TWENTYTHREE: ThatKiss

12K 351 8
                                    

Keziah's Pov

"Ito maganda kulay pink ang motif" nakangiting suggest ni Hanna.

Napapikit ako upang pigilan ang sarili kong irapan sya.

Seriously?! Pink?! Anong tingin nya sa kasal ko binyag ng baby?!

"I think mas elegant tignan ang silver at white combination" sabi ko.

Napakunot sya ng noo.

"Masyado ng common yan so mas maganda kapag pink" sabi pa nya ulit.

"Its okay, mas maganda naman sa mata yung silver at white combination para sa wedding ko" sabi ko na pinigilang diinan ang word na WEDDING KO.

"Are you sure? kung ako sayo mag pi-pink ako" suggest nya pa din.

"Yan nalang gawin mong motif kapag kasal mo basta silver at white ang gusto ko at final na yan" matigas kong sabi.

Ngayon palang kami nakapag usap ng maayos dahil lagi silang dalawa ni Stephan ang mag kasama.

Nakakainis nga eh dikit ng dikit kay Stephan.

"Okay then silver and white ang motif" pairap nyang sabi.

"Good." Nakangisi kong sabi at kinuha ang brochure ng mga wedding dress.

"You know what hindi kayo bagay ni Stephan" rinig kong sabi ni Hanna.

"Kayo din" prenteng sagot ko at patuloy sa pag pili ng gown.

"Hindi ka naman nya talaga mahal ehh" rinig ko ulit na sabi nya at nararamdaman ko ang pag titig nya sa akin

"Ikaw lang nag iisip nyan kasi ikaw yung hindi nya mahal" chill padin na sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa brochure.

Anong akala nya sa akin? Mabilis maapektuhan sa mga sinasabi nya?

Muka palang nya hindi na katiwa tiwala yun pa kayang mga sasabihin nya? Tss

Iba nalang lokohin nya.

"I'm warning you Keziah I am his first love so madali lang sa akin na bawiin sya" nakangising sabi nya.

Ibinaba ko yung brochure na hawak ko at tinaasan ko sya ng kilay.

"True love will last. So kahit ikaw ang first love nya kapag may true love na wala ka ng babalikan pa.."

"At isa pa hindi ko man alam kung gaano ka nya kamahal sa nakaraan I am sure that he's already moved on kaya wag ka na umasa pa" seryosong sabi ko sa kanya.

Nagkamali sya ng kinalaban. Ako pa ba ang sisindakin nya?! Hello madami na akong napag daanan kaya hindi pwedeng api apihan lang ako.

Pinaningkitan nya ako ng mata.

"Wag kang pakampante masyado baka masaktan kana lang bigla." Sabi nya.

"Okay di antayin nalang natin kung sino pang masasaktan." Sabi ko at tumingin ulit ng gown.

Argh. Ka stress tong babaeng to.

"Hey girls" napalingon ako sa kakarating lang na si Stephan.

Una nitong nilapitan si Hanna at bumeso dito.

Napansin ko ang malawak na nakakaasar na ngiti ni Hanna.

Lumapit naman sa akin si Stephan at hinalikan ako sa noo.

"You look stress honey~" puna nya at umupo sa tabi ko.

Tss panong hindi mai stress may intrimidang pakialamerang asungot na wedding planner.

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Where stories live. Discover now