Chapter 12

43 5 0
                                    

"I'm not practicing my lines in the script.Simula ng magtagpo ang landas natin nagustohan na kita.Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sayo dati.Naiinis ako pag nilalandi ka ng James na yun.Natutuwa ako pag naaasar ka sa akin at nakukuha ko ng atensyon mo.Natataranta ako sa pag-aala sayo.Kulang nalang minuminuto dapat makita kita para masiguro na ayos ka lang."Sa luob-luob ni Aeona natatawa sya pag naaalala ang pagkaasar ni Neil kay James.Di nya mapigilang mapangiti ng malaman na nagseselos pala ang binata sa katrabaho na artista."Wag mo nga ako ngitian,baka di ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan kita."May nakakalukong ngiti ang sumilay sa labi ng binata.Nanlaki naman ang mata ni Aeona sa narinig.






"Ang cute mo talaga!Kinilig ka naman."Natatawang sabi ni Neil.Pinisil nya ang pisngi ng dalaga at pinanggigilan."Nani?(What?)Stop it Neil,aray!"Napanguso ang dalaga dahil sa pang-aasar ng binta."Alam ko na ang sagot sa mga tanong ko.Nalinawan ako sa nararamdaman ko sayo nung makita ko na nabitawan ka ni Michael.Na-realized ko na mahal na pala kita,di ko namalayan na nahulog na ako. Hindi ko kayang makita na masaktan ka at mawala sa buhay ko.Galit ako sa sarili ko, kasi di kita natulungan ng nasa bingit ka ng kamatayan.Liligawan kita,pumayag ka man o hindi."Nadala na sana si Aeona sa kalandian ni Neil.Kulang nalang di sya gumalaw sa pagtingin ng mga mata ng binata na napakaraming damdamin ang pinapakita sa kanya.Pero natawa sya,dahil isang tilamsik ng alon ang nakabasa sa muka ng binata.Humampas kasi sa dalampasigan ang isang malakas na alon.






"Aeona naman!Seryuso ako dito."Nakasimangot na sabi ni Neil."Sorry ..... Haha.. Haha... Kasi eh,ano..."Umayos ng upo si Aeona at nagpipigil ng tawa na nakatingin kay Neil,ang binata naman ay masama ang titig sa dalaga."Alam mo ba na halos lumabas ang puso ko sa kaba habang nagtatapat sayo?Tapos tinatawanan mo lang ako.Kainis na humor yan,umuwi na nga tayo!"Inis na sabi ni Neil na mabilis tumayo at naglakad papalayo sa dalaga.Hinabol naman sya ni Aeona.Wala pa ring tigil sa pagtawa ang artista."Ang cute naman ni Neil."Sa isip-isip na sabi ni Aeona.








Transfer Souls [Completed Story ] Where stories live. Discover now