ThirtyThree: DinnerMeeting

13.3K 410 23
                                    

Keziah's Pov

"John!!! Anong nang gagawin ko?!" Pag aatungal ko.

Nasa bahay kami ngayon at sa awa ng Diyos nakalabas na ang baby ko.

"Edi hayaan mo syang kunin si Stephen para walang problema" prenteng sagot nya.

*pak* binatukan ko sya.

"Aray naman!" Sabi nya at kumamot sa ulo.

"Tanga ka ba?! Hayaang makuha si Stephen?! Hindi ko inalagaan ang anak ko para ipamigay lang ng ganun ganun" inis na sabi ko.

"Bakit ayaw nyo nalang mag sama para wala ka ng problema" sabi nya.

Tinaasan ko sya ng kilay at tinignan sya ng anong pinagsasabi mo look.

"Kami mag sasama? Hindi pa ako nahihibang para makipag balikan sa kanya." Seryosong sabi ko sa kanya.

"Hindi pa ako tapos mag salita ang gusto kong sabihin is..."

"Bakit ayaw nyo nalang mag sama na mag alaga sa bata? Yung parehas kayong mag aalaga para walang away." Nakangiting sabi nya.

"Niloloko mo ba ako ha?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Hindi. Ikaw lang nag isip na man loloko ako kaya nga hanggang kaibigan lang tayo eh" pag bibiro ni John habang nakapout pa.

Napaka husay talaga umarte -.-

"Tigilan mo ako ha. Ikakasal ka na lahat lahat humuhugot ka padin dyan" sabi ko sa kanya.

Ngumiti sya at inakbayan ako.

"Gusto lang kitang pangitiin, relax ka lang sigurado akong hindi magagawa ni Stephan na kunin sayo ang bata" sabi nya.

Alam kong pinipilit nya akong pakalmahin.

"Sana nga. Natatakot ako na baka kapag nakuha nya ang custody ni Stephen ay ilayo na nya sakin to" worried na sabi ko.

"Stop being anxious Keziah, relax ka lang lahat ng problema may solusyon." Nakangiting wika ni John at umupo ulit sa may sofa.

"Anong gagawin ko? Tatawagan ko na ang attorney ko? Mag papakalayo na ba kami ni Stephen?" Natatarantang tanong ko.

"Don't do that Keziah. Wag mong takasan ang problema mo..."

"Pero naisip ko bakit nga ba ayaw mong makasama ni Stephen ang tatay nya?..."

"Hindi ka ba masaya na makitang masaya ang anak mo?" Parang nango kunsensya na sabi ni John.

Napabuntong hininga ako.

"Stop being selfish Keziah, kung ano man ang nangyari sa nakaraan sana wag mo ng idamay pa ang anak nyo dito" patuloy na pangokunsensya nya.

"Wag mo kong pakialamanan John, alam ko kung anong ginagawa ko at anong ikabubuti para sa anak ko" iritang sabi ko.

"Ikabubuti ng anak mo? O ikaw? Keziah hindi kita pinakiki alamanan gusto ko lang tulungan ang anak mo..."

"Gusto mo bang lumaki sya na hindi alam ang pakiramdam ng may ama?!" Seryosong sabi ni John.

"Please umuwi kana John, gusto ko ng mag pahinga" pag tataboy ko para hindi na humaba pa ang usapan namin

Tumayo sya at napa buntong hininga.

"Sana maisip mo kung anong tama Ziah" sabi nya at umalis na ng bahay.

Hays. Kaurat.

......

"Lyn may mahalaga ba akong appointment ngayon?" Tanong ko sa secretary ko.

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Where stories live. Discover now