30 - Mothers and Children

6.3K 246 40
                                    

Althea

"How's school?" tanong ko sa mga bata habang nag aalmusal kami. They're now in gradeschool, how time runs so fast, parang kailan lang nong magstart silang pumasok. Ngayon halos independent na, hindi na rin sila madalas hinahatid ni Jade kundi si Mang Julio na lang pero sinusundo pa rin namin sila pag uwian at minsan kasama si Jade.

"Not so good." sagot ni JJ at tiningnan lang siya ni Ali.

"And why is that?" tanong naman ni Jade habang naghihiwa siya ng fresh fruits para sa baon ng mga bata.

"There is a new kid in our school. He's kinda bad"

"Bakit mo naman nasabing bad?" Si Jade ulit.

"Basta..." Matipid na sagot ni JJ.

"Ali? Do you know the kid JJ's talking about?" Tanong ko kay Ali na tahimik lang na kumakain. Tiningnan niya ako at tumango.

"A girl or boy?" Ako ulit.

"Boy..." Ali answered. "But it's ok Mommy, I'm here to protect J."

"I know, big guy. But don't get into trouble ok?" paalala ko at tumango lang si Ali. "Am I clear, Ali?"

"Yes, Mom." sagot niya.

"What if he's so annoying?" Biglang singit ni JJ.

"Is he?" Tanong ni Jade. "Ano ba ginagawa niya sa inyo or sa'yo? Is he bothering you.?"

"Nah, he just talk too much..." Parang inis na sabi ni JJ.

"Then better ignore him, let him talk. Maybe he loves talking. As long as he's not making any trouble or saying bad things to you or to your classmates be good to him, ok?" Paalala ni Jade.

"Yes, Ma." sabay na sagot ng kambal.

- - -

Ako ng naghatid sa mga bata, I intentionally did so to check on the boy the kids talking about. Hinatid ko sila sa room at andon na ang teacher nila. One reason why Jade doesn't want me to go to the school is the kids' teacher, I don't want to assume pero halata naman talagang nakikipag flirt siya.

"We're going inside now, Mom." Paalam ni Ali.

"Ok, kids. Take care. I love you." sabi ko habang humahalik sila sa akin.

"Love you too, Mom." sabi nila at naglakad na papasok sa room nila. Just then I saw Ms. Lawrence coming, all smile and sexy. Thank heavens Jade is not with me. Binati niya ang mga bata at pinapasok sa room saka ako hinarap.

"Good morning, Ms. Althea." Ngiti niyang lapit sa akin. Gusto kong humakbang paatras dahil mukhang nasobrahan niya ang lapit.

"Hi, good morning Ms. Lawrence." Balik bati ko.

"Don't be too formal, tayong dalawa lang naman. Call me Lara." sabi niya, naku naman.

"Ok, Ms. Lara." sabi ko na lang at umatras ng "konti.

"I seldom see you with your kids, Althea." sabi niyang nakangiti at humakbang ulit palapit sa akin. "You're really such a busy person." Halos bulong niya.

"Uhm, kinda. And si Jade kasi nag aasikaso sa mga bata." sagot ko at kunwang umubo ako para lumayo siya pero mali dahil mas lalong lumapit.

"What's wrong? Do you need water?" Alala niyang tanong sabay hawak sa balikat ko.

"I'm ok naubo lang." Sabi ko.

"Are you sure?" Tanong niya muli at tumango ako.

"I thought you already left Mommy?" Rinig kong boses at sabay kaming napalingon kay JJ na nasa pinto na at nasa likod niya si Ali na nanlalaki ang mata. Lagot na.

Life With YouWhere stories live. Discover now