23 - Plan

5.4K 262 22
                                    

Althea

Ngayon lang ako hindi nainip sa traffic, nagpapasalamat pa at mabagal ang takbo ng mga sasakyan.

Pagdating ko sa bahay ay pasado alas otso na, alam ko tapos ng hapunan.

"Naghapunan ka na, Althea?" tanong ni Yaya Caring.

"Busog pa po ako Ya."

"Sabi ko nga, mahirap talaga pag aligaga. Kinakabag." sagot ni Yaya at napatingin ako sa kanya.

"Anong sabi niyo Ya?" tanong ko.

"Wala, sige na pahinga ka na at iinit ko ang ulam baka maya maya magutom ka na." sagot niya.

"Si Jade po?" tanong ko

"Nasa kwarto ng mga bata, pinapatulog na niya ang kambal." sagot ni Yaya at tiningnan ko lang ang hagdan pataas. Nagaalangan akong umakyat. Matagal akong ganon ng mapansin ko si Yaya na nasa tabi ko na pala at nakatingin na rin sa hagdan saka nalipat ang tingin sa akin.

"Kung nagaalangan kang umakyat sa kwarto niyo, anak dumeretso ka ng attic. Pero sigurado hindi ka rin makakatulog doon."

"Ya, dko alam na tsismosa kayo..." komento ko at biglang sumakit ang tagiliran ko. "Aray, Ya. Masakit!" halos pasigaw kong sabi sa pagkurot niya.

"Ikaw bata ka, huwag mo akong sasabihan na tsismosa at hindi ka lang diyan makakatikim..." banta niya.

"Eh kanina pa po kayo, hindi ko nga alam kung tama ang mga naririnig ko sa inyo." patol ko na sa matanda.

"Ikaw bata ka, huwag mong sabihin na kaya mo na ako ngayon ha. Mamya isumbong kita sa Lola mo. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya." sabay krus ni Yaya.

"Bakit nga kasi ganyan kayo magsalita ngayon?" depensa kong tanong.

"Bakit? Dapat ako ang magtatanong kung bakit aligaga ka? May kasalanan ka nanamang nagawa ano?"

"Nanaman? Ya? Para namang lagi akong may ginagawang kasalanan..." tanggol ko sa sarili.

"O ayan may ginawa ka ngang kasalanan.."

"Wala po, Ya."

"Kung wala bakit ganyan ka at si Jade matamlay mula pa nong dumating galing sa Lolo mo."

"Anong ganyan po ako...matamlay lang si Jade may kasalanan na po ako?"

"Bakit ganyan kang sumagot?"

"Kasi ang kulit niyo po eh at nagpaparinig pa kayo." maktol ko na.

"Sumasagot ka na sa akin ngayon?Porke't malaki ka na at ikaw ng nagpapasahod sa akin?"

"Wala akong sinsabing ganyan, Ya."

"Asus, binabaling mo lang sa akin yang kaba mo..."

"Ako po, kinakabahan? Sinong nagsabi?"

"Ako..." pameywang pa ni Yaya

"Bakit niyo naman nasabi?"

"Hay naku Althea, wala ka pang salwal at nag uumpisa ka pa lang maglakad alam ko na kung kinakabahan ka kahit itago mo..." balik ng Yaya ko. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ngayon ko lang ulit nakita ang matang panda na yan." sabi sabay tawa niya.

"Ya, bakit anong trip niyo? Daig niyo pa ang may tama." sabi ko na sa kanya, kasi ngayon lang ulit naging madaldal si Yaya.

"Ikaw ang may tama sa asawa mo kung sakali..." balik niya sa akin. "Bakit ayaw mo pang umakyat? Gusto mo tawagin ko si Jade..." sabi nito at akmang aakyat na ng hagdan pero mabilis ko siyang pinigilan.

Life With YouWhere stories live. Discover now