ThirtyFour: Her Contract

13.1K 391 10
                                    

Keziah's Pov

"What?! Si Stephen anak nyo ni Stephan?" Hindi makapaniwalang react ni Sabrina.

Pinuntahan nya ako sa office ko dahil hindi na daw kami nakakapag chikahan.

"Wag kang maingay Brina baka may makarinig sayo!" Pang sasaway ko.

"Bakit naman ayaw mong may makarinig na iba?" Takang tanong nya.

"Ayaw ko lang makarating kay Stephan na sya ang tunay na ama" sagot ko sa tanong nya.

Bahagyang kumunot ang noo nya.

"At bakit naman?" Tanong nya ulit

"Dahil natatakot ako ba baka agawin nya sa akin ang anak ko" sagot ko kay Brina.

"Hindi nya yan magagawa Ziah, I know him hindi nya gugustuhing makasakit ng iba" nakangiting wika nya.

"Kaya pala sinaktan nya ako dati" bitter na sabi ko.

Wait bakit ba ako nabi bitter?!

"It was his big mistake, kung alam mo lang ang pinag daanan nya nung nawala ka..."

"Let us all move on now Brina. Past is past" sabi ko at binigyan sya ng pilit na ngiti.

"Mabalik tayo sa anak nyo, kailan mo naman balak sabihin sa kanya na sya ang tunay na ama?" Pang uusisa ni Sabrina.

"Kapag nakaka sigurado na akong hindi nya ilalayo sa akin ang anak namin" mabilis na sagot ko.

"So totoo nga ako ang ama"

Napalingon ako sa pintuan ng office ko.

Seryosong nakatingin sa amin si Stephan.

"April fools?!" Alanganing ngiti habang sinasabi ko yan.

Shet. Para akong tanga.

Napakunot ng noo si Stephan.

"A-april fools?" Parang naguguluhan na ulit nya sa sinabi ko.

"April fools! Kalokohan lang lahat ng narinig mo..."

"I know na nandyan ka at dahil April 1 ngayon niloko kita" nakangiting explain ko.

Lying Level: Expert?!

"Okay then I believe in what you had said" nakangiting sabi nya.

Nakahinga ako ng maluwag.

"He-he buti naman!" Sabi ko sa kanya.

"April fools too!" Nakakalokong sabi nya.

Napakunot ako ng noo.

"H-huh?!" Naguguluhang sambit ko.

"I said april fools. It means I don't really believe in you" sabi nya at ngumiti sya ng ngiting aso.

Ang walanjong lalaking to.

Narinig ko ang malakas na pag tawa ni Sabrina.

"You know what guys, wag na kayong mag lokohan bagay pa naman kayo!" Sabi ni Brina habang tumatawa

"Ha.ha Funny?" Sarcastic na sabi ko.

"Easy lang Keziah. Look everytime na nag uusap tayo lagi nalang may nakikijoin so.."

"Wala akong ibang choice kundi iwan kayo dahil nag kukusa na akong mag adjust para sa inyo" sabi ni Sabrina at tumayo na.

"Until next time Ziah, I hope mag kaayos na kayo" pahabol na sabi nya bago tuluyang umalis

*kruu.kruu.kruu*

Okay walang makapag salita.

"So aaminin mo na ba sa akin ang totoo?" Seryosong tanong ni Stephan.

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon