Chapter 5

73 6 0
                                    

"Tsk!Sa susunod nga mag-iingat ka.Nadamay tuloy ako."Singhal nya sa natutulog nyang katawan.Kahit naiinis sya kay Yurres ay nag-aalala pa rin sya sa kanya.Pinagmasdan nya ang kanyang kabuoan.May binda ang kaliwa nyang paa at kanang braso.Nanlumo sya ng makita ang mga sugat sa kanyang muka.Kaawa-awa ang sinapit ng kanyang katawan."Pano ba ako makakabalik?Gusto ko ng makabalik sa katawan ko.Bilisan mo ang pagpapagaling Yurres.Kaya mo yan,wag kang susuko.Dahil pag bumigay ka,pinapangako ko na di kita mapapatawad sa panggugulo mo sa buhay ko!"Matapos nyang kausapin ang kanyang katawan,agad syang umalis at hinanap si Aeona.


Natagpuan nya ang artista na may kausap na matandang babae.Isang pasyinte rin ang kanyang kausap base sa kanyang suot na patient gown.May mga tao rin na nagpapakuha ng litrato sa dalaga na kanya namang pinaunlakan.Lumingon si Aeona kay Neil at sya'y kinawayan ng babae.Nakuha nya ang atensyon ng mga tao,tumili ang mga kababaihan ng sya ay makalapit."Yurres,pwede po bang mag pa-picture?"Tanong ng babae na isa sa kanyang mga tagahanga.Matapos makihalubilo sa mga tagahanga ay sumama sya sa usapan ng dalawang babae."Mas pogi ka pala talaga sa personal,iho."Nakangiting komento ng matandang babae."Nako,hindi naman po.Salamat po."Nakangiting sagot nya sa matanda."Abay!Bagay na bagay kayong dalawa.Sana sa huli ay maging kayo na.Nagulat nga ako,ang sabi sa balita ay matalik kayong magkaibigan."Sabay na tumawa ang dalawang artista.Wala sa isip ni Neil na maging nobya si Aeona.Hindi nya gustong masangkot sa showbiz.Oo,maganda para sa kanya ang babaing artista,ngunit hindi sya pasok sa mga tipo nyang babae.Pumasok sa isip nya ang mga ala-ala ni Yurres.Sandali syang natigilan ng mapanuod ang isang ala-ala na nagbalik sa isip ng kanyang pinsan.



Sa isang eskinita na tanging isang poste ng ilaw lamang ang nagsilbing liwanag ay nagpalitan ng suntok ang isang lalake at si Yurres.Nagdugo ang muka ng isang lalake ng sya'y makatanggap ng malakas na suntok.Ngumisi ang lalaki na may singkit na mga mata,matangos na ilong,mahabang pilik-mata at mas matangkad sa kanyang pinsan.Dumura ng dugo ang lalake at ngumisi."Why are you mad?You should be happy.Our wedding is cancelled.You can now court Aeona."Tumatawang sabi nya.Kumuyom muli ang mga kamao ng sikat na artista.Kunot-nuo nyang tiningnan ang kaaway.
"What are saying Dylan?!"Galit nyang sabi.Tumindi ang kanyang galit ng muling marinig ang tawa ng lalaki."Alam ko namang mahal mo sya ng higit pa sa kaibigan Yurres.Lalaki rin ako kaya di mo ako maloloko.Ito na ang chance mo.Please!Kunin mo na sya sa akin.I thought I love her.Pero ang totoo ay rebound lang talaga sya.I'm idiot.I didn't realize na hindi ko kayang kalimutan si Hera.Mas masasaktan ko lang sya kung itutuloy ko ang kasal."Nakayuko nyang sabi.Mayamaya ay narinig nya ang mahinang hikbi mula kay Dylan.Nag-angat ng muka ang lalaki na may luhang umaagos sa kanyang mga mata.Ikinagulat ni Yurres ang kanyang pagluhod habang umiiyak."I'm sorry."Umiiyak nyang sabi."Dylan,wag ka na ulit magpapakita sa kanya.Tama na yung sugat na binigay mo."Walang emosyon na sabi ni Yurres.Tumalikod ang artista at nag-umpisang maglakad."She deserve to be love by someone like you.Please,take care of her."Natigilan sya ng marinig ang sinabi ni Dylan."I'm always taking care of her.But I shouldn't cross the line,I don't have a courage to cross the line."May pait na ngiting tugon ng aktor.



"Yu?Are you ok?"Nabalik sa reyalidad si Neil ng marinig ang boses ni Aeona."I'm ok.Lets go?"Nakangiti nyang tugon.Hinayaan nyang mauna sa paglalakad ang dalaga."In love pala si Yurres kay Aeona." Wala sa sarili nyang sabi habang nakangiti. Napalingon naman ang aktres sa kanya."Anong sabi mo?"Kunot-nuong tanong ng dalaga."Wala."Nagtaka silang dalawa ng makita ang mga nurse na nagpasukan sa kwarto ng kanyang pinsan.Pinigilan ni Neil ang isang nurse upang itanong kung anong nangyayari.""Sir,humihina po ang vital signs ni Mr. Alminarez at kailangan na agad syang maasikaso dahil maari nya itong ikamatay!"Agad na sabi ng nurse.Nagsipasukan ang mga doctor at iba pang nurse upang maagapan si Yurres. Binalot sya ng kaba at takot. Butil-butil na lumabas ang kanyang pawis."Sir,bawal pong pumasok."Pigil ng isang lalaki na nurse kay Neil ng tangkain nyang pumasok sa kwarto."Pinsan ko sya!Gusto kong malaman ang lagay nya. Neil!"Pilit syang pinigilan ng nurse.Maging si Aeona ay hinatak sya palayo,hinawakan nya ang kanyang pisngi.Napalunok sya ng makita ang takot sa mga mata ng binata."Yu!Calm down.Ililigtas nila si Neil.Ang kailangan ay magtiwala ka sa kanila."Tiningnan ng aktres ang mga mata ng kaibigan.Bumaba naman ang balikat ng binata at tuluyan syang kumalma."Yurres,wag mo gawin sa akin ito.Pano na lang sila tita?Yung mga kaibigan mo.Paano na lang ang sarili nating buhay?Kailangan mong mabuhay!Katawan ko yan at kailangan kong mabawi yan.Gugulpihin pa kita,ibalik mo ang katawan ko Yurres!"Gusto nyang ipagsigawan ang mga salitang nais sabihin ngunit pinigilan nya ang kanyang sarili.Alam nyang walang maniniwala sa kanya,iisipin lang nila na baliw na sya.Isa lang ang nagawa ni Neil,ang manalangin na mabuhay si Yurres.Yung lang ang magagawa nya sa ngayon.

Transfer Souls [Completed Story ] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن