TWENTYFOUR: UnderTheRain

12.4K 349 11
                                    

HANNA'S POV

Alam kong pinapanuod kami ni Keziah mula sa labas ng kwarto kaya hinila ko palapit sa akin si Stephan.

Hindi ko naman ginustong halikan sya namiss ko lang sya ng sobra kaya sinadya ko narin to.

Ugh! Kaurat kasi ang tanga ko hindi ko tinanggap yung proposal nya dati.

Kailangan ko kasing unahin yung career ko kaya heto hindi kami nag katuluyan.

Pero sa tingin ko may pag asa pa naman ako tama ba?

Alam ko may pag asa pang bumalik sa akin si Stephan.

Sobrang mahal ko sya at tanging sya lamang ang lalaki na nais kong makasama sa buhay ko.

Wala akong pakialam kung maging kabet man ako ang mahalaga makasama ko sya.

Masama ba ako? Hindi naman diba?

Hindi naman siguro masama mag mahal.

Naramdaman ko ang pag tayo ni Stephan at mahinang pag mura nya.

"S-sorry hindi ko lang napigilan ang sarili ko" hindi ko napigilang sabihin.

"This is so wrong you shouldn't kiss me. I feel like I cheated" parang naiinis nyang sabi.

"Sorry namiss lang kita and I am serious when I told you that I still love you" deretsong sabi ko.

Bigla syang napahilot sa sintido nya.

"Forget your feelings about me. Im already married and I love her. You should move on now" seryosong sabi nya.

Parang nabiyak sa madami ang puso ko.

"No. Masyado ka lang siguro nasaktan nung iniwan kita kaya hindi mo makitang mahal mo pa ako" sabi ko sa kanya.

Hindi ako madaling sumuko at lahat ng gusto ko nakukuha ko kaya sorry nalang sayo Keziah...

Mapapasaakin ulit si Stephan.

"No. You're blinded with your love in me. What we had in past is just in past. I already have my present and also my future so you should forget about me" mahabang sabi nya at iniwan na ako.

Argh! Hindi pwede to.

Hanna Rodriguez? Mabibigo lang ng isang ordinaryong babae?

Gawd! Hindi pa nangyayari sa buhay ko to.

Humanda ka Stephan mapapasaakin ka ulit.

Third person's POV

Labis ang pag aalala ni Stephan nung mag hahating gabi na ay wala pa din si Keziah.

Kanina pa nya ito tinatawagan pero laging out of reach.

Tinawagan nya na din si Sabrina pero hindi nya daw ito kasama.

Naiinis sa sarili nya dahil alam nyang nag tatampo ito sa kanya.

Naiinis din sya sapagkat hinayaan nyang mahalikan sya ni Hanna.

Kung pwede lang nya burahin ang nguso nya ay ginawa na nya.

Nung hindi na nya matiis ay lumabas na sya ng bahay nila upang hanapin si Keziah.

Nakalabas na sya ng subdivision pero hindi nya parin nakikita ang kanyang asawa.

Naramdaman nya ang pag patak ng tubig sa katawan nya.

"D*mn bakit ngayon pa umulan" iritang sambit nya.

Kahit lumakas ang buhos ng ulan ay nag patuloy padin sya sa paghanap sa kanyang asawa.

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora