THIRTYONE: Party

12.8K 388 11
                                    

Keziah's Pov

"So kaya ka pala umalis para makipag kita sa asawa mo eh!" Pang aasar sa akin ni John.

Tss. Talagang sumama sya sa akin dito sa bahay para lang mang asar. --..--

"Lemme rephrase it. Dating Asawa!" Pang uulit ko sa nakakakilabot na binanggit nya.

"May bisa padin ang kasal nyo so he's still your husband" nakangising sabi nya.

"Umalis ka na nga dito!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Okay. Aalis ako if you will answer my question" makahulugan ang ngiting ipinukol nya sa akin.

"Ano naman yun?!" Taas kilay kong tanong.

"Did your heart... Beats so fast when you see him again?" Seryosong tanong nya.

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Hindi ka ba kinikilabutan sa tanong mo?! Wala akong naramdaman nung nag kita kami kaya umalis kana!" Pang tataboy ko sa kanya.

"Okay. Okay." Sabi nya at palabas na sana ng pintuan pero bumalik sya

"Pinapaabot nga pala ni Sabrina. Inaasahan ka nya bukas" sabi nya at tuluyan ng umalis.

Invitation?

Birthday pala ni Sabrina bukas?

Kailangan kong umaattend, namiss ko na din tong kaibigan kong to ehh.

.....

"Baby you stay here muna okay?" Kausap ko sa anak ko.

"Yes mommy" mabait namang sagot ng baby ko.

Iiwan ko muna sya sa restaurant na pinatayo ko.

"Lyn, ikaw muna bahala sa kanya okay? Dadaanan ko nalang sya mamaya" bilin ko sa secretary ko.

"Yes ma'am" magalang na sagot nya at umalis na ako para pumunta sa parlor.

Kailangan kong paghandaan ang muling pag kikita namin ni Sabrina.

.....

Kakaiba ang nararamdaman ko nung makatapak ako sa harapan ng bahay nila Sabrina.

Para bang kinakabahan ako na ewan.

Pumasok na ako sa loob at hindi ko ba malaman kung bakit lahat sila nakatingin sa akin.

Naka tube dress lang naman ako ng blue at nilugay ko lang ang buhok ko.

"Sino yan? Ang ganda naman nya" -g1

"Sht. Dude ang sexy!"- b1

"Ang ganda nya noh?!"-g

"May nanalo na. Uwian na"-g3

Ilan lang yan sa mga naririnig ko.

Dumiretso na ako sa loob kung nasaan si Sabrina.

" Ziah? Is that you?" Hindi makapaniwalang tanong nya pag pasok ko sa dressing room nya.

Kasalukuyan kasi syang inaayusan.

Ngumiti ako at nilapitan sya.

"Happy birthday Brina" bati ko at niyakap sya.

"Waaahh! Nakakainis ka! Bakit ngayon ka lang nag pakita?!" Mangiyak ngiyak na sabi nya at niyakap nya din ako ng mahigpit.

"Sorry, kailangan ko lang mag pakalayo layo nun eh" nahihiyang explain ko.

"Tsk. Madami kang utang na kwento sa akin ha. Umpisahan mo ng mag bayad ngayon" seryosong sabi nya.

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora