Chapter 14

31 6 0
                                    

Mahimbing na natutulog ang lahat sa tahimik na gabi.Pero si Aeona ay umiiyak sa kanyang kwarto,habang naaalala ang nangyari sa kanila ng mga matalik na kaibigan.

"Ganyan ka pala kalandi  Aeona na nagawa mong tuhugin ang magpinsan?!"

"Anong mali?Yung mali ay ang ginagawa mo Sis!Pinapaasa mo yung isa habang sinasaktan naman ang pangalawa.You're so desperate,bitch!"


Paulit-ulit na naaalala ng dalaga ang mga sinabi ni Hyena.Bawat salita ng itinuturing na kapatid ay parang kutsilyo na tumatarak sa puso ng dalaga."Sa lahat ng tao,sya pa talaga ang humusga sa akin na parang di nya kilala ang buo kong pagkatao!"Sa isip-isip na sabi ni Aeona,di sya makapaniwala na ganun na lang kung magsalita ang kaibigan sa kanya.Pero alam nya kung bakit naging ganun umasta ang matalik na kaibigan.




Saksi sya kung pano gumuho ang buhay ni Hyena ng magkahiwalay sila ni Yurres.Matalik nyang kaibigan ang dalawa kaya hindi nya alam kong sino ang papanigan.Araw-araw na naglalasing ang dalaga,nakikipaglandian sa iba't-ibang lalaki.Di na makakain at naglulumpasay sa kakaiyak sa kanya tuwing gabi.Hindi maatim ni Aeona na makitang nagdudusa ang kaibigan.Samantalang si Yurres naman ay pumunta ng ibang bansa,hindi nya pinaalam sa lahat kung saang bansa sya pumunta kaya hindi sya nahanap ng aktres.




Kahit kailan ay di nya iniwan ang matalik na kaibigan habang may pinagdadaanan.Maging si Aeona ay nagalit sa kaibigan na si Yurres dahil nagawa nyang iwan nalang ng ganun-ganun si Hyena.Kaya kahit masakit ang mga pinagsasabi sa kanya ni Hyena,di nya magawang magalit sa matalik na kaibigan.Masakit lang talaga para sa aktres na makarinig ng mga hindi inaasahang mga salita sa kaibigan.Para na kasing kapatid ang turing nya sa babae.




Sa kabilang banda,si Hyena naman ay umiiyak din sa kanyang kwarto.Di nya sinasadya na sabihan ng masakit na mga salita ang matalik na kaibigan na si Aeona.Nasabi nya lang yun dahil ng marinig nya ang pag-uusap nila ni Yurres,pakiramdam nya tinraydor sya ng pinaka pinagkakatiwalaang tao sa buhay nya.




Kahit kailan ay di naman naglaho ang pag-ibig ni Hyena para kay Yurres.Hanggang ngayon ay mahal na mahal nya parin ang binata.Kaya hindi nya talaga matanggap na nanliligaw na ang aktor kay Aeona.Ang masaklap pa ay minamahal ng mahal nya ang matalik nyang kaibigan.







"Nakapagtago kayo,pero kahit kailan di kayo makakatakas sa akin."Dumagundong ang
nakakapangilabot na halakhak ni Lucifer sa luob ng kwarto ni Gabriel.Di na makahinga ang anghel sa higpit ng pagkakasakal sa kanya ng demonyo.Hindi na sya makalaban sa panghihina.Pakiramdam ni Gabriel ay mas lalong lumakas ang demonyo sa maikling panahon ng pagtatago nila.Lumingon ng nakangisi at may nakakatakot na titig si Lucifer ng maramdaman ang kaunting kirot sa likod."Papaanong di ka manlang masugatan ng aking espada?"Nagigimbal na pahayag ni Michael.Tahimik na sumugod sa likod ng demonyo ang archangel ng marinig ang mga mahihinang kalabog sa kwarto ng kapwa angel.Binitawan ni Lucifer si Gabriel at sinipa nya si Michael.Sa lakas ng sipa ay tumalsik sya at humampas sa pader ng kwarto.







"Ang tindi mo rin no?Hanggang ngayon ay di ka parin sumusuko."Matapang na pahayag ng kararating lang na si Raguel.Agad syang sumugod at binaril ang demonyo.Ng makalapit naman ang anghel ay umataki sya gamit ang matalim na sandata.Nagulat si Raguel ng maputol lamang ang espada ng sanggain ito gamit ang kamay ni Lucifer.Ngumisi ang demonyo at sinuntok ang Anghel.Sa lakas ay napatalsik si Raguel sa pader at nasira ang pader ng kwarto ni Gabriel.






Transfer Souls [Completed Story ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon