FOURTEEN: Her Feelings

13.9K 425 7
                                    

Keziah's Pov

"Sir coffee for you"

Muntikan na akong tumambling sa kalandiang taglay nitong Jannang to.

Kasalukuyan kong pinag aaralan ang financial report ng buong month.

Sinulyapan ko kung inabot ni Stephan yung coffee sosyal starbucks pa.

Tumingin sya sa akin kaya napa iwas ako ng tingin.

Dalawang araw ko na syang iniiwasan.

Hindi ko kasi alam kung anong reaction nya dun sa ginawa ko sobrang nahihiya ako.

Feeling ko tuloy para akong teen ager na first time makausap yung crush ko.

"No thanks I'm not drinking coffee" malamig na sabi ni Stephan.

Bigla akong napa tawa ng mahina dahil sa tugon ni Stephan.

Tumingin ako kay Janna nakatingin sya sa akin ng masama.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngisi sa labi ko.

Ngumiti sya sa akin ng malambing at lumapit sya sa akin.

"Sayo nalang to Keziah" sabi nya at iniabot sa akin.

Sinadya nya yatang tanggalin na yung takip at lakasan ang pag abot natapunan tuloy ako sa damit.

"Shezz!" Inis na react ko.

"Ohh sorry I didn't meant it!" Kunwaring concern na sabi nya.

Pumikit ako para kalmahin ang sarili ko.

"Okay lang. Painom ako ha" nakangiting sabi ko.

Kinuha ko yung kape sa kamay nya at ininom ito.

Pagka lagok ko sa kape ay ibinuga ko ito sa mukha nya.

"Aisshh! Ang pangit naman ng lasa nyan sayo nalang ulit!" Sabi ko at iniabot sa kanya yung kape.

Tinignan nya ako ng masama

"How dare you!" Sabi nya at akmang sasampalin ako pero alert ako kaya nahawakan ko yung kamay nya.

"Chill out girl. I also didn't mean it." Nakangising sabi ko.

"Ugh! Damn you bitch!" Inis na sabi nya at nag walk out.

Photek! Ang lagkit ko na.

Napalingon ako kay Stephan hindi ko naisip na nanunuod pala sya sa amin.

Nakangisi ito.

"I didn't expect that you are meaner than her" komento nya na parang kilala ang ugali ni Janna.

"Tsk of course I'm so powerful!" Nakangising sabi ko sa kanya.

"Now, clean up the mess you made" sabi nya at tinuro yung sahig na natapunan ng coffee.

Argh! Dapat yung Janna na yun yung mag linis dito ehh.

Kasalanan kasi ng kape nya.

"I'll be back mag bibihis lang ako" sabi ko at pumunta sa cr.

Mabuti nalang may extra shirt ako.

Matapos kong mag bihis ay bumalik na ako sa office ni Stephan.

Pero bago pa man ako makabalik nakasalubong ko si ma'am Brina.

Sobrang ganda nya talaga at ang sophisticated.

"Hello Keziah" nakangiting bati nito sa akin.

"Hello din po ma'am" bati ko

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora