Chapter 9

48 6 10
                                    

Ng makarating sa Daang Hari ay inihinto nya ang sasakyan sa tabi.Naglalakad-lakad sya ng may mapansin na kaunting sira sa gitna ng kalsada.Bihira pa lamang ang sasakyan ng mga oras na yun dahil maaga pa.Habang tinitingnan ng aktor ang crack sa kalsada,may bigla nalamang na humawak sa balikat nya.Dahilan upang mapatingin sya sa likuran."Mas magandang ako ang nauna sayo."Nakakikilabot na ngiti ang sumilay sa lalaki."Isa ka ba sa mga anghel ng Ama?"Isang halakhak ang kumawala sa lalaki."Alam mo kung ordinaryong tao lamang ako,marahil inisip ko na baliw ka na."Malakas na halakhak ang muling narinig ni Neil sa lalaki.Isa lang ang alam nya ngayon,masama ang kutob nya sa lalaki."Sabihin na natin na isa nga ako sa mga Anghel ng sinasabi mong Ama."Walang ano-ano ay tumalsik ang lalaki ng biglaan.Lumabas sa kung saan ang isa pang maangas na lalaki at lumapit sa gulat na gulat na si Neil.






"Woh hoh!Ang layo ng tinalsik nya.Ipagpaumanhin mo dahil ako'y nahuli."Magalang na sabi ng lalaki.Pinatong nya ang Shot Gun sa kanyang balikat at hinanap kong saan tumalsik ang binaril na lalaki."Ano ba talagang nangyayari!Sino ka?"Tanong nya sa bagong dating na lalaki.Lumayo ng bahagya si Neil sa misteryusong lalaki na may hawak ng Shot Gun.Ramdam ng aktor ang panginginig dahil sa takot.




"Ako nga pala si Gabriel,isa sa mga tapat na Anghel ng Panginuon.Yung kausap mo kanina ay si Lucifer,mag-iingat ka sa kanya."Sa mga sinabing ni Gabriel ay halatang hindi naniwala sa kanya ang binata,kaya pinakita nya ang pakpak nya.Maswerti naman sila na walang nagagawing sasakyan sa Daang Hari."Yuko!"Sigaw ng anghel kay Neil,na agad namang yumuko.Binaril ng Anghel si Lucifer na dapat ay papalapit sa kanila.





Walang kahirap-hirap na sinalo ng demonyo ang bala gamit ang isang kamay at dinurog ito."Paligi ka na lang bang manggugulo Gabriel,makukuha ko na sana si Neil kung di ka lang dumating."Nakangising sabi ni Lucifer."Sa abot ng aking  makakaya ay babantayan ko sya."Walang ano-ano ay may lumabas sa likod ni Gabriel na isang espada.Unti-unting nyang hunugot ito,na tila may sisidlan sya sa likod nya ng nasabing sandata. Nagliwanag ang kanyang kamay.Ng mawala ang liwanag sa kaliwang kamay nya ay may hawak na syang pananggala.Ang demonyo naman ay may hawak rin na dalawang espada.





Naglaban ang dalawa at nagtagisan ng lakas.Hindi napansin ni Gabriel ang isang espada ni Lucifer kaya natamaan sya sa dibdib nya.Umagos ang dugo na nagpahina sa kanya  at nagpayuko.Sasaksakin na sana ni Lucifer si Gabriel,naudlot ito ng barilin  ni Neil ng Shot Gun ang puso ng demonyo.Dali-dali nyang dinampot ito kanina ng matamaan ng espada ang Anghel.Tumalsik ang demonyo at natumba sa kalsada.Ilang saglit pa ay naglaho sya kasabay ng isang usok na pula mula sa kanyang pinagbagsakan.Isinakay ng aktor si Gabriel sa sasakyan at pinaandar ito pauwi.






"Kailangang magamot ang sugat mo!"Natatarantang sabi ni Neil sa anghel.Hindi sya mag-kandaugaga sa paghalukay ng mga gamit.Umaasa ang binata na may nailagay syang first Aid Kit sa sasakyan.Natigil lamang sya ng hawakan ni Gabriel ang kanyang kamay."Hindi na kailangan.Magmaniho ka na lang."Itinapat ng anghel ang palad nya sa kanyang sugat at nagliwanag ito.Ng mawala ang liwanag  ay gumaling ang sugat at kusang naayos ulit ang nasirang damit ni Gabriel."Ok!Sabi ko nga."Nasabi nalang ni Neil ng masaksihan ang isang himala.

Transfer Souls [Completed Story ] Where stories live. Discover now