3 - New Morning

11K 489 68
                                    

Maagang nagising si Jade pero wala na si Althea sa kama nila. Bumangon siya, agad na pumasok ng bathroom at saka bumaba, nagbabakasakaling maabutan niya sa dining area si Althea.
Nagmamadali siyang bumaba pero biglang nahinto sa paglalakad ng mapansin kung sino ang nakaupo sa hapag kainan. Si Lolo Pablo na nagbabasa ng diaryo, gusto niyang umurong at maglakad pabalik sa kanilang kwarto pero napansin na siya ng matanda.

"O, Jade. Hija gising ka na pala." sabi nito at sabay baling sa nakatayong kasambahay na nasa tabi ng matanda. "Jenny, pakitawag mo na si Althea, sabihin mo gising na si Jade. Halika ka na Jade, umupo ka na apo nang makakain na tayo ng almusal." tawag niya sa gulat na si Jade. Hindi agad siya nakakilos, parang hindi siya makapaniwala na andon pa si Althea, akala niya ay pumasok na siya. Lihim siyang napangiti at dahan dahang naglakad sa pwesto ng matanda at humalik saka umupo malapit sa kanya. Maya maya pa ay nakita na niya si Althea galing sa labas na mukhang katatapos lang makipag usap sa phone.

"Hi, morning." bati ni Althea na nakangiti ng makalapit na kay Jade.

"Good morning." balik niyang bati at nakangiti na rin. "I thought you left."

"Hindi pa tayo nagbreakfast, di ba?" tanong ni Althea at napatango lang si Jade. "Let's eat, I'm late."

"Sorry, tinanghali kasi ako ng gising." hinging paumanhin ni Jade.

"It's alright, it's good that you slept well last night." sagot ni Althea. Hindi nila namamalayan ang mga tinging palipat lipat sa kanilang dalawa ni Lolo Pablo at ang lihim na ngiti mula sa kanya.

"Mga apo, andito ako." pukaw niya sa matamis na tinginan ng dalawa at seryosong tumingin si Althea sa lolo niya habang mukhang nahiya bigla si Jade. Natawa ang lolo nila at masaya silang kumain, kahit madaldal si Lolo Pablo ay hindi nagrereklamo si Althea.

Pagkatapos ng masayang almusal ay nagpaalam na si Althea. Humalik siya kay Lolo Pablo at lumapit kay Jade.

"Got to go. Bye." sabay halik niya kay Jade.

"Okay, ingat." ngiting balik ni Jade.

Nang pasakay na si Althea sa kotse ay narinig niyang tumawag si Jade, nasa likod na pala niya at sumunod.

"Althea." at napalingon siya.

"Yes, Jade?"

"Can I go out with Sally tonight?" sabi niyang nagpapaalam. Nagulat si Althea.

"You don't have to ask permission--"

"---But I want to." sagot ni Jade na parang napahiya at tumalikod na para pumasok. Bigla namang nataranta si Althea at hindi alam ang gagawin. Humakbang siya pabalik at hinabol ai Jade.

"J-jade." may lakas ngunit mahinahon niyang tawag at lumingon ang tinawag niya.

"Just don't drink and drive. Ok?" ngiti niyang bilin at kita ang saya sa mga mata ni Jade ng tumango ito.

"Y-yes. I won't." sagot niya at kumaway pa bago tuluyang pumasok ng bahay.

Hindi namalayan ni Althea na nakangiti na rin siya ng sumakay sa kotse.

"Maganda ba ang gising o masarap lang ang almusal?" biro ng may edad ng driver kay Althea dahil sa magandang aura ng dalaga.

"Pareho ho, Mang Julio" patol naman niya sa biro nong isa.

- - -

Life With YouWhere stories live. Discover now