."Huwag,Kailangan niya pa ng oras para sa mga nangyari.Nakausap na siya nila Kuya Lam at Shia." sabi ko kaya tumango siya.

May naisip naman akong kapilyuhan kaya binuhat ko siya ng pang bridal style.

"Ano ba Lyndon! Ibaba mo nga ako! " saway niya sa akin.Pero umiling ako ng nakangiti.

"May ipapakita lang ako sayo at siguradong magugustuhan mo ito" sabi ko at nagteleport kami papunta sa lugar kung saan alam kong magiging masaya siya.

Binaba ko na siya at tinignan ko yung reaction niya.

"Woah!" manghang sabi niya at ang laki ng ngiti niya sa labi.Napangiti na lang din ako.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ko at inakbayan siya.Tumango naman siya habang nakangiti at pinuntahan yung mga snow man.

Hanggang sa nakita niya yung snow castle na kasing tangkad lang namin.

"Woah! Puwede pumasok?" tanong niya sakin ng may malaking ngiti sa labi.Tumango naman ako kaya siya ay excited na pumasok.

"Be careful! Baka bumagsak yan" paalala ko sakanya.Kinuha ko yung phone ko at pinicturan siya habang nakangiting hinahawakan yung maliit na snow man sa loob ng snow castle.

Pumunta ako sa likod ng snow castle at gumawa ako ng snow man na kawangis niya.

Medyo nahirapan ako kasi hindi pa ako sanay gumawa ng snow man pero nagawa ko naman.

Agad akong pumasok sa snow castle at hinawakan yung kamay niya.Taka naman siyang tumingin sakin.

"Huh?" tanong niya ngumiti naman ako."Halika may ipapakita pa ako sayo" sabi ko at lumabas na kami ng snow castle.Tinakpan ko naman yung mata niya gamit ang kamay ko.

"Bakit mo tinakpan yung mata ko? Paano ko makikita iyon?" tanong niya habang naglalakad kami.

Tinanggal ko na yung kamay ko sa mata niya.

Nanlaki yung mata niya at agad na pinuntahan yung ginawa kong kahawig niyang snow man.

"Wow! Paano mo ito nagawa?" manghang tanong niya at hinaplos niya yung mukha nito.

"Kahawig na kahawig ko siya" sabi niya pa.

Nilapitan ko siya at niyakap habang nakatalikod siya sakin.Sinandal ko naman yung baba ko sa balikat niya.

The Goddess of AllWhere stories live. Discover now