SIX: Small Talk

14.1K 457 3
                                    

Keziah's Pov

"She was so nervous thats why she's out of concious." Dinig ko sa boses ng isang lalaki.

"Does her wound will not affect her brain?" Tanong ng isang malamig na boses.

Of course it was Stephan.

He is the only man I know that having the coldest voice.

"No. Hindi naman grabe ang pag kakabato sa kanya so don't worry too much" sagot nung kausap nya.

Maybe a doctor.

Idinilat ko ang mga mata ko.

Puro puti ang nakikita ko.

Ugh! Hospital.

Nakita ko si Stephan na nakatayo sa may paanan ko kausap yung doctor.

Napalingon sa akin yung Doctor.

Lumapit ito at chineck ako.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Do you feel any pain in your body?" Tanong sa akin ni Doc.

Umiling ako. Feeling ko kasi nanghihina padin ako.

"That's good. Iiwan na muna kita" sabi nito at nag paalam din kay Stephan.

Lumapit sa akin si Stephan habang nakapamulsa.

Napansin kong iba na yung suot nya.

Ako ganun padin. Tsk ang lagkit ko.

"Do you really feel alright?" Tanong nya.

Ewan ko kung concern ba sya? Hindi mo kasi mababakasan ng kahit anong emosyon ang boses nya ehh.

"Oo. Thank you" nakangiting sabi ko.

Kumunot ang noo nya.

"Thank you for what?" Tanong nya.

Tss kunwari pa tong asawa ko :D

Concern din pala.

"Kasi concern ka pala sa akin. Alam ko ikaw yung nagbuhat sa akin nung nawalan ako ng malay." Nakangiting sabi ko.

Napa smirk sya.

Ang gwapo. Lalo na siguro kung ngiti na ang ginawa nya.

"I done that because I don't want to dissapoint my mother.."

"Besides you got hurt in front of my building so it was my obligation to do it" cold na sabi nya.

Biglang bumagsak ang magandang imagination ko.

Akala ko ginawa nya yun kasi concern sya sa akin.

Tss bakit ko nga pala aasahan na magiging concern ang lalaking kagaya nya.

Its Stephan Black. The Heartless man in town.

"The more you assumed the more you hurt" narinig kong sabi nya.

Tama sya. Haha bakit nga ba ako nag assumed?

At bakit ba ako nakakaramdam ng ganito?

Mag asawa kami. Sa papel lang.

Hindi ko dapat inaasahang ituturing nya akong asawa.

Dahil aksidente lang naman ang pagiging mag asawa namin.

"Pwede na ba akong ma discharge?" Tanong ko sa kanya

"Ewan ko. Why don't you ask the doctor instead of me?" Iritadong sabi nya.

"Tss nag tatanong lang" pabulong na sagot ko.

Sabay kaming napalingon sa bumukas na pinto.

Si dok pala.

"Heto na ang gamot. This is for pain reliever and this for anti infection..."

Iniabot nya sa akin ang dalawang banig na gamot.

"3 times a day mo yang iinumin. Okay?" Bilin ni dok.

"Okay po. Ahm dok pwede na po ba akong lumabas ngayon?" Tanong ko.

"Oo naman. Pwedeng pwede na basta pag umuwi ka just take a rest." Bilin nya at umalis na.

Yess! Sa wakas makakauwi na ako.

Ugh! Wala pa pala akong pera pang bayad ng hospital bill.

Tumingin ako kay Stephan na nakapamulsa.

"Stephan" mahinang tawag ko sa kanya.

Iritadong tumingin sya sa akin.

"What?!" Tanong nya

"Uhmm. Pwede bang umutang muna para sa hospital bill?" Alanganing tanong ko.

Bumuntong hininga ito.

"The hospital bill will charged to the company so don't worry about it" sagot nya.

Bigla akong napangiti. Mabuti naman.

"Tss I'll go ahead I have many works to do. At na delay yun dahil sayo" Sabi nya na parang naninisi pa.

"Teka lang sino mag hahatid sa akin pauwi?" Tanong ko.

"I don't know. Go with yourself." Bored na sabi nya at tuluyan ng lumabas ng hospital room.

What the?!

Agad akong tumayo at hinabol sya.

"Oyy teka lang hatid mo naman ako!" Pasigaw na sabi ko.

Wala naman masyadong tao sa hallway.

Tumigil sya at madilim na mukha ang isinalubong nya sa akin.

"What are you doing?!" Naiinis na sabi nya.

"Tsk hindi mo lang ba ihahatid ang asawa mo?" Paawa effect na tanong ko.

"No!" Malamig na sagot nya at tinalikuran na nya ako.

"A-aahh!" Napahawak ako sa noo ko.

Agghh. Kailangan kong gamitin ang pagiging myembro ko ng drama club nung high school.

"Tss you look stupid!" Iritang sabi nya at kinaladkad ako.

"S-san mo ako dadalhin?!" Tanong ko.

"Home!" Iritadong sagot nya.

Napangiti ako. Orayt!

Nakarating kami sa parking lot ng hospital at ipinagbukas nya ako ng pintuan ng kotse nya.

Matutuwa na sana ako kung hindi nya lang ako tinulak papasok.

"Aray ko naman!" React ko tumingin sya ng masama kaya di na lang ako umimik.

Baka kasi iwan nya ako bigla dito ehh.

Makalipas ang ilang minuto nakarating na kami sa unit nya.

"Thanks!" Nakangiting sabi.

Napansin kong umirap sya.

"Ipagluluto ba kita ng makakain mo?" Tanong ko.

"No. Just get rest!" Sabi nya nag kibit balikat nalang ako at bumaba sa kotse nya.

"Ingat!" Sabi ko pero hindi nya ako pinansin at pinaharurot ang kotse.

Aish! Yung lalaking yun.

Alam ko may puso din yun.

Antayin mo lang Stephan ako ang magiging dahilan ng pag babago mo. ^.^

Accidentally Married to my Boss [Under Revision]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum