FOUR: Agreement

14.6K 424 4
                                    

Keziah's Pov

Naka upo ako ngayon sa malambot na sofa ng condo unit nya.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan nito.

Halatang pang mayaman ang unit na ito dahil sa lobby palang may touch of gold na.

Maluwag ang loob ng condo nya.

Maaliwalas ang kulay.

Cream ang kulay ng kabuuan at yung kurtina na nasa paligid maroon.

Yung tinatapakan ko napaka lambot na carpet parang okay na ako matulog dito.

"Ang ganda naman dito" komento ko.

"Don't touch anything here is that clear?" Seryosong tanong nito na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

Abala ito sa kung ano man ang ginagawa nya.

Parang may tinatype ito sa laptop.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko

Tinignan nya ako ng masama.

"None of your business!" Sabi nya at tumayo ito at makalipas ang ilang minuto bumalik ito na may dalang papel

Iniabot nya sakin ang hawak nyang papel.

"Read this. That is our contract as husband and wife" seryosong utos nito.

Napabaling naman ako sa hawak ko.

Rules and Agreement

I (name) agreed to the said following conditions or agreement with Stephan Black

1. I should not talk to anybody about our status.

"Kahit sa family ko?" Tanong ko

"Yes! Anybody nga diba?" Sarcastic na sagot nya.

Napa irap nalang ako.

Kunsabagay hindi ko pa alam kung paano ko iexplain sa magulang ko ang nangyari.

2. I am working as his secretary in return he will pay me 20,000 a month.

"20,000?" Drop jaw na sambit ko.

Napansin kong napataas ang makakapal nyang kilay.

"Why? Does 20,000 is not enough?" Tanong nya

"No. I mean sobrang laki na nyan" komento ko.

"Tss too small" sabi nya lang.

Napailing nalang ako,

Kunsabagay mayaman kasi kaya ayan sa sobrang daming pera wala ng mapag lagyan.

3. I will not touch or hold anything in this house

"Psh. Ginto ba lahat ng gamit mo?" Pairap na tanong ko.

"Well you can touch the other things around my house but not all, especially things at my room!" Sabi nya.

"K. Fine!" Sagot ko nalang

4. Don't enter his room as long as he didn't say

"Tss di wag"

Ano bang tingin nya sa akin mag nanakaw?

5. Don't try to seduce or touch him.

"Wow lang huh! Anong akala mo rerapen kita?" Taas kilay kong tanong

"I don't know!" Prenteng sagot nya.

Hmpf! Pasalamat ka boss kita kung hindi naku natamaan kana sa akin.

6. You and I will act like we are the sweetest couple in front of my mother.

"So aarte pala tayo kapag nasa harap tayo ng mama mo?"

"Kung yan ang pag kakaintindi mo!" May halong pambabara na sabi nya.

Aba't tignan mo tong lalaking to >.<

Ugh sarap batukan!

Lastly

7. We stay husband and wife as long as my mother will be okay

"May sakit ba ang mama mo?" Tanong ko.

"Cancer" tipid na sagot nya

"What? she has a cancer?" Gulat na tanong ko.

Hindi halata. Kaya pala ganun sya. Tsk

"Stop asking! Pirmahan mo nalang yang papel!" Sabi nya sa akin at iniabot sa akin yung papel

Pinirmahan ko naman at nakita kong pumirma din sya sa isang kopya.

"So this is our official contract now. Kakasuhan ang lumabag" seryosong sabi nya

"What? Ang unfair naman nun wala akong panalo sayo!" Sabi ko.

"Tss I don't have any plan to dis obey this agreement" sabi nya at tumayo na.

"The left room will be your room!" Sabi nya at pumasok sya sa kwarto nya.

Hmp! Sungit! Pano ko naman pakikisamahan tong halimaw na toh :3

First day palang namin ganyan na ang pakikitungo nya sa akin

Pano pa kaya sa susunod na araw?

Baka mag pa annull na ako..

Kaya lang kapag ginawa ko naman yun makakasuhan ako..

Huhu wala akong panalo sa kanya..

Mayaman sya... He can pay all the judge~

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum