TWENTYEIGHT: Lie

12.5K 417 26
                                    

Keziah's Pov

"Isang linggo nalang bago ang kasal mo Keziah, hindi ka pa ba uuwi sa inyo?" Tanong ni Sabrina.

Nakaupo sya sa tabi ko habang kumakain ng cake.

Nasa sofa kami ngayon at nanunuod ng kung anu ano.

2weeks ng palaging nandito si Sabrina at laging ganto ang ginagawa namin.

Nalaman kong Lolo's girl pala sya kaya inaraw araw na nya ang pag punta dito.

"Umuwi sa amin? Bakit?" Takang tanong ko na hindi man lang lumilingon sa kanya.

"Malamang, ayaw mo bang imbitahan ang magulang mo sa kasal mo?" Kunot noong tanong nito.

Napabuntong hininga ako.

Sa totoo lang gusto ko na talagang umuwi para sabihin sa kanila ang lahat kaya lang natatakot ko.

"Ang totoo nyan, kinakabahan kasi ako eh." Pag amin ko.

"Kinakabahan saan?" Kunot noong tanong nya.

"Baka kasi madisappoint sila sa ginawa ko, ni hindi man lang nila kilala ng personal ang mapapangasawa ko" malungkot kong sabi.

"So ano hahayaan mo nalang na hindi nila alam?" Pag uusisa nya.

Napabuntong hininga ako.

"May ilang araw pa naman ako para pag isipan kung ano ba ang gagawin ko" wika ko at ibinalik ang atensyon ko sa tv.

"Anong oras pala babalik sila papsy?" Rinig kong tanong ni Brina.

"Ewan ko, saglit lang daw sila may nilakad lang na papeles" sagot ko sa kanya.

"Hays. Nakakainis naman hindi ako sinama" nakasimangot na sabi ni Sabrina.

Napa iling nalang ako, para kasi syang bata.

Your all I ever need
Baby your amazing
Your my angel come and save me.

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.

"Hello my dear Keziah, its me Hanna" wika nung nasa kabilang linya.

Tsk ano na naman kayang sasabihin nito.

Hindi uli kami nakakapag usap dahil busy sya sa pag aasikaso ng venue ng kasal ko.

"Ohh bakit?" Bored na tanong ko.

"Pwede ba tayong mag kita? I have important matters to tell you" wika nya na alam ko nakangisi sya habang nag sasalita.

"About saan? Hindi ba pwedeng sabihin mo nalang sa phone?" Tanong ko.

"About your wedding and this is truly important so I can't tell you this over the phone" sagot nya.

Hindi ko alam kung bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko sa sasabihin nya.

"S-sige. San ba tayo mag kikita?" Tanong ko.

"Dito nalang sa Restaurant Del Valle" sagot nya.

"Okay wait me there" sabi ko at ibinaba ang cellphone.

"Sino yun?" Tanong ni Sabrina

"Si Hanna, may importante daw syang sasabihin" sagot ko.

"Ohh? Ano naman yun? Tsismis mo sakin pag uwi mo ha?" Parang curious na curious na sabi ni Sabrina.

Napangiti nalang ako.

"Oo naman." Sabi ko at nag paalam na mag bibihis muna ako.

"Gusto mo bang ihatid na kita?" Presenta ni Sabrina pag tapos kong mag ayos ng sarili.

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant