33 - Preggy Althea

6.1K 237 43
                                    

Jade

"Mahal?" I heard Althea waking me up.

"Yes, Love?"

"Nagugutom si baby..." sagot niya at natawa ako.

"Althea mahigit 1 month pa lang si baby. Huwag mo siyang gawing excuse sa gutom mo." Biro ko sa kanya sabay ngiti. She pouted her lips at natawa ako, hinalikan ko ang nguso niya at npangiti na siya. Hay ibang klaseng maglihi ang Althea ko. Tulad ngayon ilang gabi na rin siyang nagigising ng hatinggabi dahil nagugutom daw siya. "What do you want to eat now?" Lambing ko sa kanya habang hawak hawak ko ang tiyan niya.

"Carrot Cake?" Sagot niya at napaisip ako, meron ba kami non sa fridge? May mga stocks na kami ng cakes just in case magcrave si Althea in the middle of the night.

"Ok, Love. I'll check..." Sabi ko at bumaba ako ng kama at lumabas ng kwarto. Ang alam ko salted caramel, strawberry, sans rival, black forest, mocha, vanilla, chocolate at yema cakes lang ang nasa fridge. Ano pa ba ang hindi niya natikman doon? Nagiisip ako hanggang makarating ako ng kitchen at pagbukas ko ng fridge ay saka nasabi sa sarili ko. "Sabi ko na nga ba eh." Bulong ko sa sarili.

"Ibang flavor nanaman?" Halos mapatalon ako sa gulat sa boses na narinig ko.

"Mang Julio..." Tawag ko.

"Sorry, Jade kung nagulat kita..." Hinging paumanhin niya. "May ibang gusto
nanaman si Althea?" Sunod niyang tanong.

"Carrot Cake daw, Mang Julio..."
I said at naramdaman niya atang wala sa mga cake na nasa harap ko.

"Meron kayang nagawa si Chef?" Tanong niya ulit.

"Not sure po..."

"Puntahan ko na lang..."

"Sige po, tawagan ko muna siya." I said at paakyat na sana ako ng iabot ni Mang Julio ang cellphone niya. Mukhang hindi lang ako ang napupuyat ni Althea.

"Eto na lang Jade." Sabay sabi niya. I scrolled the phone number until I stopped at the name I'm searching. May number na rin si Mang Julio ng taong kailangan ko. I dialled the number and after only two rings.

"Hello, Mang Julio?" Sagot sa kabilang linya.

"Hi Steph..."

"Oh, Hello Jade..."

"Sorry dito na ako napatawag..."

"It's alright. I guess she's craving for something that's not available in your fridge?" May himig tawang sabi ni Stephanie, she's a pastry chef and bakes cakes and breads Althea started to like mula ng maglihi siya, naging kaibigan at suki ko na rin. She's very accommodating and always ready anytime Althea craves for something unusual or out of the menu.

"Yeah..."

"What's is it this time?" Tanong niya.

"She wants to eat carrot cake..."

"Wow...Good thing I'm baking one right now..."

"Really?" Halos hindi ako makapaniwala.

"Yeah...I've been thinking what else Althea could possibly crave for kaya naisip ko lang magbake."

"Pasensiya ka na, Steph pati ikaw..."

"Don't mention it Jade, Althea's promoting our products for free kaya ako ang dapat magpasalamat sa inyo." Masaya niyang sabi, mula kasi ng maglihi si Althea ay cakes, breads and pastries niya ang nirerequest ni Althea sa mga meetings and engagements niya. Kaya kahit mga nagpapa appointments sa kanya ay puro sweets nila Steph ang ibinibigay ng clients kay Althea. Kami naman lahat sa bahay ang taga ubos pag inabot na ng ilang araw ang cakes and other sweets sa fridge.

Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon