Chapter 2

68 7 0
                                    

Walang tigil ang ilaw ng mga camera.Lahat ng reporter ay nagkakagulo ng dumating ang aktres na si Aeona Aguilar.Nais nilang lumapit pero di nila magawa dahil sa bodyguards ng aktres.

"Aeona,kamusta si Yurres?"

"Anong sabi ng mga doctor,malubha ba ang lagay nya?"

"Please!Unting statement lang Ms. Aeona."

Marami pang tanong ang narinig ni Aeona pero nanatili syang tahimik.Sa wakas ay nalampasan ng aktres ang mga reporters, agad nyang hinanap ang kwarto ng ka-love team.
S

inalubong nya ang nurse na lumabas sa kwarto ng aktor."Miss,anong lagay ni Yurres?"Kinakabahan nyang tanong.Natigilan naman ang nurse at natulala sa aktres.Mayamaya ay nagulat si Aeona sa biglaan nyang pagtili."Kyahh!Ikaw ba talaga si Aeona Aguilar?Idol na idol po kita,"ilang na ngumiti sa kanya ang aktres at tumungo."Miss,pwedeng ko na bang malaman kong anong lagay ni Yurres,"tila natauhan naman ang nurse."Sorry na idol,nabigla lang talaga ako.Di pa po tapos yung operation na ginagawa ng mga doctor.Pwede po bang pa selfie at pa autograp,sige na po?"ibinigay nya ang pinaka matamis nyang ngiti sa nurse."Sure!"matapos magpa-picture at autograp ang nurse ay nagpasalamat at umalis na sya.Lumabas na ang doctor at sya naman ang hinarap ni Aeona."Kamag-anak ka ba ni Yurres Sandoval?"bungad na tanong ng doctor."Naku!Hindi po,ka -trabaho nya lang po ako at kaibigan."Tumungo-tungo naman ang doctor at binuklat ang papel na dala."The patient is in coma and we don't know when he will awake,dahil sa injury na natamo nya sa accident,"malungkot na tumingin sa kanya ang aktres."Ganun po ba Doc,maraming salamat po."




Samantala ay nagising naman si Neil.Napahawak sya sa kanyang ulo dahil sa sakit na naramdaman.Nalaman nya na nasa ospital sya ng ilibot nya ang kanyang paningin sa kwarto.Sa lahat ng lugar ay ang ospital ang inaayawan nya dahil sa mabahong amoy ng mga gamot.Kinikilabutan rin sya pag nakakarinig ng mga daing sa ibang pasyente.


Nakaramdam sya ng pananakit sa sikmura kaya agad syang nagtungo sa CR at nagsuka.Matapos magmumog ay napatingin sya sa salamin ng CR.Halos mapasigaw sya sa nakita nya sa salamin."Ang gwapo ko talaga,"napangiti nyang sabi sa sarili.Napatingin sya sa likod nya.Kasi di talaga sya makapaniwala kong anong nakikita nya sa salamin."Kaninong muka ito?!"


Transfer Souls [Completed Story ] Where stories live. Discover now