Chapter 6

56 6 0
                                    


Natigilan si Neil ng makarinig ng matining na tunog,mabilis syang naglakad at pumasok sa kwarto.Sa pagkakataon na ito ay wala ng pumigil sa kanya.Pakiramdam nya ay bumagal ang pagkilos ng mga taong pinapanuod nya.Mabagal na bumaba at tumaas ang dibdib ng kanyang katawan.Ginagawa ng mga nurse at doktor ang lahat para maligtas sya.Ayaw nyang ikurap ang mga mata,natatakot syang pag nalingat sya ng sandali ay mawalan ng buhay ang kanyang katawan."Lumaban ka Yurres."Mahina nyang sambit sa sarili.Nakahinga sya ng maluwag ng marinig muli ang tunog, senyales na nailigtas ang kanyang pinsan.



"I can wait,kaya kong hintayin ka.Kahit gaano pa katagal."Saad ng binata sa dalaga,ngunit malungkot lamang sya na tiningnan ng dalaga.Hinawakan ng babae ang kanyang pisngi ng may nagbabadyang luha na malapit ng bumagsak sa kanyang mga mata.Maraming nais sabihin ang dalaga ngunit ang salitang."Sorry."Lamang ang lumabas sa kanyang labi,kasabay ng pagbagsak ng mga luha na kanina nya pa pinipigilan.Matapos bigkasin ang huling salita ay tumalikod ang dalaga at naglakad palayo sa binata.Malungkot lamang na nakatunghaw ang binata sa dalaga habang unti-unting nawawala ang babae sa kanyang paningin


"Bakit di mo ako hayang mahalin ka?Hindi ko ba deserve ang chance na pasayahin at turuan kang mahalin ako?"Bawat salita ng binata ay dumudurog sa puso nya,hindi nya napigilan ang mga luha dulot ng bighati na nadarama.Bagsak ang mga balikat na tumalikod at naglalakad,naglakad kasalungat ng daan na tinungo ng babae,daan na kahit sundan man nya alam nyang di papunta sa daan upang mahalin sya pabalik ng babaing iniibig."Cut!!Good take.No!that was fabulous acting."Manghang-mangha na sabi ng baklang direktor.Kapansin-pansin naman na nadala ang mga taong nanunuod,maging ang mga tagahanga ng pangunahing aktres at aktor ng palabas na 'Till We Meet Again' ay napaluha.Isa kasi ang scene na naganap sa mga ipapalabas sa TV.


Matapos na masiguro na ligtas na sa kapahamakan ang pinsan,agad na inasikaso ni Neil ang naiwang Teleserye.Ginagawa nya ang lahat para di mahalata na nagpapanggap lang sya.Gumaganap ang aktor bilang si Zade,na lalaking biglang naglaho.At iniwan ang nobyang si Freya na ginagampanan naman ng aktres na si Aeona.Ang aktor naman na si James Reid ang gumaganap bilang Yuwen,ang matagal ng manliligaw ni Freya.


Halos lahat ay namangha sa galing ng pag-arte nila James at Aeona sa unang scene.Ngunit may isang lalaki na tila naiinis sa nasaksihan,ito'y walang iba kung hindi si Neil.Naiinis sya,tingin nya ay bagay na bagay ang dalawa na magkapariha."Mas magaling pa ako na umarte sa kanya."Sabi ni Neil sa saluob-luob nya.Pinigilan nya ang sarili na magmukang galit at nag fucos sa kanyang trabaho."Guys!Maghanda na.Gora na tayo sa next scene."Inayos ng mga staff ang lugar ng marinig ang utos ng direktor."Action!"Sigaw nya na naging hudyat upang kuhanan ang next scene ng Teleserye.


Lingid sa kaalaman ng binata ay may nagmamasid."I guess,it's still not too late to come back for her."Napaangat sya ng tingin ng marinig ang boses na hindi nya inaasahang marinig.Tumalim ang tingin nya sa lalaki at agad nyang kinwelyohan ito."Ang kapal naman ng muka mo na bumalik pa dito matapos mo syang iwan at saktan Zade!"Hindi naman natinag si Zade kahit na napakatalim ng tingin sa kanya.At napaka higpit ng pagkakahawak sa kanyang kwelyo."Hinahanap ko ang sarili ko,kailangan namin ng oras.Yuwen!Alam mo naman ang mga nangyari sa amin.Mahal ko sya,kaya ko iniwan!"Buong tapang nyang sabi kay Yuwen."No Zade!Kung mahal mo talaga sya,dapat di mo iniwan.Mas kailangan ka nya mga oras na may pinagdadaanan sya."Natamaan sya sa sinabi ng binata.Nawala ang masamang tingin nya kay Yuwen,napalitan ito ng lungkot at panghihinayang sa mga oras na nawala dahil sa padalos-dalos na ginawa nya."May oras pa naman na simulan ang natapos na.Suklian ang mga nasayang at bawiin ang mga nawala."Napabitaw sa kwelyo ni Zade si Yuwen ng marinig ang mga salitang lumabas sa dating kakilala.Isang malakas na suntok ang lumapat sa muka ni Zade."Ganti lang dahil sa pananakit at pagpapaiyak mo sa kanya."Nakangising sabi nya.Malakas ang suntok ng binata kaya napangiwi sa sakit si Zade."I really deserve the punch."Nakangiting sabi ni Zade.Sa lakas ng suntok nya ay nagkasugat sa labi ang lalake.


"Now,get back to her before I change my mind and take her away from you forever. "Sa mga salitang binitawan ni Yuwen,malalaman na talagang sumuko na sya."Thanks bro!I owe you one."Maglalakad na sana si Zade,pero huminto sya at hinarap si Yuwen kasabay ng malakas na suntok."I also punch you,because you try to steal my girl.But thank you for taking care of her."Muli ay naglakad na palayo ang binata ng nakangiti."I guest,I'm really defeated now."Saglit na huminto ang camera kay Yuwen.Mapait na ngumiti ang binata.Saglit pang nakatutok ang camera sa kanya. "Cut!Pero bakit naging parang totoo ang scene.Kaimbyerna!Gamutin at takpan nalang ng make up ang sugat."Kumilos na ang mga staff upang gamutin at lagyan ng make up ang mga bida.Dalawa ang nasugatan pero pinili ni Aeona na lapitan si Neil upang tulungan.Sa ginawa nya ay kinilig at nagtilian ang mga fans na kanina ay di makapaniwala sa nasaksihan."Ako ng bahala sa kanya."Nag-alisan na ang mga tutulong sana kay Neil.Pinaupo naman ni Aeona ang aktor sa malapit na bench at ginamot.Dahil tapos na ang shooting,pinaalis na ang mga dismayadong fans na inakalang malalapitan ang mga hinahangaang idolo.


"May galit ka ba kay James kaya ang lakas ng suntok mo sa kanya?"Natawang sabi ni Aeona na ang tinutukoy na James ay ang sikat na aktor na si James Reid.Ngunit di manlang pinansin ni Neil ang sinabi ng aktres.Magsasalita sana ulit si Aeona pero di nya ito natuloy ng dumating si James."Nasaktan din naman ako,bakit sya lang ang ginagamot mo?"Pabirong sabi ng aktor.Natawa ang aktres ng marinig ang sinabi ni nya.Samantala,kunot nuong sinulyapan ni Neil ang lalaki.Mabilis nyang inalis ang pagkakunot ng nuo nang biglaang sumulyap sa kanya ang sikat na aktor.Hindi maintindihan ni Neil kung bakit inis na inis sya kay James.



"May mga tumulong na kasi sayo."Natatawang sabi ng dalaga,hindi maintindihan ni Aeona ang nararamdaman.Matagal na kasi nyang hinahangaan ang aktor sa kisig at kanyang mga talento.Napabalita rin na nagkakalabuan ang magkasintahan na James at Nadine sa lumipas na mga bwan.Nanatiling tahimik lamang si Neil habang nag-uusap ang dalawa na tila walang kasama,hanggang sa nagtanong ang aktor kay Aeona."If you're free tonight,can we have a dinner miss Aeona?"Matapos marinig ni Neil ang sinabi ni James,di na sya nakapagpigil at agad sumabat sa usapan."She have an appointment with me tonight."Nagulat man sa narinig ay hindi na nakapagreklamo ang dalaga ng makita ang "Makisakay ka na lang" look ni Neil."I'm sorry James,we have a dinner later."Yun na lamang ang nasabi ni Aeona.Disappointed naman na sumang-ayon si James at nagpaalam para umalis.



"What do you mean a while ago Yurres Sacrael Alminarez Sandoval!"Inosenting tiningnan ni Neil si Aeona,alam nyang naiinis na ang dalaga dahil binanggit na nya ang buong pangalan ng pinsan."Can we have a dinner Aeona?Please!"Magalang na sabi ni Neil.Ng marinig ng dalaga ang sinabi ng aktor,wala na syang nagawa at sumama nalang sa binata.

Transfer Souls [Completed Story ] Where stories live. Discover now