TWENTYONE: Forevermore

12.7K 388 12
                                    

Keziah's Pov

"Ang gwapo naman nyan" kinikilig na wika ng katabi kong babae habang nakatingin sa asawa ko.

Nasa stage si Stephan habang pumipili ng kanta.

"Pustahan tayo mapapasa akin yan" kapalmuks namang sabi ng kausap nya.

Excuse me?! Andito yung asawa ohh.

Biglang dumagsa ang nag lalandiang babae nung hawak na ni Stephan yung microphone.

Umupo sya dun sa upuan sa harap at tumingin sa akin.

Parang gusto kong mag lupasay sa kilig nung ngumiti sya sa akin.

"Kyaahh nginitian nya ako" assuming na tili ng katabi ko.

"Ako kaya yung nginitian" isa pa ding assuming.

There are times
That I just want to look at your face
In the stars at the night

There are times
That I just want to feel your embrace
In the cold night.

Hindi ako makapaniwala. Ang ganda ng boses nya.

Kung gaano sya kalamig mag salita ganun din kalamig yung boses nya kapag kumanta.

Iba't ibang expression ang mukha ng mga taong nakikinig sa kanya, pero isa lang ang nangingibabaw....

Ang kilig at ngiti sa mukha nila.

Nakaka proud gusto kong sumigaw na ASAWA KO YAN.

I just can't believe that you are mine now

You were just the dream
That I once knew
I never thought
I will be right for you
I just can't compare you with
Anything in this world

Your all I need to be with

Forevermore...

Buong kanta nakatingin lang sya sa mga mata ko.

Parang sinabi nyang yung message ng kanta yun yung gusto nyang sabihin sa akin.

"I just wanted to take this chance.." Nakuha nya ang atensyon ng mga tao nung mag salita sya.

Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Keziah my lovely wife"
Napasinghap ang mga assuming na babae.

"Takte may asawa na sya?" -g1

"Aish. Okay lang maging kabet" -g2

"Waah! Minsan na nga lang makita si forever may iba na pala"-g3

Yan lang ang ilan sa mga side comment ng mga kababaihan sa paligid.

Napansin kong lumuhod si Stephan sa harap ko at may kinuha sa bulsa nya.

" I know hindi ito yung ideal mo na pag papakasal so I would like to use this chance..."

Nilabas nya mula sa bulsa nya ang isang box na may lamang singsing.

Simple lang ang design nito may diamond sa gitna pero napaka elegante.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

Namalayan ko nalang ang pagtulo ng luha ko.

Tears of Joy.

"Keziah Salvador Black will you marry me again and this time planado na" nakangiting wika nya habang nakaluhod sya

Hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang saya.

Hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng luha ko sa lubos na kagalakan

Isa to sa pangarap ko ang pakasalan ang taong tunay na mahal ko at mahal ako.

Tumango ako bilang tugon

"Can you please say Yes for assurance?"

"Yes I will marry you again!" Masayang sabi ko

Biglang tumayo si Stephan at isinuot sa akin yung singsing.

"Thank you for making me the happiest man alive Keziah. I love you and I wont let anybody steal you" seryosong sabi ni Stephan.

Nakikita ko sa mata nya ang saya.

Niyakap nya ako bigla at hinalikan sa noo.

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin.

"Tara na kakausapin natin si mama" yaya nya at hinila na ako palabas ng mall.

Buong biyahe hawak nya lang ang kamay ko.

Hindi mapalis ang ngiti ko dahil sa kanya.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na din kami sa bahay nila.

"Wow. What a lovely surprise. Mabuti naman at dumalaw kayo" bati sa amin ni mom at bumeso sa amin ni Stephan.

"Tss. I know you'll be more happy if I tell you my another surprise" sabi ni Stephan sa mama nya.

Nanlaki ang mata ng mama nya.

"Mag kaka apo na ako?" Excited na hula nya.

"No. We are planning to get married again this time planado na" sabi ni Stephan na ikinangiti ng ginang.

"Sabi na ehh yan ang gagawin nyo ehh. Gosh excited na ako para sa inyo" tuwang tuwang wika ng ginang at niyakap pa ako.

"Masaya ako na ikaw ang napangsawa ng anak ko dahil alam kong napakabuti mong tao anak" nakangiting wika ng ginang.

"Masaya din po akong masaya kayo mom" sabi ko.

"Ma'am oras na po ng pahinga nyo" wika ng private nurse kay mom.

"Okay. Ohh bukas nyo nalang planuhin ang kasal nyo mag pahinga na din muna kayo" sabi ng ginang at iniwan na kami.

Bigla kong naramdaman ang pag hawak ni Stephan sa kamay ko.

Kaya napalingon ako sa kanya.

Nakangiti sya habang nakatingin sa akin.

"I can't wait to be your husband, officially" sabi nya at hinagkan ako sa noo.

Napangiti nalang ako at niyakap sya.

Hindi na din ako makapag antay na malaman ng lahat na ako ang asawa nya.

Yung tipong kaya ko ng ipag sigawan na asawa ko sya ^.^

---****---

Authors Note:

Sorry for this nonsense update medyo madami lang akong iniintindi 😖😂 haha

Babawi ako sa next update medyo busy pa ako ngayon ehh

Love you guys 😘

PS:

Thank you for reading and voting my story

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Where stories live. Discover now