ThirtyFive: HangOut

12.8K 335 6
                                    

Keziah's Pov

"Are you excited to see daddy?" Tanong ko sa anak ko habang binibihisan sya.

"Super excited." Masayang sabi ng anak ko.

Nakiusap kasi si Stephan na ipasyal si Stephen so heto pumayag naman ako.

"Aren't you going to join us mom?" Tanong ng anak ko.

"I've already explained it to you anak, ako at ang papa mo ay hiwalay na" explain ko.

"What is hiwalay mama?" Inosenteng tanong nya.

"Hiwalay. Separated, it is similar to divorce" sagot ko.

"Ahh. Why you get separated?" Tanong nya ulit

"Because we realized that we don't love each other anymore" nakangiting sagot ko.

"I hope you and dad will realized that you got the wrong choice" nakangiting sabi ng anak ko

Napakunot ako ng noo. Ano bang pinag sasabi nito?

Ang matured mag isip.

*ding.dong*

"Ma'am andyan na po si sir Stephan" sabi ng katiwala namin.

"Yehey. Nandyan na si Daddy" excited na wika ng anak ko at patakbong lumabas ng kwarto.

Sumunod din ako sa anak ko at naabutan kong nakaupo si Stephan sa may sofa.

"Who's that mommy?" Mahinang tanong ng anak ko.

Natigilan kasi sya sa pag takbo at tinitigan si Hanna na nasa katabi ni Stephan.

Napansin yata ni Stephan na nakatingin kami sa kanila kaya agad itong tumayo at lumapit sa amin na ginaya din ni Hanna.

"Hi baby" nakangiting bati ni Hanna sa anak ko.

Tinignan lang sya ng anak ko at lumapit sa ama nya

"Daddy who is she?" Nakasimangot na tanong nito.

"Ohh, this is your tita Hanna my girlfriend" pakilala nito kay Stephen.

"I dont like her" pokerface na sabi ng anak ko.

Manang mana sa ama.

"Stephen!" Tawag ko sa pangalan ng anak ko sa tonong pag sasaway.

Tumingin sa akin ang anak ko kaya binigyan ko sya ng wag kang-ganyan-look.

Kaya yumuko ito at sumimangot.

"Keziah ano ka ba wag mo namang ganyanin ang anak mo, naiintindihan ko sya" wika ni Hanna with bait baitang tono.

Umupo ito na nakapantay ng anak ko at inayos ang buhok.

"Are you okay baby?" Tanong nito kay Stephen.

"I'm good but it would be nicer if you stop talking to me" masungit na sagot ng anak ko.

Thats my boy! :D

Nase sense siguro ng anak ko na masama ugali nitong babaeng to.

Pero hanga din ako kay Hanna, hindi nawawala yung ngiti sa mukha nya

"Are you excited to hang out with us now Stephen?" Tanong ni Stephan na halatang tinatanggal ang akwardness sa paligid.

"Yes po kanina, but I don't think that I am still excited its because tita Hanna will join us" prankang sabi ni Stephen.

"Stephen, that's bad. You shouldn't talk in that way" saway ko sa kanya

"Sorry mom" nakayukong wika ng anak ko.

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Where stories live. Discover now