TWENTYTWO: BestfriendOrEx?

12.4K 343 6
                                    

Keziah's POV

"Good morning sir may nag hahanap po sa inyo" magalang na sabi ng katulong.

Kasalukuyan kaming nag kakape ni Stephan sa garden nila.

"Tell to that visitor that I will not going to entertain his or her, can't you see that my wife and I talking?" Masungit na sabi ni Stephan.

Ipinukpokpok ko sa noo nya yung hawak kung kutsara.

"Umagang umaga ang sungit mo" sabi ko sa kanya.

Bigla naman syang ngumiti sa akin.

"I'm so sorry I'm just enjoying our time together" nakangiting sabi nya.

Napangiti nalang din ako.

"Hay naku! Papasukin mo yung bisita manang at ako na ang kakausap" nakangiting sabi ni mom na kakarating lang sa garden.

Umupo sya sa tabi namin pag ka alis nung katulong.

"Good morning mga anak" masayang bati ng ginang.

"Good morning din po mom" nakangiting bati ko din samantalang tumango lang si Stephan.

"By the way may wedding planner na ba kayo?" Tanong ni mom

"Wala pa" maikling sagot ni Stephan.

"Ohh tamang tama may nacontact na akong wedding planner and I think darating sya ngayon" nakangiting sabi ng ginang.

"Ma'am, sir andito na po yung bisita nyo"

Napalingon ako sa bagong dating na babae na kasama nung katulong.

Ang ganda parang modelo.

Nakalugay ang mahabang buhok nya at napaka sosyal nyang tignan sa red dress nya.

"Hello po tita and Stephan" nakangiting bati nito.

Parang hindi maganda yung pakiramdam ko nung makita ko kung pano tignan nung babae si Stephan.

"Hanna?" Sambit ni Stephan na parang hindi makapaniwala.

"Oo Stephan ako nga" masayang sabi nito.

Para akong tinusok sa dibdib sa sumunod na pang yayari.

Tumayo kasi si Stephan at nilapitan ito sabay yakap.

Parang kanina lang sabi nya ayaw nyang maistorbo kami.

"Na miss kita ng sobra Stephan. Tapos mag papakasal kana hindi mo man lang ako inantay" nagtatampong wika ng babae.

Hellooww~ talagang dika na nya aantayin noh. Dumating na ako ehh.

"Tss ang tagal mo kasi eh" pag sakay sa biro ni Stephan.

Wow ahh. So kapag hindi sya nalate edi hindi nya ako mamahalin ngayon?

Ganun ba yun?!

"Kung nakakamatay lang ang titig kanina pa sila bumalagta ano anak?"

Napalingon ako kay mom na nakangiti ng nakakaloko sa akin.

Hindi ko alam na ansama na pala ng tingin ko sa kanila.

"Sino ba sya mom?" Tanong ko.

"Sya si Hanna Rodriguez ang childhood bestfriend ni Stephan." Sagot ni mom

Napansin kong papalapit na sila Stephan.

Nakaakbay si Stephan kay Hanna si Hanna naman nakakapit sa bewang ni Stephan.

Nakakainis ang sakit sa mata.

Pero easy lang Keziah, bestfriend lang naman sila ehh.

"So Hanna this is my wife Keziah" pag papakilala sa akin ni Stephan pag lapit nila.

"Ohh hi Keziah nice meeting you" nakangiting bati nito.

"Keziah this is my bestfriend Hanna" sabi naman sa akin ni Stephan.

"Anong bestfriend ex fiance mo kaya ako" nakapout na sabi ni Hanna.

"Tss you didn't accepted my proposal so you're not my ex fiance" nakangising sabi ni Stephan.

Ugh. Bakit parang wala lang sa kanila na pag usapan sa harap ko yung nakaraan nila.

"Mag si cr lang ako" paalam ko at umakyat ng kwarto namin ni Stephan.

Pagka pasok ko ay agad akong humiga sa kama.

Shez. Nanghihina yung tuhod ko. At pakiramdam ko nangingilid yung luha ko.

Nakakainis pala makita yung taong mahal mo na may nag papatawang iba.

Nakikita ko sa mga mata ni Stephan kung gaano sya kasaya ngayon.

Hindi ako ang dahilan nun kasi simula nung nag kasama kami minsan lang sya ngumiti ng bongga.

Ganun nalang ba yun?

Bumalik lang yung bestfriend na muntikan ng maging fiance nakalimutan na ako?!

Ni hindi nya nga yata napansin na sumama yung loob ko dahil sa pag yakap nya at pag uusap nila tungkol sa nakaraan nila ehh.

Nagtalukbong ako ng kumot nung bumukas ang pinto.

"Are you okay hon?" Rinig kong tanong ni Stephan na umupo sa tabi ko.

"I don't think so." Mahinang sagot ko.

"Why? May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong nito.

"Oo" yung puso ko. Emote ko sana kaya lang oo nalang sagot ko.

"Anong masakit sabihin ko sakin. Kausapin mo din ako ng maayos" seryosong sabi nya.

"Magiging okay din ako iwan mo muna ako" malamig kong sagot.

"Okay. Babalik na muna ako sa baba okay? Nakakahiya naman kay Hanna."

"And anyways sya pala ang wedding planner natin kaya bumaba kana din mamaya" sabi nya at umalis na.

Sheda! Ganun lang yun?! Talagang iniwan nya ako kahit alam nyang may masakit sa akin?!

Para lang kay Hanna iiwan nya ako?!

Ugh! Ang sakit ahh~

Baka mamaya nyan kasal na pala plinaplano nila?!

Waaahh! Hindi pwede to. Hindi pwedeng maagaw sa akin si Stephan.

Minsan na nga lang mag mahal masasaktan pa ba ulit ako?!

Agad akong bumangon at inayos ang sarili.

Mas maganda ako sa Hanna na yun >.<

Hindi nya maaring agawin sa akin si Stephan.

----****----

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Место, где живут истории. Откройте их для себя