Chapter 1

111 10 2
                                    

Isang nakakasilaw na umaga ang gumising kay Illeo Neil Alminarez.Napatakip sya ng mata at pilit na tinayo ang sarili paalis ng kama.Ramdam nya ang sakit ng ulo dahil sa kakulangan ng tulog.Kinailangan nya kasing mag-paumaga para gawin ang kanyang tambak na trabaho.Matapos maayos ang sarili ay agad syang nagtungo sa kusina.Hindi nya mapigilang mainis dahil sa ingay na kanyang narinig."Wah!Ang gwapo talaga nya.Tingnan mo yung pag-ngiti ni Yurres Sandoval,makalaglag panty!"hiyaw ng katulong nya na si Yuna.Napahilot si Neil ng sentido,dahil sa walang tigil na hiyawan ng kanyang mga katulong."Ahh!Kaya nga,ang gwapo nya.Bagay talaga sila ni Aeona Aguilar,na ka love team nya sa 'Till We Meet Again',"Tumatalon na sabi ni Senya,isa rin sa katulong.Hindi mapigilan ng mga katulong ang kilig habang nanunuod ng,"Till We Me Again,"sa kusina.Kunot nuong patuloy na pinanuod ni Neil ang mga katulong.Nakatalikod sila sa kanya kaya di nila napansin ang pagdating ng amo." Alam nyu.Mas gwapo si sir Neil kay Yurres,diba?" sabay -sabay silang nagtilian. Lihim na napangiti ang amo sa narinig.Nawala na sa isip nya na pagalitan sila.Napasulyap ang amo sa bidang babae.Bigla syang napatulala sa ngiti at ganda ng aktres.Natauhan lamang si Neil ng maalalang kailangan nyang magmadali.





Ilang ulit nyang nilipat ang page na binabasa.Halata ang stress sa muka ni Neil.Marami pa syang kailangang gawin para sa isang presentation.Naantala ang kanyang ginagawa nang may tumawag sa kanyang phone."Hello,Illeo Neil Alminarez speaking,"pilit nyang ginawang pormal ang boses kahit na ramdam nya ang pagod."Hello bro!(Yah,one more shot guys, let's get this party rocken.Wohh!)This is Blake.Wanna join us tonight ?"Nalayo nya ang phone sa tenga ng marinig ang ingay sa kabilang linya."Can you please get out in the bar,before talking to me,"inis na sabi ni Neil sa kausap.Tumaas ang kilay nya ng marinig ang tumatawang kaibigan."Taray!May menstrual cycle kaba ngayon?I'm out,back on what I'm saying. Are you coming?"walang tigil pa rin ang tawa ni Blake habang nagyaya na sumama sa kanila.
"Pass mo na ako.I need to finish the presentation for our investors. They will come tomorrow."
"Are you serious man? Ang isang Illeo Neil Alminarez.One of the hottest and richest bachelor in town,ay gumagawa ng isang presentation?Oww come on!Pwede mo namang ipagawa yan sa mga employee or secretary mo,"Napabuntong hininga si Neil ng marinig ang pangungulit ni Blake."This is important bro.Hindi ko pwedeng iasa ito sa iba.The investors are different, they are
strict and meticulous.I really need their investment for my company,"napamura ang kanyang kausap sa kabilang linya."Certified worka- hollic.Maybe next time,"napangiti si Neil ng marinig ang pagsuko ng kaibigan."Sorry Blake.Bawi na lang ako next time,bye,"Binaba nya ang kanyang phone at muling hinarap ang kanyang trabaho.




Hating gabi ng matapos ni Neil ang kanyang trabaho.Panatag sya dahil alam nyang 2 pm pa ang meeting nya bukas.Sapat na ang mga natitirang oras para makabawi ng tulog.Pilit nyang iminulat ang mata habang nagmamaneho pauwi.Ilang saglit lang ay tuluyan syang sinakop ng antok.Samantala,isang kotse ang kasalubong nya.Mabilis ang takbo nito,ilang ulit na bumusina ang nasabing kotse.Imunulat nya ang kanyang mata ng marinig ng busina,ngunit huli na ang lahat.Namalayan na lang nya ang malakas na hampas ng sasakyan sa sarili nyang sasakyan.Nanlalabo ang paningin nya,pilit nyang iminulat ang mga mata.Ramdam nya ang mainit na likidong tumutulo sa kanyang ulo.Nais nyang igalaw ang katawan ngunit wala syang lakas.Nakarinig sya ng malakas na pintig ng puso.Alam nyang sa kanya nanggagaling ang nasabing tibok ng puso.Unti-unting humina ang pintig ng kanyang puso kasabay ng dahan-dahang pagpikit ng kanyang mata.Bago tuluyang maipikit ang mata ay naaninag nya ang isang lalake na papalapit sa kanya,malabo ang muka nito.Binuksan nya ang pinto at hinaplos ang pisngi ni Neil.Mayamaya ay tuluyan syang nawalan ng ulirat.

Transfer Souls [Completed Story ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon