TWENTY: Quality Time

14K 451 12
                                    

Keziah's Pov

"Kyaaahh! Really?!" Hindi makapaniwalang react ni Brina habang kwenikwento ko sa kanya yung nangyari.

Nakuha tuloy namin ang atensyon ng mga tao.

Kasalukuyan kasi kaming nasa mall at namimili ng damit.

Sahod ko kasi so ito gora din ako.

Nag peace sign si Brina sa mga tao at bumulong sa akin

"Sooo~ you are now my officially cousin-in-law" tuwang tuwang bulong nya.

Napapailing na lang ako.

Sa tuwing naaalala ko yung moment namin ni Stephan dun sa Pampanga...

Pakiramdam ko lumilipad ako dahil sa sobrang saya ^____^

"Kinikilig ako para sayo Ziah~ mabuti ka pa okay na lovelife mo" sabi nya at biglang sumimangot.

"Bakit hindi pa ba kayo okay nung ex mo?" Tanong ko

"Aish~ ewan ko ba dun iniiwasan nya ako ang lungkot tuloy ng valentines ko" naka pout na sabi nya.

Tinap ko ang shoulder nya at nginitian sya.

"Okay lang yan~ God has always a purpose" sabi ko

"Yeah I know that. So asan na pala yung asawa mo?" Pag iiba nya ng topic.

Napabuntong hininga naman ako.

Paggising ko kasi kanina wala na sya sa bahay at wala din sya sa office dahil may business meeting sya sa di ko alam kung saang lupalop ng Pilipinas.

"Tsk. Ayun busy sa work" malungkot kong sabi.

Pakiramdam ko kasi mahirap syang mag karoon ng oras sa akin dahil na din sa isa syang sikat na business man.

"Its okay Ziah, para din naman yun sa future nyo eh" pam palubag loob na sabi ni Brina.

"Gusto ko lang naman kasi yung makasama ko sya kahit minsan na gumala eh hindi yung puro sa office at sa bahay lang" pang hihimutok ko.

"Don't worry magagawa nyo din yan" sabi nya. "Tara na nga kain muna tayo" yaya nya sabay hila sa akin sa isang restaurant.

Umorder na sya ng makakain namin, dahil libre sinulit ko na at umorder ako ng masasarap

Nakaupo lang ako habang inaantay syang bumalik.

Nasa labas kasi sya ng restaurant may kausap sa phone.

"Hey Ziah I'm so sorry I have an urgent client okay lang ba kung maiwan muna kita?" Tila nahihiyang paalam ni Brina pag balik nya.

Nginitian ko sya.

"Oo naman kaya ko na sarili ko" sabi ko sa kanya.

Tinignan nya ako na parang nag aalangan.

"You sure? Okay ka lang ba talaga dito?" Tanong nya.

"Tsk. Oo naman ano ka ba sige na go na baka mainip yung client mo" pag tataboy ko sa kanya.

"Orayt. Im so sorry talaga. Babawi ako next time" sabi nya at bumeso muna sa akin bago umalis.

Haist. Family Black. Ang pamilyang puro business ang inatupag -.-

Kawawa naman ako mag isa kong kakainin tong sandamakmak na pagkain na inorder namin -.-

Tumayo ako para mag cr at sa di inaasahan aksidenteng nabangga ko ang isang lalaki na may dalang tray ng pag kain.

Tumapon sa suot nya yung mga pagkain.

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ