31 - Love Above All

5.8K 241 36
                                    

Jade

"What happened Ali?" Tanong ni Althea kay Ali na ngayon ay nakatungo, katabi niya si JJ na nakatungo din. Andito kami sa sala at magkatabing nakaupo ang kambal. Hindi sumasagot si Ali. Sinabi ko kay Althea na pinatawag ako ng School Principal at nasa Guidance Counselor's Office si Ali nong dumating ako. Matapos kong makipag usap sa Principal at sa Guidance Counselor ay tinangka ko na kausapin ang kambal pero walang gustong magsalita. "Ali look at me?" Matigas na tawag ni Althea kay Ali pero hindi niya siya tiningnan nito. "JJ, aren't you going to say something why Ali got into trouble?" pero nanatili ring tahimik si JJ.
"What? You're not going to talk about what happened? Gusto niyo ako pa ang magpa imbistiga ng puno't dulo ng ginawa mo Ali?" Seryoso ng tanong ni Althea at kita sa mukha niya ang galit.

"A-are we not allowed to keep secret?" Mahinang tanong ni Ali.

"Ano? Why do you have to keep secrets from us? We are your parents. You're supposed to tell us everything..." Mataas ng boses ni Althea.

"Love..." Mahinahon kong tawag at hawak sa kanya. Nakaupo rin ako sa tabi niya.

"Are we not allowed to have children talk, just between me and Ali?" Si JJ naman, dahil nga may adult talk kaya minsan hindi nila kami sinasali sa children talk daw nilang magkapatid.

"No. Not in this case." Sagot ni Althea. "Now tell me Ali why did you hit Calvin?" Tanong ni Althea. Nagdugo ang ilong ni Calvin sa lakas ng suntok ni Ali kaya nagkagulo sa school at dinala agad sa clinic ang bata. Nanatiling tahimik na nakatungo si Ali. "Ayaw niyong magsalita? Fine. Both of you are grounded and will not go to school until I say so." Galit na sabi ni Althea at biglang tumayo si JJ at lalakad na paalis "Get your ass back to your chair JJ!" Halos sigaw na tawag ni Althea kay JJ at nagulat kaming lahat lalo na ang mga bata.

"Althea!" Halos pasigaw ko ring tawag sa kanya. Nabigla sa kanyang ginawa ay humugot ng malalim na hininga bago ulit nagsalita si Althea.

"Please get back to your chair JJ. We're not done talking yet." Mababang boses na niyang sabi. Bumalik ng upo si JJ pero kita na ang namamasa niyang mga mata kahit hindi kami tinitingnan. Nanatiling nakayuko si Ali saglit lang na nagtaas ng tingin pero yumuko muli, siya rin ay namumula na ang mga mata.

"Please tell us why Ali, bakit mo sinaktan si Calvin?" Nakikiusap ng tanong ni Althea.

"Sorry, Mommy." Tanging sambit ni Ali. Mula pa kanina ay yon lang ng yon ang nasasabi ng kambal.

"Anak, we will not get mad just tell us..." pakiusap ko na rin, pero nanatiling nakayuko lang si Ali at nagsisimula ng umiyak.

"Son..." Tawag na ni Althea at akmang tatayo na ng nagsalita si JJ.

"Because of me..."

"What?" Tanong ni Althea at ganon din ang tanong sa isip ko.

"Anong ibig mong sabihin anak?" Tanong ko rin.

"A hit Calvin's face because of me...."

"J..." Tawag ni Ali na nag angat ng tingin sa kapatid. Nilingon lang siya ni JJ

"Sorry A..." Sagot lang niya saka tumingin sa amin ni Althea. "He keeps on talking about you Mama, Mommy. So I yelled at him and he got mad so he came to me but A hit him instead ." Sabi na ni JJ at nagulat ako. Kita rin ang pagkabigla ni Althea kaya hindi agad nakapagsalita.

Life With YouWhere stories live. Discover now