TWO: Contract

17.4K 557 17
                                    

Keziah's Pov

Nag lalakad ako sa kalye nung makita ko ang isang ginang.

She look sophisticated.

Yung suot nya magara na masasabi mo kaagad na mayaman sya.

Naka upo ito na tila hinang hina.

Walang tao na dumadaan sa mga oras na to.

Tanghaling tapat.

Agad kong nilapitan ang ginang.

Putlang putla ito.

Para bang wala sya sa sarili dahil nakatulala lang ito.

"Ma'am okay lang po ba kayo?" tanong ko.

Umiling iling sya.

"P-plese give me water. I n-need water" nanghihinang bigkas nito.

Agad kong kinuha ang wallet ko.

"Ugh 10 pesos nalang pera ko" bulong ko sa sarili ko.

Kapag iginastos ko to wala na talaga akong pera.

Napabuntong hininga ako.

"Dyan lang po kayo okay? Mag hahanap lang po akong tubig" sabi ko at agad tumakbo sa malapit na tindahan.

Mabuti nalang may tubig na tigsampu.

Agad akong bumalik sa kinaroroonan nung babae at iniabot sa kanya yung tubig.

Ipinagbukas ko pa sya ng bote kasi parang hindi nya kayang buksan ito.

Parang sobrang uhaw na uhaw sya

Naubos nya yung isang boteng tubig.

Ngumiti sya sa akin at hinawakan amg kamay ko.

"Thank you hija" sabi nito.

"Wala pong anuman" nakangiting sagot ko.

Napansin kong parang may binubunot sya sa bag nya.

Nagulat ako nung mag labas sya ng pera.

Siguro mga 10,000 yun.

"Ito tanggapin mo bilang pasasalamat ko" sabi nya at iniaabot sa akin ang pera.

"Hala. Nako wag na po ang pag tulong ko ay hindi nababayadan dahil kusang loob ko itong ginawa" bukal sa loob ko na sabihin yan.

Napansin ko ang paghanga sa expression ng mukha nya.

"Anong maitutulong ko sayo? Para makaganti ako sa kabutihang loob mo?" Tanong nito.

Bigla akong napaisip.

Kailangan ko ng pera pero nakakahiya namang tumanggap nun lalo na't tinanggihan ko na.

Tinignan ko ang kabuuan ng ginang na kaharap ko.

Alam ko na! Mukha naman syang mayaman.

Baka may business sya at pwede nya akong ipasok.

"Baka po may business kayo? Tulungan nyo naman po akong maka-hanap ng trabaho?" Kapal muks na sabi ko.

Wala ng hiya hiya to! Baka mamatay naman sa gutom ying pamilya ko

Napa ngiti sya na parang tuwang tuwa.

"Tamang tama. Kailangan ng secretary ng anak ko. Okay lang ba sayo maging secretary?" Masayang tanong nito.

Napangiti ako.

"Opo. Okay na okay!" Masayang sagot ko.

Okay na okay talaga! Secretary naman talaga trabaho ko eh.

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Where stories live. Discover now