4 - Lunchdate?

10.3K 404 41
                                    

Althea

Paglabas ko ng elevator ay mabilis akong naglakad papuntang cafeteria. I was walking in fast pace and looking around for Jade. Then I saw her waved at me at the corner of the cafeteria. As I approached her, napansin kong kasama na pala niya si Mang Julio.

"Hi!" masaya niyang bati. She stood up and walked close to me and gave me a kiss. "Mang Julio said this is your place."

"Hi, Jade. Ah Y-yes. This is where we usually sit." tanging nasabi ko at parang hindi pa ako nakarecover sa ginawa niya. She really did kiss me. Matagal lang akong nakatitig sa kanya.

"Dito na muna kayo, Althea, Jade. Kukuha lang ako ng makakain niyo." Si Mang Julio na ang pumutol sa titigan namin ni Jade.

"Ah. Sige Mang Julio. Salamat ho." sagot ko na lang.

"Siyanga pala Jade, anong gusto mo?" alok ni Mang Julio kay Jade at nanatili akong nakatingin sa kanya.

"I'll have what Althea eat for lunch po, Mang Julio. Thank you." simple niyang sabi na nakangiti. Ewan ko pero parang mas lalong lumambot ang puso ko sa narinig ko. Hindi ko na napansin na umalis na si Mang Julio at kung gaano na kami katagal na nakatayo."Can we take our seats now?" tanong ni Jade at saka pa lang ako naalimpungatan.

"O sure, please. Sorry." Tanging nasabi ko. Napansin ko siyang umurong kaya kumilos akong umupo sa tabi niya.

"Is Dada around?" kamusta niya.

"Ah, he's in a business meeting outside." sagot ko at napatango lang siya.

"Did you run?" tanong niya muli.

"Why?" dko siya sinagot.

"You're sweating." mahina niyang sabi sabay may kinuha sa purse niya at binalikan ang mukha ko na masuyo niyang hinawakan habang pinupunasan ang noo ko at gilid ng mukha ko. Nabigla ako sa ginawa niya pero hindi ko magawang umiwas.

"Ah...mainit sa elevator." pagsisinungaling ko at nakita ko siyang ngumiti.

"Is that so. Akala ko tumakbo ka." biro niya sa mahinang tawa. Hindi ko namalayan natatawa na rin ako. "It seems alam na ni Mang Julio ang everyday dish mo." pag iba niya ng usapan pero patuloy pa rin sa pag punas ng pawis ko.

"O-oo. For two years alam na niya ang mga pagkain ko sa araw araw. Minsan lumalabas kami pag napapansin niyang hindi ko na nauubos ang pagkain ko." sagot ko na parang nakukuryente sa kamay niyang humahawak sa mukha ko.

"Ang sweet naman." rinig naming boses sa di kalayuan. Just then napansin namin ang tatlong istorbo sa moment namin ni Jade. Si Wila na nagsalita, kasunod si Batchi at Kathleen. Doon ko lang napansin ang mga simpleng tingin sa amin ng mga tao sa paligid. May nakangiti at yong iba sa sobrang hiya ata ay binaling sa iba ang tingin. "Althea, alam ba ng asawa mo na may ka lunchdate ka ngayon?" dugtong pa ni Batchi.

"What?!" gulat kong sambit. "What are you doing here?" taray kong tanong sa kanila habang patayo na ako. Malakas na tawa lang ang isinagot ni Batchi.

"Chill lang Althea." sabay baling kay Jade."Just kidding, Ms. Jade. Who wouldn't recognize one of well known models and owner of beautiful faces in our country." lapit niya kay Jade. "By the way I'm Batchi, this is Kathleen and Wila. We're Althea's college classmates, trusted and faithful friends, loyal employees and lunchmates and dinnermates." nakangiti niyang pakilala "But I guess we can't be her lunchmates today." habol pa niya.

"Batchi, feeling close?" putol ko na sa kanya.

"Ikaw naman Althea, close ka namin eh di ibig sabihin close na rin kami sa asawa mo. Hindi ba Ms. Jade?" birit naman ni Wila.

Life With YouWhere stories live. Discover now