32 - Baby #3

7.1K 268 27
                                    

Jade

"Mommy's not answering her phone." Sabi ko kay JJ habang nasa daan na kami papuntang office ni Althea. "'Maybe she's already in the chopper on her way to Mindoro."

"Nooo!" Sigaw ni JJ

"JJ!?" Gulat kong tawag pero hindi siya sumagot. Nakita kong hinawakan ni Ali ang kamay ni JJ and she calmed down. Pero makikita mo ang pagbukas ng bibig niya na parang tinatawag ang Mommy niya.

"It's ok J, we'll gonna see Mommy..."Kalma sa kanya ni Ali at tumango lang si JJ pero nangingilid pa rin ang luha. Nagkatinginan kami ni Mang Julio at nangiti siya. Naisip ko si Batchi kaya sinubukan ko siyang tawagan. Ilang saglit lang at nag ring na ang cellphone niya. Isa, dalawa, tatlo, apat, limang ring at ibinaba ko na. Baka nasa meeting sila kaya hindi sinasagot ang tawag. Sinubukan kong tingnan ang iba pang pwede kong tawagan. Si Andrea? Kahit ilang taon na ang nakakalipas hindi pa rin mawala ang first impression ko sa kanya. Pakiramdam ko ay andon pa rin ang pagmamahal niya kay Althea dahil hanggang ngayon wala pa siyang ka relasyon. I shook my head and ignore the thought then put down my phone.

"Why is Mommy not aswering her phone?" Tanong ni JJ

"Maybe she's in a meeting, JJ. I tried calling your Tita Batchi and she's not answering, too maybe they're in the middle of a meeting." Paliwanag ko sa anak ko.

"So nasa office pa po si Mommy?"

"Hope so, sweetheart." Sagot ko saka muli siyang tumingin sa labas na parang naiinip na.
Halos isang oras din kaming nagbiyahe buti at hindi na masyadong traffic. Pagkapark pa lang namin sa parking lot ng building nila Althea ay binuksan agad ni JJ at pintuan ng kotse sa likod.

"Hurry, Mama. Come on Ali!" Sigaw niya, kita ang pagmamdali sa kilos at mukha niya.

"Wait, JJ." Habol ko.

"After you J..." sabi ni Ali na patakbo na kay JJ. Pagpasok sa loob ay takbo agad sa private elevator at pinindot yon. Naiinip si JJ na nakatingala habang nagtitinginan lang kami ni Ali, masaya akong makitang maginhawa na ang mukha ni Ali, wala ng bakas ng pagaalala.

"Why so mabagal Mama?" Tanong ni JJ pero hindi nakatingin sa akin.

"Because your Mommy's office is in the top floor." Paliwanag ko. Maya maya pa ay tumunog na ang elevator senyales na magbubukas na. Pagbukas ay agad pumasok si JJ.

"Dali dali!" sigaw na niya sa amin ni Ali.

- - -

Althea

"The chopper will be here in an hour, Althea." gising ni Andrea sa isip ko. Kanina ko pa tinitingnan ang mga papeles sa harapan ko pero parang wala akong makita.

"Are you sure you want to go?" Si Kathleen.

"Yes, nagpaalam na ako at pinayagan ako ni Jade. And besides andiyan naman si Batchi." Sabi ko at sabay kindat kay Batchi.

"Paano naman ang lovelife ko? Naguumpisa pa lang ako. Samantalang kayong tatlo settled na." Reklamo niya, hindi pumayag si Kat na ako lang ang pupunta kaya sumama si Batchi.

"Ayaw mo naman kasing isama ko si Andrea..." Kunwa kong sabi na nakangiti. Tumingin si Batchi sa pinto kung saan kalalabas lang ni Andrea.

"Ano ka Althea, gusto mong salubungin ka ng kanyon ng asawa mo pag balik mo?" Sagot niya at natawa kami ni Kat.  "Naku speaking pala Tsong may missed call sa akin si Misis, hindi ko nasagot kanina dahil nasa harap ako at ng meeting. Saka ko naalala ang phone ko. Patayo na ako para tawagan si Jade ng biglang bumukas ang pinto.

"Mommy!" Sigaw ni JJ at ng makita ako ay mabilis na tumakbo kaya napabilis din ang hakbang kong umikot sa aking table para salubungin siya. Nakalahad ang kanyang mga kamay kaya yumuko ako para yakapin siya at kargahin. "Mommy..." sabi niya muli at umiyak na. Nagulat ako at kita rin ang gulat sa mata nila Batchi at Kat pero masaya ang sumunod na expression ng mukha nila. Ganon din ang maaliwalas na mukha ni Jade na nasa pinto at hawak kamay si Ali.

Life With YouWhere stories live. Discover now