TWELVE: His Other Side

14.1K 438 11
                                    

Keziah's Pov

"Hatid ko na po kayo sa kwarto nyo mom" presenta ko nung matapos kaming manuod.

"Thank you" sabi nya at umakyat na kami sa kwarto nya.

Pagkadating namin ay humiga na sya kaagad.

"Okay lang po ba kayo?" Tanong ko.

"Oo naman" nakangiting sagot nya.

Inayos ko yung kumot nya tsaka ako umalis pero bago pa man ako makahakbang ay hinawakan ni mom yung kamay ko.

"Keziah" tawag nya sa pangalan ko.

"May problema po ba mom?" Nag aalalang tanong ko.

Umiling sya at umupo tinap nya yung side nya at pinaupo ako.

"Alam kong hindi pa talaga kumakain ng okra si Stephan" seryosong sabi nya.

Napayuko ako dahil bigla akong nakaramdam ng hiya.

"But you know what amazed me?" Iniangat ko ang tingin ko nakangiti na sya.

Hindi ako sumagot inantay ko ang susunod nyang sasabihin.

"Yun ay nung hindi sya nagalit nung pinakain mo sya nung okra" natatawang sabi nya.

Napatawa din ako. Naiimagine ko yung mukha nya kanina habang kumakain ng okra.

"Siguro po ayaw nyang makita nyong nagagalit sya" sabi ko.

"Stephan is not like that. Ipinapakita nya ang nararamdaman nya kahit kanino"

Tama si mom.. Ilang beses ko na syang nakitang nagalit at kahit saan ipinapakita nya ito.

Pero imposible naman na ngayon magalit sya sa harap ng nanay nya diba?

"Pero iba po ngayon.." Pag kukumbinse ko.

"Alam mo ba nung last time na kumain si Stephan ng ayaw nyang pag kain? He was 10 years old that time..." Napansin kong napangiti ang ginang.

"Nag alburoto sya hindi sya tumigil hanggat hindi ko sinisesante yung maid na nag pakain sa kanya ng gulay" kwento nya.

Pfft. Kawawang katulong.

"My point here is, unti unti kong nakikitaan ng pag babago si Stephan at dahil yun sayo Keziah. Hindi na ako magugulat kung isang araw mahal nyo na ang isa't isa" nakangiting sabi nya.

"Malabo po sigurong mangyari yan,matigas po ang puso ni Stephan" sabi ko.

Siguro one sided love pwede pa pero kung pati sya mamahalin ako, that was too impossible.

"That was the common impression of my son but the truth is if you know him deeper he was different from what people see" sabi ng ginang.

Maybe? Mothers knows all.

"Sige na po mom matulog na po kayo, malalim na ang gabi" sabi ko.

Well dito kasi kami matutulog ni Stephan ngayon.

"Okay thanks for your time daughter-in-law." Sabi nya at bumeso sa akin.

"Thank you din po" sagot ko.

"By the way kung wala kang dalang pamalit binilhan na kita tignan mo nalang sa closet ni Stephan" sabi nya.

"Thank you ulit" sabi ko at pumunta na ako sa kwarto ni Stephan.

Wala pa sya dito. Buti naman.

Pumunta akong banyo para maligo. Sobrang lagkit ko na.

Matapos kong gawin lahat ng dapat gawin at tsaka ko lang naalala na hindi pala ako nakakuha ng pamalit.

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon